PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rita Avila shows support for Eva Darren after FAMAS issue

Rita: "Si Ms. Eva Darren ay pumunta DEFINITELY hindi para sa NINGNING..."
by Khryzztine Joy Baylon
Published May 28, 2024
Rita Avila shows support for Eva Darren after FAMAS snub
Rita Avila (left) on Eva Darren's FAMAS issue: "The feelings of Ms. Eva Darren and family are understandable...Si Ms. Eva Darren ay pumunta DEFINITELY hindi para sa NINGNING pero dahil NIRESPETO nya ang imbitasyon. NIRESPETO BA SHA?"
PHOTO/S: Rita Avila/FERNANDO DELA PENA FACEBOOK

Inis at galit ang naramdaman ni Rita Avila sa pambabastos umano ng FAMAS sa beteranang aktres na si Eva Darren sa ginanap na 72nd FAMAS Awards.

Nitong Lunes, May 27, 2024, mainit na pinag-usapan sa social media ang mahabang Facebook post ng anak ni Eva na si Fernando de la Peña, kunsaan ikinuwento nito ang pagbabalewala at pagdisrespetong naranasan ng kanyang ina mula sa organizers ng nasabing award-giving body.

Si Eva ay inimbitahan ng FAMAS noong May 26, 2024, para mag-present ng special citations katuwang ang kapwa niya beteranong aktor na si Tirso Cruz III.

Ngunit sa kasamaang palad, hindi natuloy si Eva na sumampa sa stage dahil pinalitan siya ng baguhang singer na si Sheena Palad.

Read: Singer Sheena Palad breaks silence on replacing Eva Darren as presenter at 72nd FAMAS

Himutok ng anak ni Eva, wala umanong paliwanag na ibinigay ang taga-produksiyon kay Eva tungkol sa nangyari.

Maging ang taong kausap daw ni Eva ay nagulat sa last-minute changes. Minabuti ng aktres na umalis na lang kasama ang kanyang tatlong apo na isinama nito para saksihan sana ang muli niyang pagtuntong sa entablado bilang presenter sa isang awards night.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Veteran actress Eva Darren, dinisrespeto sa 72nd FAMAS Awards?

Rita Avila AIRS FRUSTRATION

Sa isang Instagram post nitong Martes, May 28, naglabas ng reaksiyon si Rita tungkol sa isyu.

Ayon sa kanya, hindi makatarungan ang ginawa ng FAMAS sa beteranang aktres kaya naiintindihan niya ang hinaing ng anak nitong si Fernando.

Tama lang din daw na ipinost ni Fernando ang ginawang pambabalewala kay Eva para maging aral sa lahat.

Mababasa sa post ni Rita (published as is): "The feelings of Ms. Eva Darren and family are understandable. Totoo naman! I am glad that her son posted about it.

"And I agree a 100% to the comments that said: “Inimbita ka, ikaw pa magbabayad ng meal mo?” “Nananahimik ka tapos iimbitahin ka, gagastos ka mula sa damit, make up, gasolina hanggang sa pagkain mo para ano? Para sa NINGNING?”

"Si Ms. Eva Darren ay pumunta DEFINITELY hindi para sa NINGNING pero dahil NIRESPETO nya ang imbitasyon. NIRESPETO BA SHA?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: 72nd FAMAS: Kathryn Bernardo, Piolo Pascual, Alfred Vargas win top acting honors

Inihalintulad pa ni Rita ang nangyari kay Eva sa FAMAS sa nangyayari sa mga artistang uma-attend sa presscon ngunit nababalewala dahil may ilan sa mga ito ang hindi natatanong.

Aniya "Kahit naman sa mga MEDIACON/PRESSCON, invited ang cast, nagbihis, nag-ayos, gumastos sa gasolina para lang magmukang tanga ang marami.

"Mga bida naman ang gustong interviewhin ng press eh di sana mga bida na lang ang mag-attend di ba?

"Dapat sa showbiz eh tayo ang mag-alagaan sa isa’t isa. Tayo ang magbigay respeto sa isa’t isa. Tayo ang magbigay dignidad sa isa’t isa."

EVA'S NOT INCLUDED IN FAMAS PRESENTER LIST

Isa pang ipinagtataka ni Rita na wala ang pangalan ni Eva bilang presenter sa kahit anong art card na inilabas ng FAMAS.

Kuwestiyonable raw ito lalo na't binigyan at pinag-memorize nila ng script ang beteranang aktres.

Ani Rita, "Wala sa photo ng Presenters c Ms. Eva pero inimbita nila at pinag-memorize ng script; ano yun? Tapos ang excuse ay di makita si Ms. Eva. Ano yun?!!!!

"Kung presenter sha, may naka bantay na sa kanya mula sa pagdating nya dahil dapat alam na kung SAAN sha NAKA-UPO para pag malapit na ung part nya, madali shang tatawagin."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Rita Avila shows support for Eva Darren after FAMAS snub
Photo/s: FAMAS

Read: Divina Valencia, umalma sa paliwanag ng FAMAS tungkol sa Eva Darren issue

Hindi rin matanggap ni Rita ang paliwanag ni FAMAS President Francia Conrado, kung saan sinabi nitong hindi mahanap ng production team si Eva noong gabing iyon kaya nagdesisyon silang palitan ito.

Taliwas ito sa sinabi ng anak ni Eva nang magkomento siya sa isang artikulo ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni Fernando: "My mother was seated front and center, same table as Tita Marissa Delgado and my Ninang Divina Valencia! It is impossible not to find her."

Read: FAMAS apologizes to veteran actress Eva Darren

Agad nakarating kay Rita ang nasabing litrato ni Eva kasama sina Marissa at Divina.

Ipinost din niya ito, kalakip ang caption na: "Ang hirap nga mahanap?!!! Tsk Tsk.

"Ipinagpasa-Diyos na ni Ms. Eva Darren at pamilya ang nangyari ayon sa anak nya. Isama natin sila sa ating dasal."

Read: Pamilya ni Eva Darren, tinanggap na ang paumanhin ng FAMAS

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rita Avila (left) on Eva Darren's FAMAS issue: "The feelings of Ms. Eva Darren and family are understandable...Si Ms. Eva Darren ay pumunta DEFINITELY hindi para sa NINGNING pero dahil NIRESPETO nya ang imbitasyon. NIRESPETO BA SHA?"
PHOTO/S: Rita Avila/FERNANDO DELA PENA FACEBOOK
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results