Salamat sa music streaming apps ay nakilala ang singer na si Debbie Lopez.
Taong 2019 nang mapasama si Debbie sa worldwide app na Sessions Live Music Stream, kung saan kilala siya sa screen name na DjDebbz.
Ikinuwento ni Debbie kung paano nag-umpisa ang kanyang singing career nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong April 23, 2024, sa Max’s Restaurant sa may Roces Avenue, Quezon City.
“One of the scouts in Sessions Live said to me, ‘Would you like to audition a song?’
“Tapos, natanggap ako. Kasama ko doon si Jeffrey Hidalgo, MYMP is there, other artists worldwide, Boyce Avenue, mga K-pop, andun sila.”
Dagdag pa niya, “Doon ako nakilala as a singer, tapos nag-ano ako sa App Live, Starmaker, all the apps I joined doon ako nakilala.”
Read:
Katrina Halili, proud stage mom to daughter Katie
Maja Salvador now a mom to a baby girl
Bakit DjDebbz ang screen name niya?
“Kasi nag-aano ako ng home service for the disc jockey, yung sa controller talaga.”
Si Debbie ay naka-base sa Baguio, kung saan siya ay DJ sa ilang online radio stations.
“Tatlo yung radio stations ko: KISS FM Kilig 102.7, 2dayFM tapos Your Hope Radio 92.8.
“May coming ako, Galaxy 99.9 sa UK pero yung founder all Filipinos,” kuwento pa ni Debbie.
Debbie Lopez's Journey as Artist
Taong 2022 nagsimula maging disc jockey si Debbie, na nakuha sa pamamagitan ng pag-a-audition niya.
Pero mas nag-e-enjoy raw si Debbie bilang singer kaysa sa pagdi-DJ.
“Mostly ako, I do love Taylor Swift, all the millennial songs, RnB ang genre ko, I love Ice Seguerra.”
Mula noong Aiza pa lamang si Ice ay paborito na ito ni Debbie, although hindi pa siya nagkakaroon ng pagkakataon na makilala na personal si Ice.
Kung sakaling magkakaroon siya ng malaking konsiyerto ay gusto ni Debbie na si Ice ang maging special guest.
Kasama rin sa mga paborito ni Debbie si Belle Mariano at ang kanta nitong "Rise," at ang singer/songwriter na si Sam Mangubat.
DEBBIE LOPEZ'S CRUSH
Celebrity crush naman ni Debbie si JM de Guzman, na bukod sa mahusay na aktor ay magaling rin na singer.
Hindi pa rin niya nakikila si JM, pero may follower raw si Debbie na pinadalhan siya ng video greeting mula sa aktor.
Sa ngayon ay sa mga events nagtatanghal si Debbie bilang singer, at lumuluwas siya ng Maynila para mag-perform.
At dahil disc jockey at singer at the same time, pangarap ni Debbie na balang-araw ay mga kanta na niya mismo ang pinapatugtog niya sa kanyang radio program.
DEBBIE LOPEZ DROPS LATEST SINGLE
Samantala, ni-record naman ni Debbie ang kantang "Ang Higugmaon Ka" na mapapanood sa YouTube channel ni Kuya Bryan na siyang composer ng nabanggit na Cebuano na kanta.
Paglalarawan ni Debbie sa naturang kanta, “It’s a ballad song, it’s about love. For example ako may minahal akong lalaki, tapos yung lalaki may mahal na iba.
“Tapos hoping that he will realize na mahal ko siyan, ganun.”
Available sa Spotify at iba pang music platforms ang single ni Debbie.
Given a chance, nais subukan ni Debbie ang pag-aartista; si Kim Chiu ang paborito niyang aktres.
Single si Debbie at walang karelasyon sa ngayon.
READ:
Lolit Solis reflects on biggest takeaway from 1994 MMFF scam
