PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gigi de Lana bids farewell to her mother

Gigi de Lana: "Ang sakit lang na hindi ko na ma-feel yakap niya."
by Arniel C. Serato
Published May 29, 2024
Gigi de Lana misses her late mom already
Singer Gigi de Lana very sad about the passing of her mother Imelda de Lana last May 15, 2024.
PHOTO/S: Courtesy: Facebook

Masakit pa rin sa singer na si Gigi de Lana ang pagpanaw ng inang si Imelda de Lana noong May 15, 2024.

Nagkataon pang nasa Amerika si Gigi dahil sa mga natanguang shows abroad kasama ang kanyang The Gigi Vibes band.

Read: Gigi de Lana: from kontesera to singing sensation

GIGI DE LANA: "ANG SAKIT-SAKIT."

Sa kanyang Instagram at Facebook nitong nakaraang May 27, 2024, mahihinuhang nakauwi na ng Pilipinas mula sa Canada si Gigi.

Sa pictures na kanyang ibinahagi, ipinakita niya ang tila pag-iyak sa harap ng kabaong ng ina.

Sabi ni Gigi, "Miss na miss nakita Mama Mel Orfano Hirap ako ma. Ang sakit sakit.

"We are not perfect.

"I’m not perfect I made mistakes and I’m sorry.

"But I am perfect to my mom"

Nagpasalamat din siya sa lahat ng nagpunta sa lamay, nagpaabot ng kanilang pakikiramay, ganundin sa mga hindi nakapunta nang personal sa lamay.

Aniya, "Maraming salamat sa lahat ng nag punta. And sa lahat ng nag condolence.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"It’s ok if yung iba hindi nakapunta. Ok lang yun. Alam ko mga busy din kayo. Salamat."

Sa huli, sinabi ni Gigi na magpapahinga muna siya dahil labis na kalungkutan ang dulot nito sa kanya.

Sabi niya, "Pahinga lang din muna ako. This is very painful. Kasi kami lang dalawa ang magkasama hanggang sa paglaki ko.

"My mom raised me well. Ang sakit lang na hindi ko na maffeel yakap niya. Pati pag susuklay niya sa buhok ko. mahal na mahal ko siya."

View this post on Instagram

A post shared by GIGI (@gigidelanaofficial)

GIGI DE LANA'S MOTHER PASSES AWAY

Pumanaw ang ina ng singer na si na si Imelda noong Martes ng gabi, ng May 14, 2024.

Sa Facebook at Instagram madaling-araw naman ng Miyerkules, May 15, inanunsiyo ni Gigi ang malungkot na balita.

Ayon sa singer, eksaktong 9:19 ng gabi nang bawian ng buhay ang ina.

Maiksing post niya sa Facebook: "Salamat sa lahat ng dasal niyo kay mama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"She passed away at 9:19 pm May 14, 2024. Mahal na mahal kita mama.

"Pahinga ka na."

Read: Gigi de Lana’s mother dies

May Stage Four breast cancer ang kanyang ina.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Singer Gigi de Lana very sad about the passing of her mother Imelda de Lana last May 15, 2024.
PHOTO/S: Courtesy: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results