Napa-throwback si Tina Marie Yan tungkol sa kanyang mga kapatid na lalaki na sina Rico at Bobby Yan.
Sa kanyang Instagram post last June 15, 2024, nag-post si Tina ng old photo nina Rico at Bobby.
Kuwento niya sa kanyang caption, siya ang pinakabata sa kanilang magkakapatid.
“Being the youngest, I followed two boys in the family.
“Ate was seven years older so it was a huge age gap then and so I was stuck with these two brothers of mine.”

Ang tinutukoy niyang ate ay ang panganay nila na si Geraldine.
Pagbabahagi pa ni Tina, dahil parehong lalaki ang sinundan niya, nakagawian na rin niya ang mga hilig at hobbies nina Rico at Bobby.
“As such, I grew up more comfortable with boy stuff-watching NBA, playing video games, watching them play with spiders and get rid of frogs, play marbles and more.”
Lagi umano siyang kasa-kasama ng dalawang kapatid na lalaki—lalo na si Rico.
At dahil doon, hindi siya masyadong naging mahilig sa girly stuff.
“I never liked Barbie dolls.”
Natatawa niyang sambit batay sa laughing emoticon na kasunod ng bahaging ito ng kanyang caption, nalungkot siya nang regaluhan siya nina Rico at Bobby ng Barbie doll.
Hindi rin aniya siya mahilig sa mga damit na kulay pink.
“Not a fan.”
Madalas din umano siyang makagalitan ng kanyang ina dahil ayaw niyang magsuot ng mga damit na pambabae.
Aniya na may kasama muling laughing emoticon, “Well, hello mom, I’ll point it back at you.
“You had me after your two sons.
“I just played with the cards I was dealt with…”
Sambit pa ni Tina sa kanyang pagbabalik-tanaw, “Good times!”
Ang kanyang post ay nilagyan niya ng hashtags na “missing my bro” at “mosquito brains.”
READ:
Tina Yan on brother Rico Yan's death: "Good Friday will always be a scar that I can never erase."
Did you know: Rico Yan played ghost in this GMA-7 show?
Claudine Barretto still celebrates Rico Yan’s birthday 21 years after his death
tina, muling inalaala ang PAGKAWALA NI RICO
Last March 29, 2024, Biyernes Santo, ay nag-post din si Tina sa Instagram at inalala ang pagpanaw ni Rico.
Sumakabilang buhay ang aktor noong March 29, 2002, habang nagbabakasyon sa Puerto Princesa, Palawan.
Twenty-seven years old ito noon.
Sa March 29 IG post ni Tina, ibinahagi niya ang naging emosyon nang makarating sa kanya ang balitang pumanaw na si Rico.
Kalakip ng kanyang post ang photo niyang nasa background ang naka-frame na larawan ng aktor.

Ang kanyang caption (published as is): “Today happens to be the same day Rico left 22 years ago, on Good Friday.
“I can't help but re-live that painful moment.”
Nasa America si Tina nang mangyari iyon.
“It was a Thursday evening in San Francisco when I received the tragic heart-breaking news.
“I spent the whole day on Good Friday in the U.S. Immigration office to get my travel parole so I could rush home.”
Iyon aniya ang pinakamahabang biyahe niya.
At pagkarating sa Pilipinas, ramdam agad niya ang hatid na kalungkutan na wala na ang kanyang kapatid.
“It was the longest flight of my life, that's for sure.
“And upon arriving Manila to face everything head on, the void was just too real.”
Read: Claudine Barretto on late boyfriend Rico Yan: "Mahal ko pa rin siya."
LAGING MAY HATID NA SUGAT ANG GOOD FRIDAY
Ani Tina, ang pagsapit ng bawat Biyernes Santo ay nagdudulot sa kanya ng sugat na ang pilat ay hindi na mawawala.
“Good Friday will always be a scar that I can never erase.”
Ibinahagi rin niya ang mga bagay na nami-miss niya kay Rico.
“God knows how much I miss you—all the laughs, the chats, the video games, the midnight snack time and fine, all the pranks and flying kicks to my face too.”
Paglalambing niya sa kapatid, “Keep on watching over us here!”
Read: Judy Ann Santos on the late Rico Yan: "We were more than friends, but we're not lovers."
ANG MGA HULING ARAW NI RICO YAN
Pumanaw si Rico noong March 29, 2002, Biyernes Santo.
Batay sa resulta ng autopsy sa mga labi ni Rico, cardiac arrest due to acute hemorrhagic pancreatitis ang sanhi ng kamatayan niya.
Kasama ni Rico sa Dos Palmas Resort sa Puerto Princesa, Palawan, ang kapwa aktor at matalik na kaibigang si Dominic Ochoa.
Si Dominic ang nakadiskubre sa kanyang bangkay.
Biyernes Santo ng hapon ng March 29, 2002, nang kumalat ang balita tungkol sa nangyari kay Rico. Kinumpirma ito ng mga radio announcers sa AM stations dahil off-air ang TV networks.
Mula sa Puerto Princesa, dinala sa Maynila ang bangkay ni Rico.

Marami ang nabigla sa nangyari dahil nainterbyu pa siya para sa isang radio station nang lumapag sa Palawan ang eroplanong sinakyan nila ni Dominic at ng girlfriend noon ng huli na si Janna Victoria.
Nang tanungin kung ano ang kanyang pakay sa unang pagkakataong tutuntong siya ng Palawan, ani Rico: “Holy Week vacation. We might stay for a while in Dos Palmas.”
Sinagot din niya ang tanong kung bakit hindi niya kasama ang alam ng publiko na girlfriend niya noon—si Claudine Barretto.
Aniya, “She had to go to Subic kasi yung tatay niya nakadestino doon. So, I made plans with my friends na dito mag-Holy Week, and dapat kasama siya, pero sayang hindi siya makasama.
“Last minute, she had to spend time with her family.”
Nang tanungin tungkol sa balitang hiwalay na sila ni Claudine, ang pakiusap ni Rico: “Let’s not delve into that.”
Nang magpunta si Rico sa Palawan, palabas pa sa mga sinehan ang Got 2 Believe, ang certified blockbuster romantic-comedy movie na pinagbidahan nila ni Claudine.
Nagbukas ito sa mga sinehan noong February 27, 2002, pinilahan sa takilya, at naabutan ng pagkamatay ni Rico, kaya matagal na ipinalabas ang pelikula.
May matindi nang problema sa relasyon nina Claudine at Rico nang magkaroon ng press conference ang Got 2 Believe, pero nagawa nilang ilihim sa entertainment press ang katotohanan.
Sa promotions ng pelikula, magkahiwalay pa sila ng van.
Lumitaw na lamang ang balitang hiwalay na ang dalawa habang palabas na sa mga sinehan ang huling pelikula ni Rico.
Read: Rico Yan's mom breaks silence on “unfair, disrespectful" claim about late actor
