PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Nikko Natividad FB post on It’s Showtime issue deleted

“Hindi ako nagsisisi na ipagtanggol ang ibang tao.”
by KC Cordero
Published Jun 9, 2024
Photo of Nikko Natividad and Vice Ganda
Last time na umanong magsasalita ni Nikko Natividad (kaliwa) tungkol sa isyung kinasangkutan ng It’s Showtime host na si Vice Ganda (kanan): “Hindi po ako naghahanap ng kaaway, ang pagkakabura po ng post ko ay management decision, tunay at bukas sa isip at puso ko ang sinabi ko, payapa ang aking kalooban.”
PHOTO/S: Nikko Seagal Natividad Facebook / @praybeytbenjamin on Instagram

May panibagong post ang Kapamilya actor na si Nikko Natividad sa kanyang official Facebook account nitong June 8, 2024.

Matatandaang noong June 6 ay naglabas ng saloobin si Nikko, sa pamamagitan ng sunud-sunod na post sa Facebook, tungkol sa kontrobersiyang kinahaharap ngayon ng ABS-CBN noontime show na It's Showtime.

Ito'y matapos i-call out ng mga host, partikular na ni Vice Ganda, ang searchee na si Axel Cruz nang besohin nito ang searcher na si Christine, sa segment na "Expecially For You" noong May 31, 2024.

Screenshot of Nikko Natividad's June 6 Facebook post
Ang June 6, 2024 Facebook post ni Nikko Natividad na burado na ngayon: Photo: Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mababasa sa post ni Nikko (published as is): "Naaawa ako sa dalawang contestant. Gusto lang nila ma experience at ng exposure pero sobrang trauma yung nakuha nila.”

Burado na ngayon ang June 6 Facebook post ng actor na nagsasabing naaawa siya sa sinapit nina Axel at Christine na naba-bash dahil sa nangyari.

Read: Wilbert Ross at Nikko Natividad, nagbigay ng opinyon sa hipuan issue ni Apo Whang-od

NIKKO BIKTIMA RIN NG PAMAMAHIYA AT POWER TRIPPING?

Makahulugan din ang isa pa niyang post kung saan ibinahagi niya ang naging karanasan bilang isa rin umano sa napahiya at nabiktima ng power tripping sa TV.

Saad niya (published as is): "Ipagpalagay na natin na bebeso talaga yung lalaki. Hindi naman nya intensyon manyakin sa live yung babae.

"Ang mali lang nya ay hindi nya alam na need pala muna magpaalam bago bumeso.(kunwari lang na bebeso talaga sya ha).

"Naaawa lang ako sa lalaki na may nagawang mali pero hindi nya talaga intensyon. At sympre dun sa babae.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Na offend man sya o hindi sya lang ang makakapag sabi nyan. Kung na offend man sya alam ko na mapapatawad nya yung lalaki.

"Sobra lang kasi napahiya yung lalaki na sasabihan pa na tatadyakan at pwede kasuhan.

"(Again sakin lang po ito ha) ALAM KO KASI PAKIRAMDAM NG PINAPAHIYA SA TV AT NAPOPOWERTRIP BASE SA EXPERIENCE KO."

Read: EXpecially For You searchee Axel Cruz posts cryptic messages

Walang binanggit na pangalan si Nikko, kaya palaisipan sa netizens kung sino ang pinasasaringan sa kanyang post na namahiya at nang-power trip sa kanya.

Hula ng ilang netizens, may kaugnayan sa show ang post niyang ito, lalo na't hindi kaila na dati siyang miyembro ng all-male group na Hashtags sa It’s Showtime.

Read: Nico Locco, may pasaring kay Vice Ganda

Usap-usapan sa social media ang kontrobersiyal niyang Facebook post at ang pagbura niya rito.

Hindi nakaligtas sa netizens ang anila'y pahaging ni Vice Ganda sa pagbura ni Nikko sa kanyang post.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa isang episode ng It's Showtime, naringgan kasi si Vice na nagsabing, "Sige iatras mo! Sige, i-retract mo ang message mo... I-delete mo, ganun."

NIKKO HINDI NAGSISISI SA NAKARAAN NIYANG POST

May sagot si Nikko sa isyung pagbura niya ng kanyang nakaraang post.

Pahayag ni Nikko sa kanyang Facebook post noong June 8, ito na ang huling pagkakataong magpapahayag siya ng sariling saloobin tungkol sa isyu.

Screenshot of Nikko Natividad's Facebook post
Ang screenshot ng June 8, 2024 Facebook post ni Nikko Natividad. Photo: Nikko Seagal Natividad Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang kanyang post, published as is: “For the last time na magsasalita ako tungkol sa nakaraan kong post.

“Unang una sa lahat hindi ako nagsisisi na nagsalita ako ng sarili kong saloobin.

“Hindi ako nagsisisi na ipagtanggol ang ibang tao.

“Nababasa ko mga komento nyo saken at ang gusto nyo mawalan ako ng trabaho dahil lang sa naglabas ako ng sarili kong saloobin. (Na alam ko na posibleng mangyari).”

Read: Vice Ganda retracts apology to "EXpecially For You" searchee

WALANG INSTENSYONG MAKISALI SA GULO

Sa mga gustong mawalan siya ng trabaho ay may paliwanag si Nikko.

Aniya (published as is): “Kung ikekwento ko ba pinagdaanan at iniyak ko sakanila magbabago ba tingin nyo sakin?

Nikko Natividad with Ivana Alawi
Si Nikko Natividad at ang kasamahan niya sa FPJ's Batang Quiapo na si Ivana Alawi. Photo: Nikko Seagal Natividad Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero hindi naman yun ang intensyon ko na kumuha ng simpatya o makisali lang sa gulo.

“Naglabas ako ng saloobin ko dahil baka sakaling makatulong na may maayos o mabago na sitwasyon.”

Paglilinaw pa niya, “Kasi ganun naman ang pamilya at kaibigan. Tatapikin ka kapag alam mong sumosobra o medyo nagkakamali na.”

Ipinarating din niya sa publiko kung bakit burado na ang nauna niyang post.

Aniya, “Hindi po ako naghahanap ng kaaway, ang pagkakabura po ng post ko ay management decision, tunay at bukas sa isip at puso ko ang sinabi ko, payapa ang aking kalooban.”

Read: Diwata: Current darling of top influencers in the country

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Last time na umanong magsasalita ni Nikko Natividad (kaliwa) tungkol sa isyung kinasangkutan ng It’s Showtime host na si Vice Ganda (kanan): “Hindi po ako naghahanap ng kaaway, ang pagkakabura po ng post ko ay management decision, tunay at bukas sa isip at puso ko ang sinabi ko, payapa ang aking kalooban.”
PHOTO/S: Nikko Seagal Natividad Facebook / @praybeytbenjamin on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results