Inamin ni Rhen Escaño, 27, na masaya siya hindi lang dahil sa takbo ng showbiz career niya, kundi pati sa estado ng kanyang puso.
Read: Rhen Escaño finally breaks silence on breakup with Kokoy de Santos
Kasalukuyang palabas sa mga sinehan ang pelikula niyang Karma, at ongoing din ang kinabinilangan niyang teleserye sa TV5, ang Lumuhod Ka Sa Lupa.
"Happy po ako kasi primetime na ang Lumuhod Ka Sa Lupa.
"Ang daming nangyayari sa career. Career-wise, lahat po talaga ng gusto kong mangyari, nangyayari ngayon. Kaya happy," pasakalye ni Rhen nang tanungin tungkol sa kanyang lovelife.
"At yung heart ko po is healthy and happy. And nandiyan siya, manonood siya," natawang pagtukoy niya sa kanyang nobyo.
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang entertainment press si Rhen sa premiere night ng Karma, ang pelikulang iprinodyus ng Viva Films at Happy Infinite Productions.
Ginanap ang event sa SM North EDSA noong Martes, June 18, 2024.

Read: Rhen Escaño no plans of undergoing breast enhancement after basher called her “flat”
RHEN ESCAÑO'S BOYFRIEND
Nagpahiwatig si Rhen na taga-showbiz ang kanyang boyfriend.
"Sobrang low-key lang din niyang tao. Kilala niyo yon.
"He’s a good friend of mine, supporter. Well, ako rin naman, sa last film niya, nandun ako, nanood ako."
Kaya raw ni Rhen na pagsabayin ang career at lovelife.
"Opo, pero this time kasi, iba kapag same kayo ng field," saad uli ni Rhen, na waring may pa-clue kung sino ang karelasyon.
Seloso ba ang nobyo niya?
Nakangiting sagot ni Rhen, "Hindi. Supportive siya. Sige lang, go lang, push lang, ganun siya."
Sinubukan naming kumbinsihin si Rhen na pangalanan na ang kanyang nobyo kung manood ito sa premiere night.
“Ayoko po, kasi, as in, very private person talaga siya. And I really admire that."
Ang direktor na si Prime Cruz ang isa sa guests na namataan ng PEP at ibang media na dumating sa premiere night ng Karma.
Walang direktang kumpirmasyon si Rhen kung si Prime ang tinutukoy niya nang makausap siya ng PEP bago ang screening.
Read: Rhen Escaño finally breaks silence on breakup with Kokoy de Santos
RHEN ESCANO ON DOING AN ACTION FILM
Sa kabilang banda, ikinuwento ni Rhen na hindi niya inasahang maipalalabas sa bansa ang Karma, na ang direktor ay si Albert Langitan.
"Since one year ago pa po siya natapos, hindi ko nga po ine-expect na ipapalabas pa siya. Kasi parang trinay rin namin siyang ilaban sa mga film festival,. So, akala ko, hindi siya ipapalabas sa Philippines.
"Now, eto na, it’s happening and mapapanood na siya ng mga tao. I hope talaga na ma-appreciate nila kasi nakakatakot na makita ka nila in a different light, in a different genre.
"Kasi, napakahirap gumawa ng action films. Lalung-lalo na sa katulad ko na hindi naman super fit, hindi naman talaga nag-train for action.
"Kasi, growing up, hindi naman talaga ako flexible. Hindi naman ako nagdyi-gym. So, todo-effort talaga physically.
"At sana makita ng mga tao that I tried my best."
TRAINING FOR GUN FIRING
Buong pelikula ay ipinamalas ni Rhen ang kakayahan niya sa action genre.
Dito lang din daw siya nag-training ng gun shooting, at ayon kay Rhen, parang ayaw na niyang ulitin.
"Sa totoo lang, noong trinay ko po yon, parang ayoko nang ulitin. Kasi, nakakatakot siya.
"Kasi, kapag pinutok mo ang baril, kapag wala kang tamang control, puwede siyang—well, sa ceiling nga po ng gun firing, marami kang makikitang mga gunshot."
Pero pakiramdam daw niya, naka-tsamba lang siya sa unang gun firing niya na naka-bull's eye siya.
"Well, sabi nila, 'Meron kang mata.' Sabi ko, okay, pero hindi ko ‘to gagawin forever.
"Na-enjoy ko yung process ng action, training, workshop with my co-actors, masaya.”
Nakilala si Rhen sa sexy roles sa Viva. Pero totoo ang sinabi niyang wala siya ni isang sexy scene sa Karma.
"It’s a different image talaga," saad ni Rhen.
"Kaya nga nagulat ako. Noong tinawagan ako ni Direk Albert, sabi niya, 'Meron akong gagawing action film.'
"Tapos ako, 'Okay, ano ba ang gagawin ko? Baka sexy.' Tapos, agad-agad niyang sinabi na walang sexy. Noong binasa ko [yung script], wala, wala talaga.”
Minsan nang nagpahayag si Rhen na hangga’t maaari, ayaw na niyang gumawa ng sexy roles.
Sabi naman niya, "Okay lang din naman kung may konting sexy. Pero, natuwa ako na nakikita nila ko in that kind of genre.
"Very refreshing and sobra akong natutuwa na naisip nila ko para gawin yon."
