PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vilma Santos meets Dan Villegas, Antoinette Jadaone for a movie pitch

Vilma Santos joins advisory board of Aktor.
by Melba R. Llanera
Published Jun 2, 2024
Vilma Santos talks about possible project with directors Dan Villegas and Antoinette Jadaone.
Vilma Santos on possible movie collab with Dan Villegas and Antoinette Jadaone: "Maganda ito, nililinis lang. May hinahanda silang istorya na very, very interesting so let's just wait and see. But it was really nice meeting Direk Dan and Direk Antoinette."
PHOTO/S: @rosavilmasantosrecto Instagram

Excited si Vilma Santos na masundan na ang pelikula niyang When I Met You In Tokyo, na ipinalabas sa 2023 Metro Manila Film Festival.

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ikinuwento ni Vilma na nakipag-meeting siya sa magkasintahang Dan Villegas at Antoinette Jadaone, na kilalang mga box-office directors at founders ng film company na Project 8 Projects.

Kasama sa meeting si Bryan Dy, producer ng Mentorque film company, na nagprodyus ng MMFF 2023 entry na Mallari, na pinagbidan ni Piolo Pascual.

"We had a very good talk, ang ganda," tukoy ni Vilma sa meeting nila nina Dan, Antoinette, at Bryan.

"First time I met Direk Dan and Direk Antoinette, ang saya-saya nilang kasama.

"Napapanood ko ang mga pelikula nila, ang gagaling nila. Ito yung mga new blood."

Pinaplantsa pa raw nila ang nilulutong pelikula para sa Star For All Seasons.

"May nilatag lang, may pinitch na bagong istorya. Maganda pero kaya pang ayusin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I'm looking forward lalo na si Bryan din. Pero gusto lang namin kung matutuloy, malinis lang namin yung pelikula.

"At this point in time, ayaw naman naming masabi na may magawa ka lang pelikula, kahit na sa tinagal-tagal ko [sa industriya] ang dami ko ng nagawa, e.

"Ayoko namang sabihin na, 'O, kailangan may gawin ka.' Hindi naman.

"Pag hindi naman challenging, at the same time kaya mong ipagmalaki na pelikula, wag na muna."

Hindi raw nagmamadali si Vilma.

"Pero I'm sure may darating at darating na magandang script, na matsa-challenge ako and something to be proud of, na puwede kong ipakita sa mga tao.

"So yun ang hinihintay ko.

"Maganda ito, nililinis lang. May hinahanda silang istorya na very, very interesting so let's just wait and see.

"But it was really nice meeting Direk Dan and Direk Antoinette."

Vilma Santos meets Dan Villegas, Antoinette Jadaone for a movie pitch
Vilma Santos with (L-R) Ron Angeles, Bryan Dy, Warren Catarig, Omar Sortijas, Dan Villegas, Antoinette Jadaone
Photo/s: @rosavilmasantosrecto Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakapanayam ng PEP si Vilma sa pamamagitan ng palitan ng mensahe sa Facebook Messenger noong May 27, 2024.

Read: Vilma Santos on fans lobbying for her National Artist nomination

VILMA SANTOS ON BATA, BATA PAANO KA GINAWA?

Aktibo si Vilma sa film industry ngayon.

Noong May 19, pinalabas ang pelikula niyang Bata, Bata Paano Ka Ginawa sa Metropolitan Theater sa Manila.

Bahagi iyon ng Mga Hiyas Ng Sineng Pilipino, programa ng Metropolitan Theater at National Commission for Culture and the Arts (NCCA) na naglalayong ibalik sa big screen ang classic Filipino films.

Noong araw ding iyon ay ginanap ang talk back session na pinangunahan ni Vilma at Chito Rono, director ng Bata, Bata Paano Ka Ginawa?

Lahad pa ni Vilma sa PEP, si Chito ay malaking bahagi ng karera niya sa showbiz.

Nasa Top 5 daw na "pinakamahal at pinakaimportante"sa kanya ang pelikula nila ni Chito.

"If I am not mistaken, dito ko nakuha yung third grand slam [award in acting] kasi pangalawa yata yung Dolzura Cortez.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Kaya lang di lang nabubuo yung grand slam kasi wala na akong FAMAS. Hall of Fame na ako sa FAMAS kaya wala na akong Best Actress dub. Ang binigay sa akin ay Circle Of Excellence.

"And Bata, Bata is an award-winning novel by Lualhati. And memorable sa akin si Lea Bustamante, kasi I feel a big part of my life is Lea Bustamante, so di ko makakalimutan ang Bata, Bata Paano Ka Ginawa?"

Ibang saya raw ang dulot na mapanood uli ang pelikulang unang pinalabas noong 1998.

"We were both excited ni Direk Chito nung nagkita uli kami after a while. Nage-enjoy kami na panoorin ang Bata, Bata kasi nagre-reminisce kaming dalawa kung gaano kagaan yun nung syinu-shooting namin, kung gaano kagaling yung mga ka-eksena namin dun.

"Yun nga sabi ni Direk, nami-miss niya yung mga ganitong klase ng pelikula, parang naliliitan siya sa mga movies na ginagawa natin ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"It was really fun, it was really nice to see Direk Chito Rono, isang direktor na mahal na mahal ko."

Naging malaking parte rin ng career ni Vilma ang Metropolitan Theater (Met) dahil ito ang taping venue ng weekly show niyang Vilma, na umere sa GMA Network mula 1986-1995.

"Naging very memorable kasi eight to ten years ako nasa Metropolitan Theater for my Vilma show.

"In fact, nung nagpapaalam na ako, nung nagpi-picture taking, nandun kami sa dati kong make-up room.

"Renovated na yung lugar. In fact, pag nandun ako, parang bahay ko, but the theater now is very, very beautiful.

"Nandun yung mga executives and bagong staff ng Met and nagpa-picture pa kami. Lagi nilang sinasabi na baby ako ng Met, so nagpapasalamat ako talaga.

"Again, Metropolitan will always be a big part of my career, lagi akong magpapasalamat sa Metropolitan Theater, very memorable days."

Read: Vilma Santos at Judy Ann Santos, magsasama sa horror film ni Chito Rono

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

VILMA SANTOS ON AKTOR

Pagkatapos ng talkback session sa Metropolitan Theater ay tumuloy si Vilma sa general assembly ng Aktor, ang league of Filipino actors.

Ang presidente ay si Agot Isidro habang board members sina Iza Calzado, Mylene Dizon, Cherry Pie Picache, at Piolo Pascual.

Hinirang namng advisory board ang film industry stakeholders na sina Charo Santos, Christopher De Leon, Tirso Cruz III, at Vilma.

Tatlong taon ang termino nila.

Kuwento pa rin ni Vilma sa PEP, "Yes, ang chairman ng aktor ay ang inaanak ko na si Dingdong Dantes, he invited me to be part of the organization.

"Tatlong taon pa lang yung organization and they are going on their second term now.

"Nandirito kami kasi maganda yung mission and vision ng Aktor, it's for the industry.

"Marami nang sumubok nito, nandiyan ang MOWELFUND, nandiyan ang Film Academy.

"Ito namang organization ay partnership with them, pero dito naso-solid yung mga artista dito who are really willing to work together this time as a team and ako isa na dun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I told my inaanak and the group of Aktor, sila Iza, sila Mylene...

"Laming mga seniors ngayon kinuha kami as advisers like me, Yetbo, Pipo, Ms. Charo and the board of directors.

"Ang maganda lang dito ay yung mission and vision na mapalakas pa at mas mapangalagaan ang ating industriya.

"Then ang focus nito sana mas we will do it step by step, dapat doable and workable, and at the same time, kailangang global na rin yung plano.

"Hindi na tayo puwede na nandito lang sa Pilipinas. Marami na ring katapat na different social media platforms.

"Now, if we think and if we work, let's work globally. But again, step by step.

"So we seniors, we are here to support them all the way, we are all excited sa Aktor.

Read: Vilma Santos on fans lobbying for her National Artist nomination

VILMA ON FAMAS 2024 AWARD

Sa nakaraang 2024 FAMAS Awards Night ay pinarangalan si Vilma at When I Met You In Tokyo onscreen partner niyang si Christopher de Leon ng Circle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Masayang-masaya ang Star For All Seasons sa karangalang pinagkaloob sa kanya.

"Very happy and grateful! Matagal na kaming kinikilala ng FAMAS sa larangan ng paggawa namin ng pelikula ni Boyet.

"Matagal na ako naging Hall of Famer kaya hindi na sinasali bilang nominee sa best actress. Pero itong Circle of Excellence ang ginagawad nila sa akin.

"Modesty aside, third ko na ito. Una, para sa Dolzura Cortez, second Sinungaling Mong Puso at now third for When I Met You In Tokyo.

"Kaya sa bumubuo ng FAMAS, maraming salamat! This is a very memorable award for me. Ang Famas ay malaking parte ng career ko sa industriya ng pelikula."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vilma Santos on possible movie collab with Dan Villegas and Antoinette Jadaone: "Maganda ito, nililinis lang. May hinahanda silang istorya na very, very interesting so let's just wait and see. But it was really nice meeting Direk Dan and Direk Antoinette."
PHOTO/S: @rosavilmasantosrecto Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results