Kasabay ng pagdiriwang ng 126th anniversary ng Philippine Independence ang selebrasyon ng Kapamilya actress na si Andrea Brillantes sa isang taon niyang pagiging single.
Sa pamamagitan ng magkakasunod na Instagram Stories nitong Miyerkules, June 12, 2024, ibinahagi ni Andrea kung paano nito masayang ipinagdiwang ang tinawag niyang "singlesary."
Sa larawan, makikita si Andrea na nakangiti habang hawak-hawak ang cake na ipinadala ng dalawa sa kanyang matalik na kaibigan—sina Bea Borres at Danica Ontengco.
Read: Who are the ABCD girls?
Nilapatan pa niya ito ng kantang "Ridin' Solo" ni Jason Derulo.

Sa hiwalay na larawan, pinasalamatan ni Andrea sina Bea at Danica sa pag-alala at mensahe ng mga ito sa kanya kahit parehong nasa Amerika ang mga ito.
Mababasa kasi sa dedication cake na ipinadala nina Bea at Danica ang mensahe nila para kay Andrea.
Nakasulat dito (published as is), "Congratulations! You've made it through an entire year, which is 365 days, without a boyfriend.
"Good job!"

Read: Bea Borres tells KathNiel fans: "Wala kayong makukuha sa akin."
Isa pang dedication cake ang natanggap ni Andrea mula sa hindi niya pinangalanan ngunit makikitang may initial itong "K."
"Happy Singlesary. 06.12," nakasulat sa cake.
Bagay na nilagyan ng caption ni Andrea, "Happy Independence Day at Happy Anniversary sakin emz [crying in tears and laughing emoji]
"Tama na pag papadala ng cake di ko birthday! Kaasar."

Andrea on falling in love again
Sa kabila ng masalimuot niyang pinagdaanan sa pag-ibig, aminado si Andrea na ini-enjoy niya ang pagiging single.
Sa panayam ng aktres sa magazine show na Tao Po noong May 19, 2024, sinabi nitong mas priority niya ngayon ang sarili at career kesa sa lovelife.
"Honestly, l'm fine alone. [Kahit] mag-isa ako, kayang-kaya ko ang lahat," sambit niya.
Read: Does Andrea Brillantes still believe in love?
Gayunpaman, hindi naman daw niya isinasara ang posibilidad na makahanap muli ng iibigin.
Naniniwala kasi si Andrea na walang takas ang isang tao kapag ito ay tinamaan ng pag-ibig at na-in love.
Aniya, "Kasi ang love, ang kaisa-isang emosyon na kahit perfect ka na siguro, kapag tinamaan ka ng pag-ibig, puwede kang manghina."
Read: Andrea Brillantes not yet ready to enter new relationship: “Wala talaga siya sa focus ko.”
ANDREA'S PAST RELATIONSHIP WITH RICCI RIVERO
Ang PBA player na si Ricci Rivero ang huling nakarelasyon ni Andrea.
April 9, 2022, nang maging opisyal silang magkasintahan hanggang sa magkahiwalay sila noong June 2023.
Naging kontrobersiyal ang breakup ng dalawa nang madawit ang pangalan ni Los Baños Laguna councilor Leren Mae Bautista, na siyang itinurong third party sa relasyon nina Ricci at Andrea.
Read: Leren Mae Bautista pokes fun at age gap between her and boyfriend Ricci Rivero
Mabilis pinabulaanan ni Leren na siya ang dahilan sa hiwalayan ng dalawa.
Ngunit noong October 21, 2023, tuluyan nang isinapubliko ni Ricci na kasintahan na niya si Leren.
Read: Ricci Rivero finally admits relationship with Leren Mae Bautista
Ngunit paglilinaw niya noon, wala na sila ni Andrea nang maging sila ng dating beauty queen.
Read: Leren Mae Bautista answers “mang-aagaw” allegation: “Nakakapagod sabihin ang totoo…”
ANDREA'S INVOLVEMENT IN KATHRYN-DANIEL BREAKUP
Matapos mahiwalay kay Ricci, nadawit naman ang pangalan ni Andrea sa hiwalayan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, na isinapubliko noong November 30, 2023.
Read: End of KathNiel Era: A timeline of their generation's hottest box-office love team
Si Andrea ang itinuturong third party sa breakup ng KathNiel.
Read: End of KathNiel Era: A timeline of their generation's hottest box-office love team
Personal pa umanong nakipagkita si Andrea kay Kathryn upang ibunyag ang kanilang naging ugnayan ni Daniel.
Dahil dito, kaliwa't kanang pambabatikos ang inabot ni Andrea mula sa mga tagahanga nina Kathryn at Daniel, dahilan para ituring siya bilang isa sa pinakakontrobersiyal na personalidad noong 2023.
Read: PEP OUTTAKES: Why we're all affected by KathNiel breakup
Sa panayam sa kanya ng ABS-CBN News noong January 19, naikuwento ni Andrea kung paano siya nakabangon mula sa pagkakalugmok dahil sa isyu.
Hindi raw naging madali sa kanyang harapin ang mga pagsubok na dinaanan niya. Ngunit sa tulong daw ng Diyos ay unti-unti siyang nakakabangon.
Aniya, "To be honest po, talagang puro lang po ako nagtse-church.
"I was just strengthening my relationship with God and naniniwala lang po ako sa kanya, and yun lang po.
"When you seek God, you find peace. I found naman, I wasn’t really at peace, I had peace through Him."
Read: Andrea Brillantes gets peace from social-media detachment
