Itinuturing ng "Tawag ng Tanghalan" Season 2 grand finalist at flight attendant na si Anton Antenorcruz na mapalad dahil silang tatlo nina John Mark Saga at Raven ang napili para magbigay-buhay sa mga kantang komposisyon ng King of Talk na si Boy Abunda.
Si Anton ang umawit ng "Kalbaryo" na kabilang sa anim na kantang isinulat ni Boy at kontribusyon nito sa LGBTQIA+ community.
Opisyal na nilunsad ng Star Music amg mga kanta ni Boy sa Rampa Drag Club, Eugenio Lopez Drive, Quezon City, noong Huwebes ng gabi, Hunyo 27, 2024
Read: Boy Abunda writes songs for the LGBTQ community

ANTON ANTENORCRUZ ON BEING JUDGED BY OTHERS
Personal na pinasalamatan ni Anton si Boy dahil sa tiwalang ibinigay sa kanya. Pero ipinagtapat niyang hanggang ngayon, takot pa rin siyang mahusgahan ng mga tao.
Mensahe ng singer, “Tito Boy, maraming salamat sa pagtitiwala sa akin na gawin ang project na ito.
"Sa totoo lang po, sobrang saya na maging part ako ng project na ito."
Pagpapatuloy ni Anton: “Never po akong nakapag-perform na na-present ko ang sarili ko na walang inhibitions.
"Hindi ko iniisip kung ano yung sasabihin ng ibang tao and, finally, masasabi ko na part ako ng LGBTQIA+ community.
“I see it more as a responsibility. Bakit? Kasi po, to be honest, hindi pa rin po ako sanay pero gusto kong ibigay sa sarili ko na….
“Tanggap ko kasi ang sarili ko ngayon, although hindi po ako sanay or kung paano exactly ipi-present ang sarili ko.
“Kaya ko siya nasabing responsibility, kasi yung song, para maka-inspire ng mga taong katulad ko na may takot pa rin kahit papaano.
"Gusto ko silang isama sa journey ko sa mga kanta na kasama sa project na ito."
Dagdga niya, "Minsan nararamdaman ko na hindi ko naipapakita nang maayos yung totoong ako.
"At masaya ako, finally, dahil sa project na ito or habang hindi pa tayo tapos sa mga ipinaglalaban namin, maipe-present ko ang sarili ko nang maayos."
Read: LGBTQ community blames non-ally for chaotic Pride March 2024
Ang diskriminasyong patuloy na nararanasan niya ang pinagmumulan ng takot ni Anton.
Nangyayari raw ito kapag naiimbitahan siyang magtanghal sa mga beauty pageant.
Saad niya: “Never naman po ako nag-deny kapag may nagtatanong about my sexuality.
"Feeling ko lang, nadya-judge ako kapag, let’s say, nagpe-perform ako sa isang beauty contest, tapos kailangan ko mag-serenade.
“May group of people sa crowd na nakakaalam kung ano yung sexuality ko."
Natikman daw ni Anton na masigawan ng "Bakla!" habang hinaharana ang mga kandidata ng beauty pageant at masabihan na "Sayang ka, Anton, sisikat ka sana pero bakla ka!"
Read: Here’s the tea: LGBT lacks inclusivity!
SAME-SEX WEDDING
Pitong taon na ang nakararaan nang maranasan ni Anton ang pinakamatinding paghuhusga sa kanya ng publiko.
Ito ay dahil sa paglabas ng wedding video ng same-sex marriage nila ng dating karelasyon niyang si John Carasig, isang Filipino chef na naninirahan noon sa Australia.
Read: "Tawag ng Tanghalan" semifinalist Paolo Antenorcruz was once married to a man
Sa pakikipag-usap sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ikinuwento ni Anton na isang taon lamang ang itinagal ng pagsasama nila ni John bilang mag-asawa.
Humantong din ito sa hiwalayan at may kinalaman ang agwat ng kanilang mga edad.
“I was 20, he was 33," panimulang lahad niya.
"Personally, I think hindi pa ako ready or let’s just say hindi ko pa siguro talaga nahahanap yung sarili ko.
“Dito kami ikinasal sa Pilipinas so hindi talaga siya valid, hindi talaga legal.
“Hindi na namin kailangan ipawalang-bisa dahil hindi siya valid to begin with.”
Inamin ni Anton pinagsisisihan niya ang kanyang pagpapakasal sa edad na 20.
“Sa totoo lang, naisip ko sana hindi ko siya ginawa o kung gagawin ko man siya, sana kung kailan na lang talagang kilalang-kilala ko na ang sarili ko at ready na ako,” pahayag niya.
Read: TNT grand finalist Anton Antenorcruz opens up about same-sex marriage: "Mali yung decision ko nun."
Nang lumitaw ang video ng naganap na same-sex wedding habang contestant siya ng "Tawag ng Tanghalan" ng It’s Showtime, hindi pa alam ng pamilya ni Anton ang tunay na sexual preference nito.
Lalong hindi alam ng kanyang mga magulang ang naganap na pag-iisang dibdib nila ni John noong 2012 kaya malaking isyu ito noon.
Ayon kay Anton, “Yun din siguro ang isa sa mga reason kaya ang dami naming pinroblema after. Kasi hindi talaga ako emotionally, mentally ready.
“Feeling ko, 'Sige na lang, since mahal ko naman yung tao. Nandito na tayo. Saka ko na lang iisipin ang sasabihin ng family ko.'
“Of course, dumating sa ganoon, pero na-realize ko na very important ang family sa pagdedesisyon sa ganoong kalaking bagay, lalo na ngayon na tanggap na nila ako.
"So, kung maglu-look back ako, sana nahintay ko na lang lahat yung perfect na plano ng Diyos.”
Read: TNT grand finalist Anton Antenorcruz says past same-sex marriage was a bad experience
NO COMMUNICATION
Matagal nang walang komunikasyon si Anton sa kanyang "ex-husband" na pinakasalan niya noong Disyembre 13, 2012.
Saad niya, “Hindi ko na siya naiisip, but I wish him well.
"I think okay naman kami. Kumbaga, lalo na ngayon na ilang years na ang nakalipas after mangyari yon.
“I think kapag nagkita kami saka nagkrus ang landas namin, okay na naman siguro.”
Sino ang nakipaghiwalay sa kanilang dalawa?
Maingat na sabi ni Anton, “Since wala na kaming communication, ayoko na sana mag-answer ng mga question, kasi siyempre ayokong maging unfair sa kanya.
“Kumbaga, may kanya-kanya kaming side ng story, nire-respect ko. And, I’m sure, nire-respect din ng side niya kung ano ang kanyang story saka kung anong version ko.”
Sa kabila ng mga karanasan niya noon, nangangarap pa rin si Anton na magpakasal sa lalaking karapat-dapat sa kanya at makakasama sa habambuhay.
“Yes!” ang matunog na sagot ni Anton sa tanong ng PEP kung gusto pa rin niyang ikasal.
“Ngayon, naiisip ko po na magpakasal ulit, although wala pa. Wala pang usapan about marriage sa bago kong partner since February 2024.
“LDR ang setup namin pero thankful na lang ako na meron akong trabaho.
"He’s 33, turning 32 years old ako.
“I do hope na ma-legalize na ang same sex-marriage dito sa Pilipinas. Magiging masaya po ako kapag naging legal siya sa Pilipinas.”
Read: Thai BL actors Both Nuttapong, Newyear Kitiwhut now engaged