Hindi matatawaran ang husay at versatility ng Kapuso Primetime Princess na si Barbie Forteza. Premyado siyang aktres.
Ang ka-loveteam niyang Pambansang Ginoo na si David Licauco, aminadong hindi ganoon kagaling sa akting.
Read: PEP Best Bets 2024: The New Generation A-Listers
Pero dahil sa tambalan nila ni Barbie sa mga seryeng Maria Clara at Ibarra, Maging Sino Ka Man, at upcoming na Pulang Araw, pati sa unang BarDa movie na That Kind of Love, unti-unting nahasa si David.
“Ang maganda kasi kay David, very expressive yung mata niya,” sabi ni Barbie sa grand mediacon ng That Kind of Love nitong Hunyo 20, 2024, Huwebes, sa Plaza Ibarra, Timog Avenue, Quezon City.
“So, pag natutunan niya to work around it, to work on his eyes, napakadali na nun. Kasi magaling din naman siyang magpakilig!
“And sa lahat ng proyekto namin, kada project na ginagawa namin, nakikita ko yung confidence and comfortability niya na umarte. Di ba?
“Given na mahiyain siya, di ba? Pero pagka nasa set yan — hindi ganitong klaseng David ang makikita mo sa set, ha?
“Talagang actor David yung makikita mo. Talagang game siya, willing siya, in character siya.
“Especially sa Pulang Araw, talagang game na game siya talaga. Makikita mo na rin na unti-unti ahhmm nabubuo yung passion niya for acting, for the craft.
“Which I really admire, kasi nakita ko siya from Heartful Cafe, e. So, medyo nasundan ko ang mga project niya.
“Kasi yung mga sumunod na projects, ako na ang kasama niya. So, nakita ko rin ang growth niya.
“And ngayon, masasabi ko na mas komportable na siyang umarte sa harap ng kamera. At mas dedicated siya na galingan yung mga characters at mga projects.
“Sa mga projects na kinukuha niya, very mindful din siya. Kasi, alam na niya yung image na pinanghahawakan niya, e.
“So very mindful na rin siya, which is very good as an actor. Hindi ka lang tanggap nang tanggap for the money, di ba?
“Talagang mindful ka sa career na gusto mong tahakin, sa image na inaalagaan mo. May ganun na siya.
“Siguro dahil nadala na rin dahil businessman siya. So it comes with it na rin.”
Read: David Licauco to BarDa fans: "Iwasan lang ang hate."

BARBIE ON CARRYING LOVETEAM WITH DAVID
Ipinagtanggol ni Barbie si David sa pang-uurot na siya ang “bumubuhat” sa chinito actor. Kinikilala ni Barbie ang ambag ni David sa pag-angat ng kanilang tambalan.
“Actually, nalulungkot nga ako kapagka may naririnig akong ganun,” mabining pahayag ng multi-awarded Kapuso actress.
“Kasi parang nawalan ng purpose na tinawag pa kaming loveteam kung wala yung teamwork, hindi ba?
“Parang a loveteam will not work kung hindi kayong dalawa yung magtatrabaho din talaga.
“Siguro mas napapansin lang ng mga tao, kasi mas ako yung nagsasalita, di ba? Obviously!
“Pero look, parehas kaming nandito. We’re both here today, promoting the film. Pero alam mo yun, mas ako lang kasi yung naririnig, nakikita ng mga tao.
“Siyempre ako yung mas makulit, ganyan. Pero in terms of effort and yung dedication namin para mag-work itong loveteam, parehas na parehas lang naman.
“Kasi parehas naman kaming nagbe-benefit, hindi po ba?”
Read: Barbie Forteza, David Licauco more "comfy" now with Barda love team
BARBIE ON LOVABLE QUALITIES OF DAVID
Physically, ano ang nakaka-in love kay David? Ano ang kaibig-ibig sa Pambansang Ginoo?
Napangiti si Barbie, “Ang mga gusto kong qualities ni David, yung ahhh… pag-aalaga niya sa akin pag kami lang dalawa.
“Yung kapagka kunyari… actually isa nga sa mga naalala kong memorable na eksena, yung nasa crossing kami [sa Seoul], nasa kalsada kami. Wala kaming lapel, wala kaming anything.
“Nakatayo lang kami dun sa gitna ng daan habang andaming sasakyan, mga bus na dumadaan.
“Pero parang nagtsitsikahan lang kami… At that moment in time, parang feeling ko, kaming dalawa lang yung nag-e-exist.
“Kasi parang cars are passing by, ganun, pero kami, nag-uusap lang na ganyan. So, parang tuloy lang yung mundo.
“Pero nakatigil lang kami, nag-uusap lang kami about life, about ourselves.
“So, parang yung moment na yun, parang isa yan sa hindi ko makakalimutan. Kasi isa yan sa mga moments na nakilala ko siya talaga as David.
“And not David na nire-represent ng loveteam kumbaga. Hindi yung matinee idol, hindi yung leading man. “Si David lang as a person.”
Read: David Licauco addresses fans who want him and Barbie Forteza to become a couple
BARBIE ON PHYSICAL ATTRIBUTES OF DAVID
Sa pisikal, ano ang nagustuhan niya kay David?
“Kay David,” medyo pa-girl na pasakalye ni Barbie, bago napabungisngis.
“Hi! Hi! Hi! Hi! Yung physical quality na nagustuhan ko kay David, siguro yung kanyang… biceps.
“Nakita ko yon nung nag-Maging Sino Ka Man kami. Kasi lagi siyang nakasando.
“Ang laki-laki ng katawan niya, kasi lagi siyang nagwo-workout. Ang laki ng biceps niya, ganon.
“Di ba? Na-experience ko yun kasi natulog kami sa kama, sa eksenang magkatabi kami. Naramdaman ko ang kanyang mga bisig! Ganun! Ha! Ha! Ha! Ha!”
Read: Barbie Forteza, David Licauco explain viral hugging while sleeping photo

Maku-compare ba niya ang abs at biceps ni David sa abs at biceps ng boyfriend niyang si Jak Roberto?
Napamulagat si Barbie, “Grabe naman yun! Hindi naman yun ang aking tinitingnan. Ang tinitingnan ko, yung mga mata.”
Nakita ba niya dati iyong sexy photos ni David bilang modelo ng Bench Body?
“Hindi ko pa nakikita yon!” bulalas ni Barbie.
Nasa cast din ng That Kind of Love sina Kaila Estrada, Al Tantay, Arlene Muhlach, Divine Aucina, at Ivan Carapiet. Idinirek ito ni Catherine Camarillo.
Ang premiere night nito ay sa Hulyo 4 sa SM Megamall. Showing ito sa mga sinehan umpisa Hulyo 10.
