PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Anjo Yllana clarifies past relationship with Sheryl Cruz

Anjo Yllana: "Nung meron akong bagong girlfriend, wala na kami ni Sheryl."
by Jojo Gabinete
Published May 25, 2024
anjo yllana sheryl cruz past romance
Anjo Yllana on possibility of rekindling his romance with Sheryl Cruz: "Dalawang beses na. Malay mo kapag nag-sixty [years old] na kami. Di ba, kapag matatanda na, travel na lang nang travel, kumakain? Malay mo isang araw, 'She, travel na lang tayo. Around the world o around the Philippines. Kakain, pasyal na lang tayo tutal may trabaho na yung mga anak natin.'”
PHOTO/S: Viva Films / GMA Network

Nilinaw ni Anjo Yllana ang naging pahayag ni Sheryl Cruz sa panayam ng aktres sa Fast Talk with Boy Abunda noong Huwebes, Mayo 23, 2024.

Ayon kay Sheryl, nagkaroon sila noon ng relasyon ni Anjo. Inalok siya nito ng kasal na tinanggap niya. Pero hindi umano natuloy dahil nakabuntis ng ibang babae ang aktor.

Read: Sheryl Cruz, isiniwalat na inalok siya noon ng kasal ng ex-boyfriend na si Anjo Yllana

sheryl cruz fast talk
Sheryl Cruz talks about past relationship with Anjo Yllana on Fast Talk With Boy Abunda
Photo/s: GMA Network
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakipag-ugnayan ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Anjo upang kunin ang panig nito tungkol sa isiniwalat ng kanyang ex-girlfriend sa national television.

Nagpaunlak si Anjo na magpainterbyu.

Inamin nitong inalok niya ng kasal noon si Sheryl, pero itinanggi niyang nakabuntis siya ng ibang babae kaya sila naghiwalay.

Break na raw sila nang nabuntis niya ang kanyang girlfriend noon.

Sinabi ni Anjo sa PEP na ikinagulat niya ang mga inilahad ni Sheryl kay Boy Abunda at nagpasya siyang magsalita para maituwid ang maling akala ng aktres.

Paglilinaw ni Anjo: “Wala na kami noong nakipag-cool off ako sa kanya, pero hindi ko alam kung nagpunta siya sa Amerika.

"Basta ang alam ko, nung meron akong bagong girlfriend, wala na kami ni Sheryl.

“Hindi ko alam kung nagpunta siya sa States dahil masama ang loob niya dahil nga may girlfriend na ako.

“Ang problema ko noon, nabuntis ko ang girlfriend ko, pero break na kami ni Sheryl.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Siguro akala niya, nung nag-cool off kami dahil nakabuntis ako.

"Siyempre, nakabuntis ako, pananagutan ko. At baka masakit sa kanya [Sheryl] yon."

Read: Anjo Yllana explains why relationship with Sheryl Cruz did not work out

ANJO YLLANA AND SHERYL CRUZ PAST RELATIONSHIP

Nagsimula ang pagmamahalan nina Anjo at Sheryl nang magkasama sila sa Milyonaryong Mini, ang pelikula ng Star Cinema na ipinalabas noong 1996.

milyonaryong mini poster
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Hindi kasi ako mahilig mag-expose, e, pero may pelikula kami noon kaya hindi masyadong halata. Ikukuwento ko na tutal nag-open na siya,” sabi ni Anjo sa PEP.

Kasunod nito ay inilahad ni Anjo ang naging relasyon nila ni Sheryl.

"Nung kami na habang ginagawa yung movie, masyadong sweet si Sheryl. 'Bimoy' ang tawag niya sa akin dahil yon ang tawag sa akin sa bahay.

“Natunaw ako kasi panganay na anak ako.

"Nagkaroon na ako noon ng girlfriend, pero parang wala yung alaga ni Sheryl. Sobrang appreciated ko yon.

“Dumadalaw ako sa bahay nila. Tanggap na ako ni Tito Ricky Belmonte," pagtukoy ni Anjo sa pumanaw na ama ni Sheryl.

Pagpapatuloy niya, “Dinadala ko na siya sa bahay namin sa Parañaque, ipinakilala ko na siya sa magulang ko.

“Nag-usap kami na, 'Pakasal na tayo.' In love kami, e, saka hinog na kami sa edad.

"Happy ako sa kanya, happy siya sa akin. Yung mga magulang namin, happy naman sa amin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ANJO YLLANA GETS COLD FEET

Sa hindi inaasahang pangyayari, nakaramdam ng takot si Anjo na ituloy ang planong pakasalan si Sheryl dahil nangibabaw raw ang mga responsibilidad niya bilang breadwinner ng kanyang pamilya.

Kinabahan din daw siya sa maaaring maging reaksiyon ni Fernando Poe Jr., ang asawa ni Susan Roces na tiyahin ni Sheryl. Si Susan ay nakatatandang kapatid ng ina ni Sheryl na si Rosemarie Sonora.

ricky belmonte fpj sheryl debut
Sheryl Cruz with late dad Ricky Belmonte (standing) and late uncle Fernando Poe Jr. (seated)
Photo/s: Sheryl Cruz
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lahad ni Anjo: “Dumating yung time na parang nagkaroon ako ng cold feet nung sinabi niya sa akin na kausapin ko na sina Tita Susan Roces at Tito Ronnie [FPJ].

“Alam ni Tita Susan na kami na ni Sheryl. Nung sinabi ni Sheryl na kausapin ko na sila, siyempre seryoso na lahat, yung isang takot ko noon, kakausapin ko si FPJ.

“E, si FPJ, tinatakasan ko kapag nagyaya na siyang mag-inuman. Kunwari, Star Olympics, tinatakasan ko siya.

“Sabi ko, baka galit siya sa akin dahil tinatakasan ko. Natakot ako, baka bugbugin ako.

"Yun ang isa sa mga rason, baka hindi niya matanggap.

“Siyempre, baka kapag lumapit ako, sabihin niya nilalayasan ko siya tapos kukunin ko ang kamay ng pamangkin niya. Kakausapin ako kung seryoso ba ako. Anong plano ko?

"Yun ang unang takot ko."

Pagpapatuloy ni Anjo: “Yung pangalawang takot ko, inaalagaan ko pa noon yung mga kapatid ko kasi ako nga ang panganay. Nag-aaral pa sila. Yung tatay ko, baldado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sabi ko, 'Ready na ba ako?' Saka bubukod na ako, paano ang pamilya ko?

“Kasal yan, e. Siyempre kapag in love kayo, masarap pag-usapan.

"Love ko naman siya, love niya ako, kaya lang ready na ba ako? Bigla akong nag-isip.

“Seryoso naman ako, kaya lang, bigla akong nag-cold feet na, 'Kaya ko ba?' E, binubuhay ko pa yung nanay at tatay ko, pati ang mga kapatid ko. Marami akong responsibilidad."

Kabilang sa mga nakababatang kapatid ni Anjo ay sina Jomari, Paulie, at Ryan Yllana na pawang sumabak din sa showbiz.

Ang isa pa nilang kapatid na si Robbie, na pangalawa sa pinakamatanda, ay pumanaw noong May 13, 2010 sa edad na 44.

Read: Anjo and Jomari Yllana's brother Robbie dies from complications due to diabetes

yllana brothers
Anjo Yllana (third from left) with (from left) nephew Andre Yllana, brother Paulie Yllana, mother Vicky Garchitorena-Yllana, Archbishop Soc Villegas, brother Jomari Yllana, and brother Ryan Yllana
Photo/s: @anjoyllana on Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


Kinausap daw ni Anjo si Sheryl upang sabihin ditong ihinto muna nila ang kanilang relasyon.

“So, kinausap ko si She, isang araw bago ko sana kausapin si FPJ.

“Sinabi ko, ‘She, puwede bang mag-cool off muna tayo?’

“Siyempre, umiyak siya, ‘Bakit? Bakit?’

“Kasi nabigla ako, parang ang bilis lahat ng pangyayari.

"Gusto ko munang mag-step back kasi malaking responsibilidad yon saka pareho kaming mga showbiz personality, maingay yon.

“Pumayag siya at ang promise ko naman sa kanya, kapag ready na ako, sasabihin ko sa kanya.

"Pero yung hiningi kong cool-off, break muna kami. Gusto ko munang mapag-isa.

“Habang nagsosolo naman ako, meron naman akong nakilala na iba—si Jacqui Manzano.”

Si Jacqui Manzano ang napangasawa ni Anjo at nagkaroon sila ng apat na anak: sina Mika, Jaime, Nathan, at Andee.

Pero nauwi sa hiwalayan ang pagsasama nina Anjo at Jacqui.

anjo yllana jackie manzano
Anjo Yllana and Jackie Manzano
Photo/s: File
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ANJO AND SHERYL MEET AGAIN

Matagal hindi nagkaroon ng komunikasyon sina Anjo at Sheryl dahil namalagi ang aktres sa Amerika nang magpakasal siya kay Norman Bustos at nagkaroon sila ng isang anak na babae, si Ashley.

Read: Sheryl Cruz still hurting, refuses to divulge cause of divorce with Norman Bustos

sheryl cruz norman bustos daughter ashley
Sheryl Cruz and ex-husband Norman Bustos reunite at daughter Ashley's graduation
Photo/s: Oliver Carnay Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Makalipas ang sampung taon, bumalik si Sheryl sa Pilipinas at natatandaan pa ni Anjo ang muling pagtatagpo nila sa studio ng GMA-7.

“Bumalik siya sa Pilipinas, hindi pa kami nag-uusap simula noong nag-cool off kami.

“After ten years, nagkita kami sa taping ng Nuts Entertainment sa GMA-7, guest siya.

“First time namin magkikita, 'Baka galit ito sa akin ah.' E, yung eksena namin, may sampalan.

“Nung magkita kami, sabi ko, 'Hi Sheryl!' Pero yung ngiti niya, alam kong may ngiting ‘Walanghiya ka!’" natatawang rekoleksyon ni Anjo.

“So, take na, parang inilabas niya ang lahat ng sama ng loob. Ang lakas ng sampal sa akin. Pak!

“Sabi ko, 'Ang lakas nun, ah!'

“Sabi niya, ‘Buti nga sa yo!’

“Sabi ko, ‘Ibig sabihin, after ten years, nag-asawa ka na, galit ka pa rin sa akin?’

“Sabi niya, ‘Oo!’

“E, nag-take two ang eksena. Malakas pa rin ang sampal. Alam kong galit siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sabi ko, ‘Huy, ten years ago na yon. Nag-asawa ka na. Patawarin mo na ako. Humihingi na ako ng paumanhin. I’m sorry kung nasaktan kita.’

“Sabi niya, ‘Sige, pinapatawad na kita.’

“Naging good friends na kami.”

anjo ylana sheryl cruz
Anjo Yllana and Sheryl Cruz meet again in a TV show after their breakup
Photo/s: GMA Network
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ANJO AND SHERYL REKINDLED ROMANCE

Hindi natapos sa pagiging magkaibigan ang pagkikita nina Anjo at Sheryl sa taping ng Nuts Entertainment dahil noong 2016, muli silang nagkaroon ng relasyon.

Read: Is Anjo Yllana the "bumabalik" suitor of Sheryl Cruz?

“Nung hiwalay na ako around 2015, medyo rocky na ang marriage ko, naging close uli kami,” pagbabalik-tanaw ni Anjo sa nakaraan.

“Noong 2016, 2017, sumasama na siya sa akin sa Eat Bulaga!, sa out of town, may show ako.

“Kumakain kami. Alam mo yung old friends pero lovers na hindi natuloy?

“Nandun pa yung pagmamahal ninyo sa isa’t isa na naputol. Naging kami uli for awhile."

Sa lahat daw ng naging kasintahan ni Anjo, si Sheryl ang pinakamaalaga.

Saad niya, “Sa lahat ng mga naging girlfriend ko, siya yung nagpapakita ng care, ng pagmamahal. Pampered ka. Halimbawa pawis ka, papalitan ka niya ng T-shirt.

“Nagsu-shooting kayo. Sabi ko, 'Nakakahiya. Daming tao.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sasabihin niya, 'Bimoy, basa na ang likod mo.''

Pero hindi rin nagtagal ang kanilang relasyon dahil sa sitwasyon nila—may dalagitang anak si Sheryl at si Anjo naman ay kasama pa rin ang estranged wife na si Jackie sa iisang bubong kahit hiwalay na sila.

“Ang problema noon, she has her daughter who is 15 years old, and I have four children na.

“Sumama na naman ang loob niya kasi that time, nasa iisang bubong lang kami ng nanay ng mga anak ko. Parang hindi niya matanggap.

“Sabi ko, 'Isa lang ang bahay ko pero hindi naman kami pareho ng kuwarto. Nandun lang ako para sa mga bata.'

“Itinigil na lang niya [Sheryl], kasi sabi niya walang pupuntahan, which I understood."

Paglalarawan pa ni Anjo kay Sheryl, “Pero gusto ko ang company niya. Si She, masarap patawanin. Masayahin siya, makuwento.

"Kapag bumibiyahe kami, hindi namin nararamdaman na malayo ang set ng 'All For Juan, Juan for All,' pero hindi naman siya bumababa ng kotse. Dun lang kami nagkukuwentuhan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hanggang sa nabalitaan na lang daw ni Anjo na may kasintahan nang iba si Sheryl kaya itinigil na niya ang komunikasyon dito.

Pahayag niya: “Tapos nabalitaan ko na lang na may boyfriend na siya. Hindi na ako nakipag-communicate sa kanya.

"Baka makagulo pa ako kung may karelasyon siya. Kapag may nali-link sa kanya, hindi na ako nang-iistorbo.

"Kawawa rin naman si She, single mother siya. Gusto rin niya na maging happy.

"E, hindi ko naman maibibigay sa ngayon yung gusto niya noon dahil maliliit pa ang mga anak ko.

“Nung nagkabalikan kami, may responsibilities din siya sa kanyang anak, sa mga kapatid niya.

“Pero tama yung sinabi niya sa Fast Talk. We’re still good friends. Anytime, she can call me up. Anytime, I can call her up.

“If she needs me, a shoulder to cry on or kung may problema, nandiyan kami para sa isa’t isa, up to now.”

May posibilidad bang magkaroon ng pangatlong kabanata ang relasyon nila ni Sheryl?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi natin alam," sagot ni Anjo.

"Dalawang beses na. Malay mo kapag nag-sixty [years old] na kami.

“Di ba, kapag matatanda na, travel na lang nang travel, kumakain?

“Malay mo isang araw, 'She, travel na lang tayo. Around the world o around the Philippines. Kakain, pasyal na lang tayo tutal may trabaho na yung mga anak natin.'”

Masasabi niya bang bittersweet ang mga alaala ng pagmamahalan nila noon ni Sheryl?

“Yeah, it’s bittersweet. Puwede siya kaya lang magiging complicated because of the responsibilities,” sambit ni Anjo.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Anjo Yllana on possibility of rekindling his romance with Sheryl Cruz: "Dalawang beses na. Malay mo kapag nag-sixty [years old] na kami. Di ba, kapag matatanda na, travel na lang nang travel, kumakain? Malay mo isang araw, 'She, travel na lang tayo. Around the world o around the Philippines. Kakain, pasyal na lang tayo tutal may trabaho na yung mga anak natin.'”
PHOTO/S: Viva Films / GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results