Ilang araw ding nag-number 1 sa Netflix ang pelikulang A Journey na pinagbidahan nila Kaye Abad, Patrick Garcia at Paolo Contis.

Nagsimulang mapanood sa Netflix noong April 19, naging mainit ang pagtanggap at marami ang naka-relate sa naturang pelikula tungkol sa tunay na pagkakaibigan, pag-ibig at pamamaalam.
Sa ekslusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Patrick sa nakaraang birthday celebration ng columnist/writer na si Rommel Placente na ginanap sa Sikat resto sa Quezon City noong nakaraang May 30, nagpahayag ng pasasalamat at saya ang aktor sa mainit na pagtanggap ng mga Netflix viewers sa pinagbidahang pelikula.
Panimula niyang lahad, "Siyempre masaya, siyempre nakakagulat din na napaka-warm nang pagtanggap ng mga tao not only here in the Philippines, but of course around the world. Kumbaga and daming nanood ng A Journey."
"Nagulat? Siyempre ang tagal ko nang pahinga, pati si Kaye. Si Paolo lang siguro ang active sa amin. To be received that well sa Netflix, siyempre nakakataba ng puso."
READ:
Patrick Garcia, nakumbinsing magbalik sa pag-arte dahil kina Kaye Abad at Paolo Contis
Tabing Ilog stars Patrick Garcia, Kaye Abad, Paolo Contis reunion project, tuloy na
PATRICK HAPPY WORKING ANEW WITH TABING-ILOG COLLEAGUES
Ayon nga kay Patrick, masarap makasama sa isang proyekto ang mga kaibigan at dating kasama sa seryeng Tabing-Ilog ng ABS-CBN.
"Siyempre it was a treat. Siyempre it's nice to work with friends, and the friends that you've worked with na matagal na. Siyempre kumportable ka kapag mga kaibigan ang kasama mo at katrabaho mo," pag-amin niya.
Marami ang nagsasabi na ang batch ng Tabing-Ilog cast ang kabilang sa mahuhusay at de-kalidad na mga aktor at aktres sa ngayon.
Para naman kay Patrick, naniniwala siyang marami ring mahuhusay na iba pang mga artista na hindi lamang nabibigyan ng pagkakataon para ipakita ang husay nila sa pag-arte.
Paglinaw niya, "Para sa akin, maraming mahuhusay, di lang nabibigyan ng chance or ng break.
“Siguro, napaka-blessed naming Tabing-Ilog group na nabigyan kami ng pagkakataon na ipakita ang kaya naming gawin sa larangan ng pag-arte. Nabigyan kami ng chance na mag-grow sa acting.”
Tinanong din namin si Patrick kung may kasunod na ba siyang proyekto na nakalinya na niyang gawin ngayon.
Saad niya, "May movie na nakaabang. I'm not sure if it's for Netflix or for filmfest. Secret muna kung sino ang kasama, pero parang next month namin ito gagawin."
READ:
Netflix: A Journey, umakyat na sa No. 1; Rewind, nawala na sa Top 10
Tabing Ilog cast members, may reunion sa iba't ibang proyekto
Kaye Abad at Patrick Garcia, tuluy-tuloy na ang pagbabalik sa pag-arte?
Baron Geisler inaming nagdadala noon ng hash brownies sa taping ng Tabing Ilog
PATRICK EMBRACES FATHERHOOD
Masaya at kuntento sa kanyang buhay may-pamilya sa piling ng non-showbiz wife na si Nikka Martinez.
Sa ngayon ay may apat na silang anak, sila Chelsea, Nicola Patrice, Francisca Pia at Enrique Pablo.
May anak din si Patrick kay Jennylyn Garcia, si Alex Jazz na ngayon ay 15 anyos na. Aminado rin ang aktor na marami ang nabago sa kanya mula nang maging isa siyang ama.
"We're good and of course, we are parenting for our children. Siyempre busy kasi siyempre ano, lumalaki nang mabilis ang mga anak nami. Laging may ganap."
“Siyempre yung mga pananaw mo sa buhay, it's not about you, it's not about hers, it's about the family na.
“Siyempre you try your best to provide for your children and make sure na makuha nila yung the best na puwede mong ibigay sa kanila."
READ:
Patrick Garcia tackles fatherhood for the second time with more mature outlook
Patrick Garcia, wife Nikka welcome Baby Enrique Pablo
PATRICK PROUD OF NEW BUSINESS VENTURE
Bukod sa pag-aartista ay may negosyo din si Patrick, ang The Fine Gentleman na matatagpuan sa Valle Verde.
"May negosyo naman ako. I own a haberdashery, pagawaan ng suits and pagupitan, ang pangalan niya The Fine Gentleman sa Valle Verde."
PATRICK SLOWLY MOVES ON AFTER MOM’S UNTIMELY PASSING
Sumakabilang buhay ang ina nila Patrick at Cheska na si Mrs. Celeste Velasco sa edad na 70 anyos dahil sa atake sa puso. Aminado ang aktor na masakit pa rin para sa kanila ang nangyari lalo't biglaan ang pagkawala ng ina.
"We are still recovering. Of course, it will take time but siyempre nandun pa rin yung kirot, nanduun pa rin yung sakit siyempre.
“Napaka-sudden ng pagkamatay niya, pero of course through prayers, nakakaya naman namin na malagpasan kung anuman ang nararamdaman namin."
Pagkukuwento ni Patrick marami siyang nami-miss sa ina ngayong wala na ito sa piling nila ng kanyang kapatid.
"Our phone calls, and of course yung unconditional love niya, yung wisdom niya and mga advice niya."
READ:
Patrick and Chesca Garcia's mother, Bing Velasco, dies at 70
Ina nina Patrick at Chesca Garcia, pumanaw dahil sa heart attack
Chesca Garcia pays tribute to late mom Bing Velasco
