Tila ini-enjoy ni Andrea Brillantes ang kanyang pagiging single.
Lagpas isang taon na siyang walang love life matapos silang maghiwalay ng huli niyang naging boyfriend na si Ricci Rivero noong May 2023.
Read: Gem of a Star: Andrea Brillantes lives up to her name
"STAFF NA LANG ANG NA-SPOIL..."
Sa kanyang Instagram Story kagabi, June 4, 2024, nagbahagi si Andrea ng ilang larawan niya na kuha sa taping ng Kapamilya teleseryeng High Street.
Ayon kay Andrea, bumili siya ng mga bulaklak sa isang vendor at ipinamahagi sa ilang staff.
Sabi niya sa caption (published as is): "Midnight na pero nag bebenta parin si Manong ng flowers :(so I bought some para makauwi na siya and para may pa“Just because“ fowers ako sa staff"

Ni-repost din ni Andrea ang pasasalamat ng isang staff ng show.
Saad niya sa caption (published as is), "Ganyang talaga pag single, staff nalang ang na sspoil HAHA"

"I'M FINE ALONE."
Hindi muna pinuproblema ni Andrea ngayon ang usapin ng kanyang puso.
Mula nang maghiwalay sila ni Ricci, wala pang ibang nauugnay na personalidad kay Andrea.
Sa panayam ng aktres sa Tao Po noong May 19, 2024, sinabi nitong mas priority niya ngayon ang kanyang sarili at career.
Saad niya, "Honestly, l'm fine alone. [Kahit] mag-isa ako, kayang-kaya ko ang lahat."
Gayunpaman, hindi naman daw niya isinasara ang posibilidad na makahanap muli ng iibigin.
Naniniwala kasi si Andrea na walang takas ang isang tao kapag ito ay tinamaan ng pag-ibig at na-in love.
Aniya, "Kasi ang love, ang kaisa-isang emosyon na kahit perfect ka na siguro, kapag tinamaan ka ng pag-ibig, puwede kang manghina."
Read: Andrea Brillantes not yet ready to enter new relationship: “Wala talaga siya sa focus ko.
Malaking bagay kay Andrea ang kanyang pamilya, kunsaan niya natutunan ang maraming bagay tungkol sa pag-ibig.
Pagtatapat ng aktres, pitong taon pa lamang siya nang mamulat sa tunay na realidad ng pag-ibig.
Dito rin daw niya napagtantong hindi lahat ng love story ay may happy ending.
Read: Andrea Brillantes on her wishes in 2024: “Basta growth lang, healing.”
Pagbabahagi niya: "Sa pag-separate ng parents ko, klarong-klaro sa akin at the very young age, na mas ikakabuti ng buhay ko at buhay naming lahat kung hindi na sila together.
"Mahirap siya, oo.
"When I was seven pa lang, hindi ko magets kung bakit nag-i-stay pa sila sa isa't isa kung ganyan.
"Pero noong na-in love na ako, [na-realize ko na] ang hirap pala."
Ang PBA player na si Ricci ang huling naging kasintahan ni Andrea.
April 9, 2022, nang maging opisyal silang magkasinthan hanggang sa magkahiwalay sila noong June 2023.
Read: Andrea Brillantes and Ricci Rivero relationship timeline
