Hindi nagpasindak si Maine Mendoza sa isang basher na minura siya sa X (dating Twitter).
Noong nakaraang June 11, 2024, nag-post si Maine sa X ng kanyang random thoughts tungkol sa mga taong nagkakasakit.
Kaya pinakiusapan niya ang mga tao na huwag tanggalin ang suot na face masks kapag nagpapakuha ng litrato sa artista.
Marami daw kasing public figures na nagsusuot pa rin ng masks kahit sa mga selfie para sa kanilang proteksiyon at hindi lamang para hindi sila makilala.
Baka rin kasi masama ang pakiramdam nila at ayaw makahawa.
Sabi ni Maine, "Random thought dahil ang daming may sakit ngayon. People should stop asking anyone to take off their masks when posing for a photo. Some public figures wear masks in public for reasons beyond just avoiding recognition. Sometimes, some individuals opt to wear masks because they are unwell and prefer not to risk contracting or spreading a virus. Ang hirap magtrabaho nang masama ang pakiramdam kaya ingat always, fam."
Read: Maine Mendoza: Star sa Tamang Panahon
MAINE MENDOZA: "BAKIT PARANG KASALANAN KO?"
Maraming netizens ang nagsabi ng "stay healthy" kay Maine.
Pero isang netizen ang biglang nag-comment ng: "Put*ng I*a Mo*"

Ini-screenshot ni Maine ang comment, pati ang pag-block ng nasabing basher sa kanya, saka ibinahagi sa X.
Tinawag niya ang X user na "Roldan."
Sabi niya, "bakit parang kasalanan ko roldan"
Aniya pa, "nasaan yung ‘po’ ???"
Sabi niya sa huling post, "roldan paano"
Ipinost din ni Maine ang screenshot ng description ng nasabing netizen sa kanyang sarili.
Ayon dito, "I am Not A Perfect Person, But I Know How To Respect."
Binigyang-diin ni Maine ang katagang "But I Know How To Respect."

Samantala, ginawang katatawanan ng isang follower ang comment ni Roldan.
Nagbahagi ito ng kaparehong screenshot ng post ni Maine at ang comment ng basher na nilagyan niya ng "po."
Saad ng netizen, "ayan na respectful na si roldan"
Marami namang netizens ang natawa sa post.
At press time, wala pang kasunod na mensahe si Maine tungkol sa basher.
