Hindi maiwasang maitanong kay Ara Mina kung may oras pa ba siya sa kanyang pamilya dahil sa kabi-kabila nitong TV shows pati na concert.
Kamakailan lang ay ginanap ang presscon ng bagong TV5 show na kinabibilangan niya, ang Padyak Princess starring Miles Ocampo.
Read: Ara Mina: The star who had 4 screen names conquers acting, singing, even baking
ARA MINA ON BABY TALKS WITH HUSBAND DAVE ALMARINEZ
Mag-aapat na taon na mula nang ikasal si Ara kay Dave Almarinez sa Baguio noong June 30, 2021.
Kaya marami na rin ang nagtatanong kung kailan sila bubuo ng baby.
Read: Ara Mina-Dave Almarinez Wedding: Dreamy affair to remember
Pero, busy sila pareho sa kanilang karera lalo na si Ara na may tatlong shows sa telebisyon at isang malaking konsiyerto na paparating.
Ano ang sabi ni Dave?
Sagot ni Ara sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) via Viber messaging ngayong Biyernes, June 7, 2024, "Supportive naman siya sa mga ginagawa ko at ganun din ako sa kanya pagdating sa business niya.
"Pero minsan nagpaparinig, 'Kailan na tayo mag-baby?'"
Paano naha-handle ni Ara ang kanyang schedule?
Tugon niya, "Naha-handle pa naman so far kasi iba-ibang araw ang mga taping days.
"Mas adjustable ang Magandang ARAw at Private Time with ARA pagdating sa schedules.
"Ang family ko naman, siyempre nagkaka-time pa rin naman ako sa kanila.
"We see to it na meron kaming family bonding. Lalo na ngayong summer na walang pasok si Mandy.
"Kasi sa school whole day na rin siya. Si Dave nasa office din every day.
"Pumupunta ako sa office minsan pag maaga ako natatapos and will have dinner, ganun."
Si Mandy ang anak ni Ara sa kanyang dating boyfriend na si Bulakan, Bulacan Mayor Patrick Meneses.
PADYAK PRINCESS
Sa darating na Lunes, June 10, 2024, bago mag-Eat Bulaga! sa TV5, ay mapapanood na ang Padyak Princess.
Ano ba ang kuwento nito?
Lahad ni Ara, "Si Padyak Princess ay ginagampanan na character ni Miles Ocampo. Isa siyang mabuting anak, kapatid, kaibigan, at matulungin sa mga kapwa niya sa neighborhood nila na nagpapadyak at namamasada ng sidecar."
Ano naman ang role niya?
Ayon kay Ara, "Ako si Susan Velarde, ako ay isang mayaman na may networking business na pinag-invest-an ng pamilya nila Princess [Miles]."
Kontrabida ang role dito ni Ara, pero sabi niya, "Usually ang pagiging kontrabida ko ay serious sa drama. Pero this time, dapat pa-comedy attack na kontrabida ang gustong maging character ko dito ni Direk Easy Ferrer."

HER ALL OF ME CONCERT
Kumusta naman ang paghahanda niya para sa All Of Me, ang kanyang 30th anniversary concert sa showbiz?
Read: Ara Mina to hold "All of Me" concert for her 30th anniversary in showbiz
Gaganapin ito sa Newport Performing Arts Theater sa Newport World Resorts, Pasay City, sa darating na July 11, 2024.
Ayon kay Ara, "Yes, getting ready na. Mas maayos ang schedule ko na minove namin, nakakapag-prepare ako nang maayos pagdating sa pag-condition ng katawan, boses, at mga bagay-bagay."
Dapat ay sa May 7, 2024 ito gaganapin, pero mauurong ito dahil sa kakapusan ng oras. Pero "almost soldout" na raw ang tickets nito.
Sabi ni Ara noon, "Meron nang bumili. No, it's not that.
"Sobrang pressed for time, maraming TV na gustong mag-promote ako ng concert.
"And also, ang dami kong gustong gawin sa concert and I need time to prepare pa.
"Actually, almost soldout na nga kami, e. Naka-reserve na yung mga tickets sa VIPs.
"Siyempre sa tagal ko ba naman sa industriya at sa pagiging Miss Friendship ko, di ba?"
Read: Ara Mina postpones "almost sold-out" 30th anniversary concert
Ano naman ang maipapayo niya sa hardworking moms katulad niya?
Saad ni Ara, "Kaya naman i-balance yan basta time management ang kailangan.
"The more productive you are, mas lalo kang nakakaisip kung paano mapapadali ang mga bagay-bagay."
Mensahe pa niya sa lahat, "I’m inviting you to watch Padyak Princess this June 10 na po 11:15 a.m. sa TV5, at 7:30 p.m. sa Buko Channel Mondays-Fridays.
"Magandang ARAw naman po tuwing Sabado, 3:00 to 4:00 p.m. sa Net25, free TV, FB page & YouTube Channel.
"At Private Time w/ ARA, Wednesdays 9:00 p.m. sa One News PH, Spotify, and Google Podcast.
"And please support and watch me on my 30th Anniversary ARA MINA…All Of Me on July 11, 8:00 p.m. sa Newport Performing Arts Theater. For tickets sa Ticketworld or contact 09178450979/ 09693977778."
