Ikinasal na sina Renz Fernandez at Jef Gaitan sa isang intimate wedding ceremony noong Martes, June 25, 2024.
Naganap ang pag-iisang dibdib ng dalawa sa Las Casas Filipinas de Acuzar, sa Quezon City, na dinaluhan ng kani-kanilang pamilya at malalapit na kaibigan.
Si Renz ang bunso sa dalawang anak ng aktres na si Lorna Tolentino at ng namayapang aktor na si Rudy Fernandez.
Kilala rin siya bilang aktor na tumampok sa ilang teleserye katulad ng FPJ's Ang Probinsyano sa ABS-CBN, at Cain at Abel at Philippine adaptation na Descendants of the Sun sa GMA-7.
Si Jef naman ay isa ring aktres at naging castaway ng reality show na Survivor Philippines Season 2.
Kabilang sa mga proyektong niya ay ang FPJ's Ang Probinsyano, Maalaala Mo Kaya, at Darna.
Read: Renz Fernandez, aminadong umaasa pa sa "yaman" ng inang si Lorna Tolentino

Sa Instagram noong June 26, masayang binalikan ni Jef ang mga litrato nila ni Renz noong sila ay magkasintahan pa lang hanggang sila ay magpasakal.
Sabi niya sa caption, "In God's perfect time, true love is always worth the wait. Now, is our time, finally."
Ipinost din ni Jef ang ilang special moments na nangyari sa kanilang kasal, kabilang na ang malalim na kahulugan ng kanyang bridal bouquet na sunflower.
Saad niya, "The sunflower represents lasting happiness, loyalty, and devotion. To me, it is also a symbol of joy and always looking to God for guidance.
"Just as I look to God for everything, my devotion now is to look only at my husband and to serve him faithfully and lovingly."
Read: Renz Fernandez on being rejected by girls: "Hindi ko alam kung bakit, e. May curse yata ako."
CELEBRITY GUESTS
Sa kasal, present siyempre ang ina ni Renz na si Lorna.
Read: Lorna Tolentino dispels claim that her late husband Rudy Fernandez was adopted

Bukod kay Lorna, ilan pa sa kilalang personalidad na imbitado sa kasal nina Renz at Jef, base sa mga litratong ini-upload ng Nice Print, ang official photographer ng kanilang kasal, ay sina Senators Lito Lapid, Manny Pacquiao, at Grace Poe, at si ABS-CBN executive Cory Vidanes.
Nagsilbi silang principal sponsors ng bagong kasal.
