Pinag-usapan at umani ng samu’t saring reaksyon mula sa netizens ang isang video na ipinost sa TikTok nito lamang June 8, 2024.
Sa nasabing video, ibinahagi ng user na si @chickenjoysh, o Joy, ang kanyang karanasan sa loob ng isang jeep.
Makikita sa video na pilit siyang pinapababa ng tsuper at asawa nito dahil sa kanyang timbang.
Sa caption, isinaad ni Joy na noong una ay hindi niya ito pinansin dahil hindi lang naman siya ang chubby na nakasakay sa jeep.
Ipinagtanggol din siya ng mga kapwa pasahero.
Subalit sinabihan diumano si Joy ng tsuper na siya dati ang naging dahilan kaya na-flat ang jeep nito kaya sapilitang pinababa siya.
Dahil dito, hindi na nakapagpigil si Joy—sumagot na rin siya at ipinagtanggol ang sarili.
Ngunit sa huli, nasunod pa rin ang tsuper: pinababa niya si Joy.
Mayroon nang 5.9 million views ang TikTok video at press time.
Inulan din ito ng mixed reactions mula sa netizens.
Read: Newlyweds' anime-inspired wedding leaves guests in awe
MIXED REACTIONS TO THE VIRAL JEEPNEY VIDEO
Maraming naawa kay Joy, ngunit hindi lahat ay pumanig sa kanya.
Ang ilan, iginigiit na dahil matanda na ang driver, dapat ay intindi na lang siya at pinabayaan.
(Note: All comments published as is.)
Komento ng isa, “Graveh ka naman para yanlang matanda nayan uy dapat intindihin niya nalang lahat naman ng tao nagkamali deserve din ng matanda na patawarin”

Katwiran ng isa: “ate.. Kung baata pa Sana driver , sabihin ko na ireklamo mo. pero medyo i consider dn Sana ntin na matanda na sya at nagtyatyaga pa din magmaneho/ maghanap buhay. So siguro naghahabol dn sya Ng kita”
Ngunit paninindigan ni Joy, “Ayun na nga matanda bakit di na lang sya maging mabuti sa kapwa. Hindi po need nya maturuan ng leksyon.”

May sumagot din ng ganito: “Madam dpat po hinayaan muna lang matanda kasi po maedad na siya. Ano p ba kinagalit nya at natrigger sya nang ganun sayo? Kwawa din kasi mtanda naden un!”

Pagtatanggol ng isa pa, “you should know na kasama sa pagtanda ang pagiging mainitin ang ulo.”

Ang isa, pinalabas na pinag-trip-an lamang ni Joy ang driver.
Ika niya, “sana Hindi pinagtriripan ung driver kc pwede mawalan Ng concentration Yan cause of accident pa.”

Ang main point ng mga taong ito: pabayaan ang driver dahil matanda na. Mas kailangan daw niya ng pag-unawa.
Ngunit marami rin ang dumepensa na hindi dahil matanda ay dapat palagpasin na lamang ang mga ganitong klaseng sitwasyon, lalo pa at napahiya ang pasahero.
Giit ng isang netizen, “Respect should be earned; just being old doesn’t grant someone the right to behave in a certain way.”

Sambit pa ng isa, “Huy. Tandaan mo ang respeto ay binibigay lang sa taong may respeto din sa kapwa. ‘Di natin alam kung gawain na talaga nila ‘yan simula noon pa. Okay na din para lesson sakanila at ‘di na maulit sa iba.”

Komento ng isa pa: “I’m glad na tinuloy nyo po yung pagreport sa LTO. Kahit matanda na sya, mawawalan ka talaga ng respeto kung hindi nila nirerespeto ang kapwa nila.”

May ilan din na sumang-ayon sa isang komento na sa sitwasyong ito ay sadyang mahirap gamitin ang kasabihang “irespeto mo ang nakatatanda sa’yo.”

Anu’t ano pa man, tama ang komento ng isang netizen, no one deserves this kind of disrespect.

Read: Ninang in viral Negros Oriental wedding speaks up
NOT THE FIRST TIME?
Kasabay ng pagbaha ng comments ang paglabas din ng mga “biktima” rin ng tsuper.
Kaya naman, lumalabas na hindi lang si Joy ang pasahero na may hindi magandang karanasan sa jeep ng tsuper.
Ang sabi ng isang netizen, nasakyan niya isang beses ang jeep, at sobra raw ang singil nito sa pamasahe, at hindi siya binigyan ng discount bilang estudyante.

Ang isa naman, hindi pinasakay ng parehong driver dahil sa bitbit nitong isda galing sa palengke.

Susog ng isa pang netizen, madalas niyang masakyan ang tsuper at talagang mainitin ang ulo nito.

Kuwento ng isa pa: “ayan ung magasawang matapang sa kalsada.. minsan ung asawa ung may hawak na pamalo dun sa mga nakasabit na tao na gusto lang makauwi.. ibang jeep gamit nila dati”

Read: Retired colonel comes out as gay in obituary
BODY SHAMERS SLAMMED AT THE COMMENT SECTION
Sinupalpal din ng ilang concerned netizens ang mga body shamers na isinisisi kay Joy ang naranasang pamamahiya.
May isang nag-comment: “bawal po talaga yan baka mag cause pa ng disgrasya baka ma flat po yong gulong ng jeep”
Sabat naman ng isa pa, “alam kong pwede tayong mag bigay ng kanya-kanyang opinyon, pero kapag alam mong pang tanga yung sayo sarilinin mo na lang ha.”

May nagsabi rin na: “Deserve nyo po yan may reason kana para mag gym”
Pero ang sabi ni Joy, “Sana po hindi mo danasin. Godbless you! Alam ni Lord sinasabi mo.”

Marami ang umaasa na ang pangyayaring ito ay magsilbing eye-opener sa mga tao na hindi tama o norm ang body shaming.
Ang sabi ng isa: “Plain and simple there are things better left unsaid. Body shaming is never okay. You don’t know how it can affect a person’s mental health lalo na kung may underlying medical condition. Plus we don’t know what that person is going through. Libre lang naman maging mabuting tao why not try it once in a while.”

Pero anuman ang buong kuwento at dahilan sa likod ng pangyayaring ito, isa lamang ang malinaw: body shaming is never encouraged.
Hindi dapat malimitahan ang respetong ibibigay sa isang tao dahil sa kanyang pangangatawan.
Kahit ano pa ang anyo, hugis, at kulay ng kahit sino—hindi nararapat na makaranas siya ng anumang uri ng pamamahiya at diskriminasyon.