Hindi nakapagtimpi si Alexa Ilacad sa hindi magandang tabas ng dila ng isang basher na sinabihan siyang may hindi magandang bahagi ng kanyang katawan.
Read: Alexa Ilacad: From bulilit kid to "smartista" housemate
Sa kanyang Instagram Story kagabi, June 23, 2024, ibinahagi ni Alexa ang screenshot ng pakikipagsagutan niya sa isang basher.
Hindi na makita kung saang post ni Alexa galing ang komento ng nasabing body-shamer dahil burado na ang mga komento nito sa kanyang account.
Diretsong sabi ng netizen sa kanya, "Ang ganda mo pero may something talaga sa katawan mo na mejo off."
Sagot ni Alexa, dapat ay nag-research muna ang netizen bago nagkomento dahil ang katawan naman ng tao ay may iba't ibang hugis at laki.
Giit niya, "2024 na pero hindi ka parin aware na our bodies come in different shapes, sizes, and proportions? I'd suggest you to hit the books before making comments that are very... 'off.'"
Pabalang ang sagot ng basher sa kanya.
Sabi nito, kahit 2024 na, ang gusto lamang daw ni Alexa ay mga hindi "off" na komento. Dapat daw tumigil na ito sa pag-aartista kung hindi nito kayang sikmurain ang mga kritisismo sa kanya.
Ayon dito, "2024 na pero mukhang ang gusto mo lang na comment ay yung hindi 'off' para sayo? Dapat hindi ka nag artista if you can't stomach the truth."
Buwelta ni Alexa, ang hindi porke't artista siya ay puwede na siyang pagsalitaan ng masasakit at masasama.
Aniya, 'What a dumb argument. Me being a celebrity doesn't give you a free pass to be rude."
Caption pa ni Alexa, bahagi ng kanyang pag-aartista ang magbigay ng aliw at kasiyahan sa mga tao. Ngunit hindi bahagi nito ang hayaan na lamang ang netizens na pagsalitaan siya ng kung anu-ano.
Buong caption niya: "Last time I checked, ang trabaho ko po bilang artista ay umarte, kumanta,sumayaw minsan, at magpasaya ng tao.(Which i love doing) Buuut it isn't part of my job description to tolerate rude comments like this. Constructive criticism- I accept with an open heart, but this? Nah. Such a toxic mindset."

ALEXA ILACAD COMPARED TO GASUL BY BASHER
Noong March 2022, dinepensahan ng ka-love team ni Alexa at dating Pinoy Big Brother (PBB) Kumunity Season 10 housemate na si KD Estrada ang aktres laban sa isang body-shamer din.
Read: The future is bright for KD Estrada
Nilait ng isang netizen sa X (dating Twitter) si Alexa at ikinumpara ito sa isang Gasul tank.
Sabi ng nasabing basher kay Alexa na ipinagtabi ang kanyang larawan sa isang Gasul tank: “Gasul ka ghorl @alexailaxad.”

Mabilis naman siyang dinepensahan ng kaibigang si KD.
Hirit ni KD sa basher, “kapal ng mukha neto ganda ka?”
Read: KD Estrada defends Alexa Ilacad from body-shaming basher
Nagpasalamat naman si Alexa kay KD sa pagdepensa nito sa kanya.
Read: Alexa Ilacad reacts to KD Estrada defending her from basher calling her "gas tank"
