PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Charlie Dizon still elated over Best Actress win, wedding

Charlie Dizon praises the Lord: "I believe this is all YOU."
by Arniel C. Serato
Published Jun 17, 2024
Charlie Dizon super happy after winning Best Actress, marriage with Carlo Aquino
Actress Charlie Dizon on husband Carlo Aquino: "Tulad ng sinabe ko sa vows mahal, I am proud that we are here today with people who genuinely love us. And that's what truly matters, celebrating our love with the people who mean the most."
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Nasa cloud nine pa rin ang aktres na si Charlie Dizon dahil sa sunud-sunod na tagumpay sa kanyang buhay.

Una na rito ang pagkapanalo niya bilang Best Actress sa Gawad Urian at ang pagpapakasal sa aktor na si Carlo Aquino.

Nanalo si Charlie ng best actress award para sa pelikulang Third World Romance na pinagtambalan nila ni Carlo, sa direksiyon ni Dwein Baltazar.

Charlie Dizon and Carlo Aquino wedding picture
Photo/s: Courtesy: Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"GRABE ANG TIMING LORD."

Sa Instagram nitong nakaraang June 15, 2024, nagbahagi si Charlie ng kanyang nararamdaman sa dobleng sayang nakamit niya noong nagdaang linggo.

Saad niya, "It's been a week since our back to back weekend!!! First i got my first best actress award from one of my dream award giving bodies, ang Gawad Urian [heart emoji] congratulations po uli sa lahat ng kapwa ko nominado and of course sa team #ThirdWorldRomance!!

"A day after, I officially became Mrs. Aquino [heart emoji] grabe ang timing Lord, I believe this is all YOU [face holding back tears, heart emojis]."

Kasunod nito ang pagpapasalamat niya sa lahat ng naging bahagi ng kanilang pag-iibigan ni Carlo.

Saad pa niya, "I want to thank everyone who joined us and supported us on this journey."

Mensahe naman niya sa asawang si Carlo, "Tulad ng sinabe ko sa vows mahal @jose_liwanag, I am proud that we are here today with people who genuinely love us.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"And that's what truly matters, celebrating our love with the people who mean the most. [heart emoji]"

Read: Carlo Aquino and Charlie Dizon exchange moving wedding vows

CARLO AQUINO-CHARLIE DIZON SECRET WEDDING

Ginanap ang private at secret wedding nina Carlo at Charlie sa Alta Veranda de Tibig private resort, sa Silang, Cavite, noong June 9, 2024.

Kabilang sa principal sponsors sina ABS-CBN CEO and President Carlo Katigbak, COO for Broadcast Cory Vidanes, at ABS-CBN Board of Directors member Charo Santos-Concio.

Kasama rin sina Vilma Santos-Recto, Maricel Soriano, Olivia Lamasan, at Veronique del Rosario-Corpuz ng Viva.

Principal sponsors sina Star Magic head Laurenti Dyogi, Sylvia Sanchez, pati na rin sina Senator Bong Revilla at maybahay nitong si Congresswoman Lani Mercado.

Maid of honor si Sue Ramirez, habang bridesmaids naman sina Belle Mariano, Kaila Estrada, at Adrian Lindayag.

Kabilang sa groomsmen sina Ketchup Eusebio at Ramon Bautista.

Si Loisa Andalio ang candle bearer, habang si Elisse Joson sa veil, at si Alexa Ilacad sa cord.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Carlo Aquino and Charlie Dizon are officially married!

DOUBLE CELEBRATION FOR CHARLIE DIZON

Pinakaunang naglabas ng balitang magpapakasal na sina Carlo at Charlie ay ang Philippine Entertainment Portal (PEP.ph), gabi pa lamang ng Sabado, June 8, 2024.

Nang makapanayam ng PEP Troika si Charlie matapos niyang magwagi bilang best actress sa 47th Gawad Urian noong June 8, inusisa siya kung totoong kinabukasan, June 9, na sila magpapakasal ni Carlo.

Sa event, naulinigan ng PEP ang balitang magpapakasal na ang dalawa kinabukasan, Linggo.

Nabanggit din kasi ng aktres sa kanyang acceptance speech ang mga linyang, “Kung hindi niyo lang po alam, sobrang gandang regalo po nito sa akin ngayon!”

Read: Romnick Sarmenta, Charlie Dizon win at 47th Gawad Urian

Pero ang masayang sagot ni Charlie sa PEP, “Hehehe, abangan niyo po! Ang masasabi ko lang, best gift siya. Kaya thank you, Lord!”

Nang tanungin naman kung gaano siya ka-excited kinabukasan, June 9, na araw ng kasal, patanong din ang sagot niya sa kung ano ang meron kinabukasan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinagot siya ng PEP.ph ng: “Wedding, siyempre.”

Pakli ng aktres: “Wedding niyo po ba?”

Pero halos pag-amin na nito nang banggiting double celebration na ang award para sa kanya, “Sa inyo na po galing yan, thank you so much.”

Read: WEDDING ALBUM: Carlo Aquino and Charlie Dizon

CARLO AQUINO PROMISES A LIFETIME OF PARTNERSHIP

Sa wedding vow ni Carlo, ipinangako niyang maging loyal siya sa asawa.

Aniya, "Salamat dahil pumayag ka maging Mrs. Aquino.

"Nagpapasalamat ako sa nasa Itaas, dahil hindi niya ako binigo.

"Nagdasal ako ng kapayapaan, at iyan ang binigay niya sa pagkatao mo, Mahal.

"Salamat, Mahal, dahil simula sa araw na ito, binibigyan mo ako ng pahintulot na buwisitin ka sa araw-araw.

"Binibigyan mo ako ng pahintulot na marinig ang magarbong halakhak mo at mga kuwento.

"At higit sa lahat, binibigyan mo ako ng pagkakataon na piliin ka sa araw-araw.

"Hindi ko maipapangakong ngiti ang palaging madadala ko sa buhay mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ang maipapangako ko ay kapagka lublob na ang mga damdamin natin sa sama ng loob sa isa't isa, kapag may mga araw na hindi na pantay ang pagmamahal natin dalawa, hindi ko pa rin makakalimutan na mahalin ang pagkatao mo, pahalagahan ang pagkababae mo, at ingatan ang puso mo."

Diin pa niya, "Simula sa araw na ito, hindi ka na mag-iisa. Palagi ka nang may kasangga.

"Nandito lang ako palagi sa likod mo o sa harapan mo, at bibigyan ka ng kumpiyansa."

CHARLIE dizon HOLDS ON TO WHAT SHE MANIFESTED

Nagsimulang pag-usapan ang tungkol sa kanila ni Charlie at Carlo noong magtatapos na ang December 2022.

Noong panahong iyon, may mga issue pa sa pagitan ni Carlo at sa estranged girlfriend nitong si Trina Candaza, kung saan meron siyang four-year-old daughter na si Enola.

Sa kanyang vow, saad niya, "Carlo, mahal, before kita na-meet, I was just enjoying my life, my career, and my friends.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"In a way, I kinda let go of the idea or concept na I'll be in a relationship or more so, be married.

"But, I'll also admit na sabi kasi effective ang manifestation. So, nagsulat ako ng ‘To My Dear Future Husband.’

"A year after, we had an opportunity to work together and dun kita mas nakilala.

"At that time, akala ko nakilala na kita nung [A] Soldier's Heart. Nakita ko nun yung character na responsible ka kasi di ka namin nakakasama.

"Kuyang-kuya ka sa lahat. At lagi ka lang naglalaba or nagwu-workout."

Pagtatapat pa niya, "But, as I got to know you better, andami pa pala na you have a lot of good qualities na talagang aligned sa na-imagine kong gusto kong makasama sa buhay ko.

"Nakita ko yung goals mo, aligned sa goals ko.

"And yung pagiging family-oriented mo, kung paano mo kami alagaan and kung gaano ka ka-selfless when it comes to your loved ones.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"At lalo na kung paano ka sa family ko... Siguro, yun yung pinaka-sign sa akin na ikaw ay para sa akin."

Read: Is this Trina Candaza's reaction to wedding of Carlo Aquino?

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Charlie Dizon on husband Carlo Aquino: "Tulad ng sinabe ko sa vows mahal, I am proud that we are here today with people who genuinely love us. And that's what truly matters, celebrating our love with the people who mean the most."
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results