PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ronnie Liang within reach of becoming a commercial pilot

Ronnie Liang reveals goal to enter an airline company.
by Glenn Regondola
Published Jun 19, 2024
ronnie liang commercial pilot
Ronnie Liang on achieving his goal to become a commercial pilot: "Wala namang madali, lahat mahirap, pero masaya kasi ako sa mga ginagagawa ko. Determined talaga ako at mas gusto ko nang naghihirap ako ngayon habang bata. Pero at the same time, nag-e-enjoy ka, and find the job that you really love the most."
PHOTO/S: Glenn Regondola / Instagram

Abot-tenga ang ngiti ng singer-pilot na si Ronnie Liang dahil pagkatapos ng ilan taong pagbubuno sa pag-aaral bilang isang piloto, ilang dipa na lang siya sa katurapan ng kanyang pangarap maging isang full-fledged commercial pilot.

Ibinahagi ito ni Ronnie sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), kasama ang entertainment editor na si Lito Mañago, sa Via Mare restaurant, sa Quezon City, noong Lunes, Hunyo 17, 2024.

Read: Ronnie Liang 100 hours away from receiving his commercial pilot license

Buong pagmamalaking lahad niya, "Recently, after numerous sleepless nights of preparation ko para sa knowledge exams ng Civil Aviation Authority of the Philippines [CAAP], bale ten subjects yun, natapos ko na.

"And by the grace of God, matapos ang ilang gabing pagpupuyat dahil gusto kong pumasa.

"Pasalamat ko sa aviation school ko kung saan ako nag-training, ang Philippine Space Aviation Academy, sila po talaga ang nagbigay ng lectures, and the same time, para makatulong para makapasa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"And at the same time po, nag-review din ako on my own. Siyempre po inspired ako, excited, and motivated to finish the exams.

"Konting-konti na lang, ilang oras na lang yung iipunin ko, at saka check-right na lang na lang need ko."

Ang "check-right," ayon kay Ronnie, ay ang proseso kung saan mayroong taga-CAAP na uupo sa mismong aircraft na papaliparan niya, at ia-assess kung paano siya magpapalipad ng eroplano.

Paglalarawan niya, "Uupo ang taga-CAAP sa tabi ko at igi-grade nila how I fly the aircraft.

"Confident ako, basta focused lang to the machine plus the training na natutunan mo sa aviation school, makakapasa ka... naka-focused ka lang talaga.

"It's actual, it's yung maaaring i-idle para isi-simulate mo na patay ang engine ng makina, kailangang balanse mo ang aircraft, o kung ipapa-install na parang babagsak at kung paano mo siya ire-recover.

"Yun po, maraming maneuvers na ipapagawa at titingnan kung paano mo siya gagawin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Ronnie Liang “pissed off and disappointed” after being offered to do porn movies

View this post on Instagram

A post shared by Ronnie Liang (@ronnieliang)

RONNIE LIANG'S GOAL

Pagkatapos ng lahat ng ito, ano na ang plano niya sa mga susunod na buwan?

Saad ni Ronnie, "Ang goal ko talaga ay makapasok sa airline [company].

"And, at the same time, matapos ko na yung PhD [Doctor of Philosophy].

"Kung saan ako dalhin ng Diyos, kung saang airline ako makapunta, gagalingan ko.

"I will not fail them. I'll make them proud."

Read: Ronnie Liang 'invests' in PhD degree: "Hindi po ako forever artista."

Kaya ganoon daw siya kadesido dahil childhood dream niya talagaang maging isang piloto.

Aniya, "Childhood dream ko talaga.

"Lahat naman pinaghirapan natin. Grade 4 pa lang ako, yun na ang sinabi ko.

"So, it took decades bago nangyari, pero totoo yan, we make our own destiny.

"Basta buhay tayo, binigyan tayo ng lakas ni God—ability, capability to realize our dreams."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Dahil nga dito, naitanong namin sa kanya ang naging inspirasyon upang yun ang maging goal niya sa buhay.

"Grade 4 pa talaga ako, kapag may dumadaang eroplano, sinasabi ko talaga, 'That's my dream... and someday.'"

Read: Ronnie Liang on MTRCB imposing suspension on 'It's Showtime': "Parang selective justice."

INSPIRED BY STEVE DAILISAN

Ibinahagi rin ni Ronnie na isa sa naging inspirasyon niya upang abutin ang kanyang pangarap maging piloto ay ang dating GMA News reporter na si Steve Dailisan.

"And siyempre, nang lumaki na, kapag nakakarinig ako ng katulad ni Captain Steve, nai-inspire ako, nae-encourage ako lalo na to achieve my dream to be a commercial pilot.

"Tapos kapag nakakapanood ako ng pelikula about aviation, yung Flight ni Denzel Washington, yung kay Tom Hanks, yung movie na Sully, at saka yung isa pa, yung Top Gun, lalo akong nai-inspire."

Read: Former news anchor Steve Dailisan is now a licensed pilot

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

View this post on Instagram

A post shared by Ronnie Liang (@ronnieliang)

Sa tingin ba niya, may advantage ang pagiging celebrity niya upang matanggap kaagad siya bilang isang commercial pilot, bukod pa sa kanyang academic qualifications and skills?

Sagot ni Ronnie, "Nasa discretion pa rin ng airlines. Sila pa rin ang magde-decide kung ano ang basis nila to hire a pilot.

"Pero, I believe na malakas ang laban natin. Kasi maliban sa ginagalingan naman natin, mahusay yung record natin.

"Probably may factor din, puwede sa marketing."

Pero ayaw raw niyang i-assume na may advantage ang pagiging isang katulad niyang celebrity na naging piloto, upang hindi na siya mahirapang kunin bilang piloto ng isang airline.

Bukod sa pagiging commercial pilot, sumali rin daw siya sa isang grupo ng mga piloto na ang pagpapalipad naman ng mga military aircraft ang concentration ng mga ito.

Sabi niya, "Tapos ngayon nagti-training ako sa... May sinalihan pala ako sa army, and we call it Army Aviaton Regimen sa Philippine Army.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Isa siyang major unit na meron siyang isang branch for aviation. Kinuha nila ako. I was recommended to undergo din ng training sa isang aviation regimen.

"So, puwede akong magpalipad ng isang civilian aircraft. Now, nagti-training ako para sa isang military aircraft naman.

"Wala namang madali, lahat mahirap, pero masaya kasi ako sa mga ginagawa ko.

"Determined talaga ako at mas gusto ko nang naghihirap ako ngayon habang bata. Pero at the same time, nag-e-enjoy ka, and find the job that you really love the most."

Sa ngayon daw ay sinasanay na ni Ronnie ang sarili kung ano ang introduction na gagawin niya kung sakaling magpalipad pa siya ng isang commercial airplane.

Ang gagawin daw niya ay kantahin muna ang ilang lines ng pinasikat niyang kantang "Ngiti" at saka niya ipakikilala ang sarili bilang si "Captain Ronnie Liang."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ronnie Liang on achieving his goal to become a commercial pilot: "Wala namang madali, lahat mahirap, pero masaya kasi ako sa mga ginagagawa ko. Determined talaga ako at mas gusto ko nang naghihirap ako ngayon habang bata. Pero at the same time, nag-e-enjoy ka, and find the job that you really love the most."
PHOTO/S: Glenn Regondola / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results