PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ralph Recto says wife Vilma Santos might return to politics

Sec. Ralph Recto on Vilma's comeback: "Kawawa yung lalaban dun.”
by Arniel C. Serato
Published Jun 12, 2024
Ralph Recto says wife Vilma Santos might run again
Department of Finance Secretary Ralph Recto says wife Vilma Santos might run again as governor in Batangas. The Star for All Seasons served as Batangas governor for nine years, from 2007 to 2015.
PHOTO/S: Jamin Lim / Facebook

Posibleng sumabak muli sa pulitika ang Star for All Seasons na si Vilma Santos.

Ito ay ayon mismo sa asawa niyang si Department of Finance Secretary Ralph Recto.

Sa pakikipag-usap ni Secretary Recto sa mga miyembro ng MMPRESS (Multi-media Press Society of the Philippines, Inc.) sa kanyang tanggapan kahapon, June 11, 2024, sinabi niyang posibleng bumalik sa pulitika ang asawa.

At maaring ang pagkagobernador ng Batangas ang tatakbuhan nito.

Saad ni Secretary Recto, "She's considering it."

Komento ng isang reporter, "Parang panalo na naman yun."

Hirit ni Secretary Recto, “Pag tumakbo yun, siguradong panalo yun."

Pabirong dagdag pa niya, “Kawawa yung lalaban dun.”

Maugong din ang balitang tatakbo ang kasalukuyang bise-gobernador ng Batangas na si Mark Leviste, na naging ka-tanden ni Vilma noon sa probinsiya.

Nagsilbing gobernador ng lalawigan si Vilma mula 2007 hanggang 2015.

Sabi ni Recto, "Si Mark was her vice governor for several terms, nine years.

"He can also again run as her vice governor, just in case.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Meron pa siyang one more term."

Maging ang anak nina Ralph at Vilma na si Ryan Christian ay posibleng pumalot na rin sa pulitika.

Saad ng dating senador, "Posible. Ryan may also run for congress. He might stick in Lipa City.

"There are two positions probably at stake. One is for governorship, and one is for congress."

Read: Ralph Recto on son Ryan Christian joining showbiz, politics

Si Secretary Recto ang nanguna sa panunumpa ng officers and members ng MMPRESS sa kanyang opisina sa may Roxas Boulevard, Manila.

Ralph Recto leads oath of MMPRESS members and officers
Photo/s: Jamin Lim
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Secretary Ralph Recto (left) with MMPRESS Chairman Jun Nardo (center) and President Ambet Nabus (right).

VILMA SANTOS TAKES A BREAK FROM POLITICS

Pansamantalang nagpahinga sa pulitika si Vilma matapos ang dalawampu’t apat (24) na taong paglilingkod sa bayan.

Hindi siya kumandidato noong nagdaang 2022 elections.

Bukod sa pagiging governor, nagsilbi rin si Vilma bilang mayor ng Lipa City mula June 30, 1998 hanggang June 30, 2007.

Matapos ang siyam na taon niyang paglilingkod sa Batangas bilang gobernador, tumakbo naman siyang kinatawan ng 6th District ng Batangas at nanalo noong 2016.

Natapos ang kanyang dalawang termino noong June 30, 2022.

Marami ang kumumbinsi kay Vilma na kumandidatong senador para sa halalan noong May 9, 2022 dahil malaki ang kanyang tsansang manalo.

Pero pinili ng multi-awarded actress-politician na magpahinga.

Read: Vilma Santos, sinabi ang dahilan ng pagpapahinga sa pulitika after 24 years

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Department of Finance Secretary Ralph Recto says wife Vilma Santos might run again as governor in Batangas. The Star for All Seasons served as Batangas governor for nine years, from 2007 to 2015.
PHOTO/S: Jamin Lim / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results