Hindi itinatago ni Pokwang ang kanyang pagkamuhi sa mga babaeng naninira ng pamilya o homewrecker.
Kahit hindi babae ang dahilan ng hiwalayan nila ng estranged partner na si Lee O'Brian, minsan ay may banat siya sa mga babaeng umaaligid-aligid dito noong hiwalay na sila.
Read: Pokwang: "Ako lang naman ang nagmahal. Ang iba nanggamit lang."
POKWANg: "BAD KARMA SOON."
Sa pamamagitan ng Thread, isang bagong social media app, isang netizen ang nagtanong sa kanyang mga kaibigan kung ano ang masasabi nila sa mga kabit.
Ayon dito (published as is), "Gusto ko talaga malaman mga ka thread, kung ang mga kabet na pinili kesa sa original wife is may mga peace of mind? knowing na may tao silang sinasaktan at may batang na broken family dahil sa mga maling decisions nila sa buhay?comment your pov guys, babasahin ko isa isa without judgement, gusto kolang malaman , Thankyou [heart hands emoji] legalwife here [woman raising a hand emoji]"

Maraming netizens ang sumagot sa survey. Nagbigay sila ng kani-kanilang opinyon tungkol sa tanong ng netizen.
Isa sa mga sumagot ay si Pokwang.
Ayon sa comedienne-TV host, may pananagutan ang mga kabit sa mata ng Diyos dahil nakakasira sila ng pamilya.
Sa huli ay hahabulin daw ang mga ito ng "bad karma."
Buong sagot ni Pokwang: "Yung mga babaeng malalandi, makati ang b*$^t kung masaya sila ngayon dahil naagaw ng kalandian nila ang isang lalaki na may pananagutan lalo at may batang involve, well THE WRATH OF GOD is coming!
"di sila matatahimik, masaya sila sandali lang pero tandaan may nawasak silang puso at masaya sanang pagsasama, dahil sa kalandian at tawag ng ka pokpokan di nila antala si KARMA BAD KARMA SOON!"

NETIZENS REACT; pray for pokwang's healing
Hindi lingid sa kaalaman ng netizens ang pinagdaanan ni Pokwang matapos ang hiwalayan nila ni Lee noong 2021.
Madalas ibahagi noon ni Pokwang sa social media ang saloobin tungkol sa ama ng kanyang anak.
Read: Pokwang throws shade at ex-partner Lee O’Brian anew: “Again di ako kumakain ng sinuka ko na.”
Asam ng ilang netizens, tuluyan nang matapos ang healing process ni Pokwang.
Sabi ng isang netizen, "Praying for your complete healing Mamang. I fully understand where you are coming from. I honour your pain. I know in time healing and forgiveness will come. You are super blessed. Marami pa rin kaming nagmamahal sa iyo."

Marami namang sumang-ayon sa opinyon ni Pokwang tungkol sa mga kabit.
Sabi ng isa, "Tama yan Ms Pokwang indi sila magiging masaya habang buhay din ang Karma"

Pagsang-ayon ng isa, "Agree! May mga babae talagang ganyan. Kala naman nila jackpot sila. Karma is waving"

Sundot ng isa pa, "I agree, kabit at mga lalake n di makuntento ang sumisira sa pmilya. I'm sure di sila magkakaroon ng peace of mind at tyak n di rin sila magtatagal. Karma is real. Ipaparanas din s knila yung gnw nila."

May isa namang nagsabing hindi rin siya sinusustentuhan ng kanyang ex-partner.
Sumbong nito kay Pokwang, "Mamang nangyari sakin more than a year ago.. Hindi nagsusustento kahit nandito din siya sa bansang Kung San nandito din kaming mag Ina.. Iniwan niya kami Para sa kabit niya"
Payo ni Pokwang, "sampahan mo ng kaso !"

Wala ng iba pang reaksiyon si Pokwang.
