Hindi inaasahan ni Niño Muhlach na magkakaroon ng malaking interes ang publiko sa May-December relationship ng kanyang amang si Alex Muhlach at ng karelasyon nitong si Mae "Maymay" Fortaleza.
Limampu't dalawang (52) taon ang agwat ng edad nina Alex, 82, at Maymay, 30.
Read: 82-anyos na ama ni Niño Muhlach, 30-anyos ang karelasyon
Nabulabog ang tahimik na pamilya ng aktor, na kilala noon bilang Child Wonder ng Pilipinas, dahil sa reaksiyon ng mga tao sa kuwento ng pagmamahalan nina Alex at Maymay.
May mga positibong komento pero hindi nawala ang mga negatibo.
Read: Alex Muhlach-Mae Fortaleza relationship, umani ng iba't ibang reaksiyon
Kaugnay nito, naglabas ng mensahe si Niño sa kanyang Facebook page para sa mga bumabatikos sa tatay niya at sa girlfriend nito.

Pahayag ni Niño (published as is): “Dear bashers… di ba kayo natutuwa na may 2 tao na nagmamahalan? Kami nga mga kamag-anak eh natutuwa para sa kanila eh. Di naman kayo apektado di ba? Good vibes lang!
“Nakaka-depress at malas sa buhay when u talk bad about other people u dont know. Be happy guys!
“Isa pa hindi naman namin magagawa ung alagang ginagawa nya sa Daddy ko eh. This is the happiest I have seen my dad. Bigat sa buhay pag puro ka negahan!”
SANDRO MUHLACH ON GRANDFATHER'S LOVE STORY
Ngayong Huwebes ng umaga, Hunyo 6, 2024, nagkaroon ng pagkakataon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na makausap si Sandro Muhlach tungkol sa isyung kinasasangkutan ng kanyang lolo.
Si Sandro ang Sparkle GMA Artist Center contract star na anak ni Niño at apo ni Alex.
Read: Sandro Muhlach on entry to GMA Artist Center: "Hirap na hirap akong makapasok"

Ayon kay Sandro, hindi pinapansin nina Alex at Maymay ang mga negative comments ng netizens. Pero hindi nila inaasahang magiging viral ang unusual love story ng kanyang lolo at ng partner nito.
Saad niya, “Hindi po namin ine-expect na magiging viral ang love story nila kasi nabalita na po sila before, pero hindi naman po napansin dati.
“Yung lolo ko po and yung partner niya masaya about it.
"At hindi naman nila pinapansin yung mga negative comment ng netizens kasi sila lang naman po ang nakakaalam sa pinagdaanan ng love story nila, and I support them ever since po.”
Idinagdag pa ni Sandro na may mga positibo namang mga komento tungkol sa kanyang lolo.
Natutuwa raw ang kanyang lolo sa mga reaksiyon ng netizens na guwapo at mukhang bata siya sa edad na 82.
Ipagdiriwang ni Alex ang kanyang ika-82 kaarawan sa darating na Linggo, Hunyo 9, 2024, kaya pupunta at magbabakasyon sila ng pamilya niya sa Bohol.
“Guwapo pa rin daw po at 82 ang lolo ko ang comments kaya tuwang-tuwa po siya. Sabi ko sa kanya, mana talaga ako sa kanya!” natatawang pahayag ni Sandro sa PEP.