PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ces Quesada quashes nephew Martin del Rosario's gay rumors

Ces proud to be part of Padyak Princess cast
by Rommel Gonzales
Published Jun 8, 2024
Ces Quesada
Martin del Rosario
Veteran actress Ces Quesada (left) on gay rumors revolving around nephew Martin del Rosario (right): “Ako sa akin, alam ko ang totoong Martin, alam ko kung sino siya and I’m confident. It is a non-issue for me kasi I know in my heart na hindi ganun si Mart. Nothing that would make me think na ganun siya."
PHOTO/S: Rommel Gonzales/Martin del Rosario Facebook

Masaya ang beteranang aktres na si Ces Quesada na dahil freelancer siya, nakakapagtrabaho siya sa kahit na saang TV station.

Ces Quesada
Ces Quesada
Photo/s: Rommel Gonzales

Tulad na lamang ngayon na parte siya ng cast ng Padyak Princess, ang seryeng pinagbibidahan ni Miles Ocampo sa TV5.

Lahad ni Ces, “Ay, siyempre masaya, kasi alam mo naman na ang ating audience, loyal tayo dapat sa ating audience at ang mga network e dapat…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Maganda nga ngayon at bati-bati na silang lahat, may collaboration.

“Ang talagang wagi diyan bukod sa aming mga workers sa industriya ay ang audience dahil nagsasanib-puwersa na silang lahat.

“Of course, itong bago namang pamilya itong TV5 at siyempre masaya din naman ako dahil panibagong pamilya,” wika pa ni Ces na parte ng Artist Circle Management ng talent manager na si Rams David.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ces sa grand mediacon ng Padyak Princess sa TV5 Media Center sa Reliance St. sa Mandaluyong City nitong Martes, June 4.

Ang Padyak Princess ng TV5 ay mapapanood simula sa Lunes, June 10, 11:15 am bago ang Eat Bulaga! sa TV5 at sa BuKo channel, 7:30pm.

Nasa cast rin ng Padyak Princess sina Ara Mina, Christian Vasquez, Cris Villanueva, Yayo Aguila, Gillian Vicencio, Jameson Blake, Jem Manicad, Joao Constancia, Karissa Toliongco, Kira Balinger, David Remo, and Miel Espinoza.

READ:

Royal Blood cast nag-reunion sa Family Feud ni Dingdong Dantes

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Veteran actress Ces Quesada walks out of indie film awards ceremony

CES SADDENED BY KATHNIEL BREAKUP

Samantala, dalawa sa mga naging proyekto ni Ces sa GMA ay ang Maria Clara at Ibarra (2022) at ang Royal Blood (2023), samantalang nagawa naman niya sa Kapamilya Channel ang 2 Good To Be True (2022) nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

“Uy, nalulungkot ako ha,” ang bulalas ni Ces nang tanungin namin kung ano ang masasabi niya sa breakup ng KathNiel.

“Alam mo si Kath at si Daniel nakasama ko ang mga iyan sa Princess and I pa, hindi pa sila noon.”

Ang Princess and I ay teleserye noong 2012 sa ABS-CBN.

Pagpapatuloy pa ni Ces, “By the end of the series lang yata sila napapabalita noon. So, ganung katagal ko na silang nakilala.

“Ngayon, nung narinig ko na ano, nalungkot ako kasi napaka-sweet ng dalawang iyon.

“Sila yung tipong alam mo naman na sikat na sikat pero sila yung unang bumabati sa iyo, walang hangin sa ulo palagi kang tinatanong kung kumusta ka na, ganyan-ganyan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“So malungkot siyempre, na-shock ako siyempre, kasi sa mga nakikita ko naman dati parang ano naman sila, maigi naman, oo.

“Hindi ko naman sila kasama panay-panay ano, pero ang tagal, tsaka kumbaga sa observation ko sa tuwing magsasama o magge-guesting kami e ayos naman.”

Sa tingin ba niya ay may tsansa pang magkabalikan ang dalawa?

“Naku, hindi natin alam iyon dahil hindi natin alam ang mga totoong nangyari, sila lang ang nakakaalam nun.

“Kung magkabalikan, well, masaya siguro, maraming sasaya pero kung hindi man, siguro masaya din sila sa kani-kanilang desisyon.”

READ:

Kathryn Bernardo confirms breakup with Daniel Padilla

Daniel Padilla on breakup with Kathryn Bernardo: "Ang pagmamahal ko sayo ay walang hanggan."

CES TALKS ABOUT NEPHEW MARTIN DEL ROSARIO

Samantala, pamangkin ni Ces ang Kapuso hunk actor na si Martin del Rosario, at ayon kay Ces, malihim si Martin pagdating sa personal nitong buhay, tulad na lamang ng lovelife nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ever since,” lahad ni Ces, “wala pang ipinapakilala sa amin.

“Hindi ko alam, kung dahil wala ba siyang nakikitang pangmatagalan or dahil alam niya na pag nakilala namin e talagang tatanungin namin ng kung anu-ano.

“Yang batang iyan wala talaga kaming nababalitaan. Pagka magkakasama kami at binibiro namin, aba’y tatawa-tawa lang.

“So kinakantiyawan naming madalas na, ‘Ano ba, kailan mo ba kami ipapakilala? Kahit… hindi mo naman pakakasalan kaagad.’

“Yun bang dyowa lang, kasi gusto naming kiligin… wala!

“Tawa lang nang tawa tapos, e dadating din siguro tayo diyan, sabi ko, ‘Baka mamaya bibiglain mo lang kami.’”

Biro namin kay Ces, baka biglain na lang sila ni Martin with the news na may nabuntis pala siya.

“Ay, sabi ko, ‘Dyusko ha, may mga pinsan kang babae, huwag kang ano!’

“Ibig sabihin, alam natin na sa ganitong henerasyon, iba na yung ano nila, pero ang sa akin huwag sasaktan ang babae.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

CES QUASHES GAY RUMORS ABOUT MARTIN

Hindi rin lingid sa kaalaman ni Ces ang mga naglabasang balita mula noong maging artista si Martin na kinukuwestiyon ang gender o kasarian ng binata.

“Alam mo si Martin, iyan ang isang malaking dedma na tao,” bulalas ni Ces tungkol sa hindi pagpansin ni Martin sa kung anumang isyu tungkol dito.

“Ako sa akin, alam ko ang totoong Martin, alam ko kung sino siya and I’m confident.

“If ever, for the sake of argument, ito kaklaro ko ha, for the sake of argument,” pagdidiin pa ni Ces, “if ever, I mean sa akin, I will not think less of him. Kasi andami-dami kong friends na ganun ang gender, maayos silang tao.

“As long as you are a good person, gender does not matter.

“O baka ma-misquote ako niyan, ha?

“It is a non-issue for me kasi I know in my heart na hindi ganun si Mart. Nothing that would make me think na ganun siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero in this day and age, gender should not be an issue anymore.

“I hope clear yun para hindi magkaroon ng doubt for those who would try to put malice into my stand on gender.

“My stand on gender is for all my friends and family and not only for Martin.”

READ:

Martin del Rosario on issue about his sexuality: "Ayoko nang sagutin pa, paulit-ulit."

Martin del Rosario brushes off relentless rumors about his gender

Martin del Rosario not rushing to have girlfriend just to debunk gay rumors

CES PROUD OF MARTIN’S SHOWBIZ ACHIEVEMENTS

Masaya raw si Ces sa mga naa-achieve ni Martin sa showbiz bilang artista, isa si Martin sa hindi nawawalan ng project sa GMA.

Martin del Rosario
Martin del Rosario as Prince Zardoz in GMA-7's Voltes V: Legacy
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ay, oo! Ito sinasabi ko, nung nagpaalam iyan sa amin, nag-family council kami kung puwede siyang mag-artista, ako yung ayaw.

“Sila ang may gusto ako ayaw na ayaw ko. Kasi dati gusto niyang maging doktor, kaya lagi naming regalo sa kanya, regalo ko sa kanya parang… body parts, anatomy book, kasi iyon ang gusto niyan, gusto niyang maging doktor.

“Aba’y nabigla na lang ako biglang gusto raw niyang mag-try ng artista!

“So to make the long story short, nung pinayagan siya ng mama niya, pinayagan siya ng papa niya, e sino ba naman ako, e ako ay tiyahin lang.

“Although parang anak ko na rin dahil lumaki din naman sa akin yan for a time, every weekend nasa akin dahil hinihiram ko dahil only child yung anak ko.

“Sabi ko ang bilin ko lang sa kanya, sabi ko, ‘Anak ayoko na may maririnig akong masama, magrereklamo ang mga production staff, ang mga artista at direktor mo dahil unprofessional ka.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sabi ko, ‘Sa tinatagal-tagal ko sa industriya iyan ang naging pamantayan ko.

“Basta ang trabaho mamahalin dahil pag narinig ko na may ganun ka, ay hindi ko palalampasin, makakarinig ka sa akin. Hindi kita pakikialaman pero pagka ganun e siyempre makakarinig ka sa akin ng, hindi tama iyan.’

“Di ba? Masaya ako dahil na-prove niya na mali ako, na lahat ng naririnig ko sa staff, sa lahat ng artista, ‘Tita Ces, ang bait-bait ni Martin, ang galing-galing niya!’

“All positive reviews kaya naman sabi ko nga talagang proud ako at siguro talagang nararapat lamang siya na maging part ng industry kasi mahal niya yung trabaho niya.

“At nagtatrabaho talaga ang bata.”

Ang mga words of wisdom niya kay Martin ay pareho rin daw ng words of wisdom ni Lola Lucing na siyang papel ni Ces sa Padyak Princess.

“Oh, yes,” bulalas ni Ces.

“Mabait akong lola dito at tsaka very, very light lang, pag kinakailangang sabihan ka, sasabihan ka pero hindi siya mataray.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

READ:

Martin del Rosario grateful to GMA for taking good care of his career

How did Martin del Rosario prepare for Prince Zardoz role in Voltes V: Legacy?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Veteran actress Ces Quesada (left) on gay rumors revolving around nephew Martin del Rosario (right): “Ako sa akin, alam ko ang totoong Martin, alam ko kung sino siya and I’m confident. It is a non-issue for me kasi I know in my heart na hindi ganun si Mart. Nothing that would make me think na ganun siya."
PHOTO/S: Rommel Gonzales/Martin del Rosario Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results