Payag at bukas sa posibilidad ang Kapamilya TV host-comedienne na si Melai Cantiveros kung saka-sakaling siya ang mapiling maging bida sa remake ng blockbuster comedy movie na ang Ang Tanging Ina.
Ang Ang Tanging Ina ay pinagbidahan ng tinaguriang Comedy Queen ng Pilipinas na si Ai-Ai delas Alas noong 2003, sa direksiyon ng yumaong filmmaker na si Wenn Deramas.
Read: PEP REVIEW: "Ang Tanging Ina N’yong Lahat" charms its way into viewers' hearts
Dahil sa tagumpay ng Ang Tanging Ina, nasundan pa ito ng dalawang sequels—Ang Tanging Ina N'yong Lahat noong 2008 at Ang Tanging Ina Mo (Last na 'To!) noong 2010.
Ang Tanging Ina N’yong Lahat ay opisyal na naging kalahok sa 34th Metro Manila Film Festival noong December 2008, at Ang Tanging Ina (Last na ’To!) ay nakasali naman sa 36th Metro Manila Film Festival noong December 2010.
Sa mga nasabing pelikula isinabuhay ni Ai-Ai ang karakter niyang si Ina Montecillo.
Read: Ai-Ai delas Alas, excited sa Tanging Ina reunion movie
Sa presscon ng Kuan-On-One, ang upcoming Bisaya online talk show ni Melai, noong June 25, 2024, natanong siya sa posibilidad na pagkakaroon ng remake ng Ang Tanging Ina.

May ilang netizens kasi ang nagsabing bagay kay Melai ang karakter noon ni Ai-Ai.
Tinanong ang Magandang Buhay host kung papayag ba siya.
Tanong kay Melai, "Ang daming nagpu-push na ikaw daw ang mag-remake ng Ang Tanging Ina, anong masasabi mo dun?"
Pabirong sagot niya, "Ah, siyempre, tanging ina niyo rin!"
Sabay bawi niya, "Char, char lang, sorry, sorry, sorry!" nang malaman nitong naka-live siya sa social media ng ABS-CBN noong mga oras na iyon.
Read: Melai Cantiveros among AAA 2023 Best Actor Award winners: "My heart is very kuwan..."
Nang humupa na ang tawanan ng entertainment press, nagawa na ring magseryoso ni Melai.
Bukas daw siya sa posibilidad kung sakaling alukin siyang bumida sa remake ng classic comedy movie.
Ang tanging pakiusap lang daw niya ay dapat ipaalam muna kay Ai-Ai para siya ay mabigyan ng basbas na muling isabuhay ang minahal na karakter noon ng Comedy Queen.
Saad ni Melai, "Sobra akong na-happy. Nag-message sa akin yung kaibigan ko na ayun nga raw, kung i-offer [naman] sa akin, why not?
"Sobrang happy. Pero siyempre, hindi natin para i-bypass si Ms. Ai-Ai delas Alas. Kasi siya talaga ang ating Queen of Comedy, ang dami na niyang napatunayan na comedy rin."
Dagdag pa niya, "Nandiyan pa sina Ate Pokie [Pokwang], sina Ms. Eugene Domingo.
"Pero kung i-kuwan [ibigay talaga sa akin], why not, pero wala sana tayong ma-hurt na mga tao. Gawa na lang tayo ng sarili natin."
MELAI REACTS TO "NEW GENERATION comedy queen" TAG
Dahil sa patok at bentang pagpapatawa ni Melai, may mga tagahanga siyang naniniwalang siya na ang susunod sa yapak ni Ai-Ai at matatawag na "New Generation Comedy Queen."
Read: Netizens burst into laughter watching Melai Cantiveros's bag raid at ABS-CBN Ball 2023
Ano naman kaya ang reaksiyon dito ni Melai?
Sabi niya: "Sobra akong hiya kapag sinasabihan ako ng ganyan. Kasi siyempre, wala pa naman akong napatunayan, na sobrang daming tawa talaga.
"Kahit mga kaibigan ko, sinasabihan ako ng ganyan. Sobrang happy ko naman, hindi naman puwedeng hindi ka kasi ma-happy, para ka namang sino.
"Pero para sa akin, marami pa akong kailangang daaning butas, bago ko makamit yung mga ganyan.
"Pero thank you so much sa lahat ng mga nagsasabi niyan. Pero kasi, ako nahihiya ako, baka may magsabi sa akin na, "Hindi ka naman puwede uy,' baka magalit sila."
Read: Ai-Ai delas Alas on late Direk Wenn Deramas: "Hindi na 'yon mapapalitan."
AI-AI IS WILLING TO CO-PRODUCE TANGING INA REUNION MOVIE
Samantala, sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Ai-Ai noong June 4, 2024, ibinahagi ng aktres na nakipag-usap na siya sa mga artistang gumanap na mga anak niya sa Ang Tanging Ina series. Payag daw ang lahat na magkaroon ng bagong bersiyon ang kanilang blockbuster movie.
Read: Ai-Ai delas Alas feels big pressure in doing sequel of "Ang Tanging Ina"
Ani Ai-Ai: "Actually, kinausap ko na yung mga anak ko, go naman sila, yung mga Tanging Ina na anak ko kasi may chat group kami.
"Sinabi ko sa kanila, 'Kapag ginawa ba natin ito, go kayo?'
"Sabi nila, ‘Oo, Mama, go kami diyan. Go kami diyan.’
"'O sige, try natin, hahanap ako ng producer tapos gawin natin.'"
Sa kagustuhan rin ni Ai-Ai na muling magkasama-sama ang original cast ng Ang Tanging Ina, handa raw siyang maging isa sa mga producer ng kanyang binabalak na proyekto.
"Ako yung magpo-produce. Kumbaga, partnership with Star Cinema.
"Nagtanong din ako sa Star Cinema kung magkano ang magagastos sa ganito, sa ganyan.
"Ang Star Cinema ang may hawak ng rights ng Ang Tanging Ina," sabi ni Ai-Ai tungkol sa proyekto.
Tila mahirap itong gawin dahil bukod sa may kanya-kanya nang buhay, naninirahan sa ibang bansa ang ilan sa mga artistang gumanap na anak niya sa Ang Tanging Ina, dalawampu’t isang taon na ang nakalilipas.
Read: Ai-Ai delas Alas reunites with Heart Evangelista, Jiro Manio, Ang Tanging Ina kids
Sina Marvin Agustin, Nikki Valdez, Carlo Aquino, Heart Evangelista, Alwyn Uytingco, Marc Acueza, Shaina Magdayao, Serena Dalrymple, Jiro Manio at Yuuki Kadooka ang mga gumanap na sampung anak ni Ai-Ai sa Ang Tanging Ina.
Read: Ai-Ai delas Alas nakatanggap ng message mula kay Jiro Manio
AI-AI DELAS ALAS IRKED BY STAR CINEMA'S MOVE
Pero mukhang hindi na ito itutuloy ni Ai-Ai matapos “i-take down” ng ABS-CBN News ang artikulo tungkol sa pangarap niyang magkaroon ng reunion movie ang cast ng Ang Tanging Ina.
Inalis ang artikulong may pamagat na "Ai Ai delas Alas in talks with Star Cinema for ‘Tanging Ina’ reunion" na lumabas noong Hunyo 8, 2024 dahil, diumano, itinanggi ng mga tauhan ng film arm ngABS-CBN na may pag-uusap na nangyari sa pagitan nila at ni Ai-Ai.
Nasaktan si Ai-Ai dahil parang pinalabas itong sinungaling at walang katotohanan ang kanyang pahayag sa isang Zoom media conference.
Dito ay sinabi niyang may tinanong at kinausap siya—ang dating advertising and promotions manager ng Star Cinema na si Roxy Liquigan—tungkol sa posibilidad na reunion movie bilang isang U.S.-based Filipino-American producer ang interesadong makisosyo sa movie company ng ABS-CBN.
Sabi niya kanyang Facebook live rant: "Anong masama dun? Alangan naman magtanong ako sa Regal, sa Viva o kaya sa Seiko Films? E, ang Star Cinema naman ang gumawa ng Tanging Ina.
“At saka, ako naman yung Tanging Ina dun, di ba? So, anong masama kung magtanong ako?
"At saka ano naman ang masama kung mabalita yon? Masama ba yon, di ba, nagtatanong lang naman ako?"
Himutok pa ni Ai-Ai: “O baka naman, in-assume ko lang naman ito, baka ayaw ninyong ma-associate sa akin?
"Bakit, pinagkakitaan ninyo naman ako dati sa Star Cinema, di ba?
“Masama ba yon at saka sobrang nakapagtataka. Minamaliit ninyo ako, ganoon?
“Bakit, e, talagang wala tayong magagawa, ako naman yung naging Tanging Ina, di ba? Ano bang dahilan ninyo?”
Wala pang sagot ang Star Cinema tungkol sa isyu.
Read: Ai-Ai delas Alas, naglabas ng hinaing tungkol sa Star Cinema
