Sumang-ayon ang singer-actress na si Sheree na mukhang mas “realistic” o totoo ang love scenes ngayon sa mga pelikula.
Pagkatapos ay inilarawan ng former Viva Hot Babes member kung ano ang nangyayari kapag nagsu-shoot ng sex scenes sa sexy movies noong kapanahunan niya.
“Sa panahon naman namin, when we're doing it, it’s really just work talaga.
“I only did, I think, six films na sobrang sexy,” kuwento ng aktres sa programang Private Convos with Doc Rica ng OnePH, noong May 16, 2024.
Eventually, inayawan daw ni Sheree ang ganitong genre at ipinaliwanag sa kanyang management na gusto na niya itong itigil para sa kanyang anak at mag-concentrate na lamang sa music career.
Read: Viva Hot Babe Sheree reveals how she explained her work to 15-year-old son
SHEREE DESCRIBES HOW THEY SHOOT SEX SCENES
Paglalarawan ni Sheree, may precautions silang ginagawa kapag nagsu-shoot sila noon ng sex scenes.
“We all wear tape,” pagtukoy niya sa paglalagay ng plaster sa kanilang private parts para protektahan ang mga sarili.
“Both actually... we tape the guys, we tape the girls, also.”
Dinadaan na lang daw nila sa pag-arte para maging convincing ang sensitibong eksena.
“Siyempre pag umaarte ka, for you to be convincing, you have to feel like you’re really in that scene. So, siyempre, it’s part of acting.”
Inamin ng singer-actress na may mga pagkakataong nadadala ang mga kaeksenang aktor sa maseselang eksena. Kaya bago siya sumalang sa love scene ay kinakausap muna niya ang aktor na makakaeksena.
“But before ako nagsu-shoot, I always make it a point to talk to my leading [men].
“I always tell them, ‘I’m here to work. I’m not here to do mga hanky-panky things.”
Sabi ni Sheree, may mga pagkakataong nadala ang kanyang kaeksena at nagyayaya.

Tinanong si Sheree kung nasaksihan niyang magkaroon ng “erection” ang kaeksena kahit na may plaster.
“Well, may isa na nagkaroon…” pag-amin ni Sheree.
Ibinunyag din ni Sheree na may co-actor siyang nagpakita ng motibo dahil nadala matapos ang kanilang sex scenes.
“Kasi, minsan may ganon, e. Yung parang minsan, ‘Sheree, anong trip mo?’ Yung mga nagtatanong ng ganon," lahad ni Sheree.
“So parang, to set the record straight, before we film a movie, I always make it a point to talk to them.”
Sa pakikipag-usap, sinasabi raw ni Sheree na nauunawaan niya kung nadadala ang co-actor sa mainit na eksena. Pero para kay Sheree ay trabaho raw ito.
“Kinakausap ko talaga na, ‘Alam mo, we’re here. Siguro normal lang yon that sometimes we feel something, something for each other…
"'But I just want you to know na I’m here to work professionally. I don’t want you to feel like I’m flirting coz, of course, I have to connect with you.
"'I have to be comfortable with you, so I can act, and I can do this scene properly.’”
Pagpapatuloy niya, “So, kinakaibigan ko sila.
“Kasi sometimes, may mga nagtatanong, ‘Wanna hang [out]?’ May mga ganon. ‘What’re you doing later? Let’s hang [out].’
“Okay lang naman yun, pero yung parang flirting na may mangyayari...
“The company is paying us to act and to make it sure na maganda yung magiging film natin."
Sinasabi raw niya sa leading man, "We’re not here to do hanky-panky things. So, I hope you do understand what I’m talking about.
"Kinakausap ko sila.”
