Buntis umano ang aktres na si Ria Atayde at halata ang baby bump nito, ayon sa isang post ng netizen sa Facebook.
Noong June 1, 2024, kinongratulate ng Facebook page na Caloy Gaming si Ria at ang asawa nitong si Zanjoe Marudo sa paparating daw nilang baby.
Read: Sylvia Sanchez excited nang magkaapo kina Arjo at Maine, Ria at Zanjoe
"CONGRATS LOVELY COUPLE"
Sabi sa post (published as is), "Ria Atayde & Zanjoe Marudo spotted sa Boracay super chill.. Blooming pa s Ria Atayde at halata na ang kanyang baby bump Congrats lovely couple Mr&Mrs Marudo"
Meron na itong 40 thousand likes, 300 plus comments, at 175 shares.
Sa comments section, may sinagot na mga komento ang nag-post.
Saad ng isang netizen (published as is), "super deny p family nila lalo n sister nya n di buntis ang ate nya…
"then buntis pla ano nman kya msma n umamin n lng cla tutal nman pinksalan nman cya… haiissst mga artista nga nman.."
Sang-ayon ng nag-post, "tama po."

Ayon pa sa isang comment (published as is), "Kasal o hindi...blessed pa din at magkaka anak yun ang mas importante for me. Have a safe delivery!"
"Correct" naman ang sabi ng uploader.

Sabi ng isa pa (published as is), "Laki n ng tyan...congrats... Natutuwa Tlg ko s mga nabubuntis n artista..."
"Blessing" naman ang sagot ng Facebook user.

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang uploader kung siya ba ang may kuha ng larawan o may nagpadala lamang nito sa kanya.
Hindi pa ito tumugon sa aming mensahe.
GELA ATAYDE EXPLAINS SISTER RIA'S PCOS
Noong nakaraang March 3, 2024, mariing itinanggi ng Kapamilya actress na si Gela Atayde na buntis ang nakatatanda niyang kapatid na si Ria.
Pinabulaanan niya ang kumakalat na espekulasyong nag-propose lamang si Zanjoe dahil nabuntis nito si Ria.
February 20, 2024, inanunsiyo ni Ria sa pamamagitan ng social media na engaged na sila ni Zanjoe.
Read: Zanjoe Marudo and Ria Atayde now engaged
Ani Gela, kahit matagal nang plano nina Ria at Zanjoe na bumuo ng sarili nilang pamilya ay isinasaalang-alang din daw ng mga ito ang pagkakaroon ng sakit ni Ria na PCOS o Polycystic Ovary Syndrome.
Kung saka-sakali rin daw magkaanak si Ria ay hindi naman tutol ang kanilang pamilya, lalo na't nasa tamang edad na sila.
Saad ni Gela, "For me, I can’t say much yet. For now, no [hindi buntis]. They’re trying, that’s for sure.
"My sister has PCOS and it would be a miracle if she has a child.
"Well, at least my parents also are supportive for that my sister nga kasi is at the age — turning 32 this year — medyo kailangan na din."
Si Zanjoe ay magpu-42 naman sa July.
Read: Ria Atayde not pregnant, says sister Gela Atayde
Ikinasal ang dalawa noong March 23, 2024.
Mukhang itinaon ang sikretong pagpapakasal ni Zanjoe kay Ria sa mismong ika-32 kaarawan ng aktres noong araw na iyon.
Read: Zanjoe Marudo and Ria Atayde are now married
