Sobrang excited na ang "Asia’s Pop Heartthrob" na si Darren Espanto para sa kanyang 10th anniversary concert na D10.
Gaganapin ang D10 sa Araneta Coliseum sa June 1, 2024.
Read: Darren Espanto is the youngest artist to mount major solo concert at MOA Arena
Sino na ba si Darren ngayon pagkatapos maging finalist sa first season ng The Voice Kids noong 2014?

Saad niya, "Si Darren ngayon ay mas mature siyempre.
"And also, hindi na ako yung pini-pressure yung sarili to keep up with the standards of what people want from me.
"Also, I'm just learning to live life and appreciate whatever's happening at the moment.
"And therefore, I'm very grateful for everything that's happening.
"Ten years ago, I never would've imagined that I would be on three programs at the same time from Sunday to Saturday—ASAP, Showtime, Can't Buy Me Love—you know.
"It's really something that I never would've imagined and I'm really grateful for that.
"So ayun po, for the past ten years, I've just been really happy with what's happening."
Nakakuwentuhan ng media, kabilang na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), si Darren sa kanyang ipinatawag na press conference sa The Ignacia Place, Quezon City, noong May 15, 2024.
D10 CONCERT
Sampung taon na sa industriya si DarrenEspanto.
Bilang selebrasyon sa milestone na ito ng kanyang career, naghahanda si Darren ng isang malaking konsiyerto na pinamagatang D10.
Ito'y bahagi na rin ng pagdiriwang ng singer ng kanyang ika-23 kaarawan sa darating na May 24, 2023.

Saad ni Darren, "Opo, siyempre, ako po talaga, hindi ko alam kung kailan ko isi-celebrate yung 10th anniversary ko within the year.
"Pero yung ABS-CBN, sila na yung nagsabi na, 'You know, we're gonna celebrate it. We want it to be big. We want it to be grand. It's your 10th year.'
"So, ako naman, parang, 'Ah, talaga po ba?' I really was kind of hesitant.
"I was unsure about it. But ayun nga po, parang eto na siya, e.
"You only get to celebrate your 10th anniversary once.
"So I'm glad that my team and my bosses pushed for it.
"And we're here now. We're three weeks away po talaga. Very exciting.
"Nakakakaba at the same time. But I'm glad that it's happening."
Kabilang sa special guests ni Darren sa D10 sina Gary Valenciano, Ogie Alcasid, Sarah Geronimo, Erik Santos, Lyca Gairanod, at Vice Ganda.
May kakaiba raw silang iaalay sa concert in terms of technology.
Kaunting patikim ni Darren, "Yes, of course, at first, very minimal lang siya kapag tiningnan mo sa stage.
"Pero gumagalaw pala siya na ilaw.
"So, excited ako na makita ng audience natin kasi hindi pa nga po siya nagamit sa ibang concerts here in the Philippines.
"Usually, yung mga ilaw lang na gumagalaw, yung mga nasa floors that are parang malalaki. Pero ito, parang they're strips, they're lights, ano ba tawag dun?
"Para siyang lightsaber na gumagalaw. So that's how I'll put it into words."
NEW SINGLE "HANGGANG KAILAN"
Kasabay ng 10th anniversary celebration ni Darren sa showbiz ang pag-release ng kanyang bagong single na "Hanggang Kailan."
Ang nasabing kanta ay may malalim na hugot, walang sigaw, at mature ang tema.
Kuwento ng singer-actor, "Ito pong 'Hanggang Kailan' ay isinulat ko noong 2021 pa.
"Yes po, at ito po ay parang sequel sa akin, single at the time na tama na.
"Parang, what happens after you break up with that toxic relationship.
"So, ito pong 'Hanggang Kailan,' para siyang tanong sa universe na, 'Hanggang kailan ako maghihintay para sa tamang tao? Hanggang kailan ako maghahanap?'
"So, yun po talaga siya."
Wala naman daw siyang hugot na personal dito, matapos ang napabalitang hiwalayan nila ng mga naugnay sa kanyang sina Cassy Legaspi, Kyline Alcantara, at Jayda Avanzado.
Read: Darren Espanto clarifies rumored issue with Cassy; past romances with Kyline and Jayda
Patuloy pa niya, "It's nothing personally related to me naman.
"Kasi yan ang iniisip ng ibang tao. Pero hindi naman siya ganun, e.
"Parang gusto ko lang makasulat ng isang kanta na may hugot.
"Tsaka mas chill compared to what I released before na may belt or danceable.
"Ito po talaga ay iba siya sa mga ni-release ko in terms of genre."
Sundot muli ng PEP.ph, "Hindi talaga siya personal na hugot?"
Diin ni Darren, "Hindi naman. Parang pinagsama-sama ko lahat ng mga napanood ko at saka narininig ko from other hugot songs into the song.
"Tsaka parang ano siya, e, tanong ng lahat na parang, 'Hanggang kailan ako maghihintay?'"
Natanong na rin ba niya sarili ng ganun?
Sagot niya, "Hindi pa naman po.
"Hindi naman siya isa sa mga priority ngayon.
"Pero yun. Hindi pa naman."
THOUGHTS ON LONGEVITY
Naitanong din kay Darren kung ano ang basehan niya ng longevity ng isang singer o artista sa industriya.
Saad niya, "Longevity po ngayon, parang mas naging mahirap, kasi ang dali nang sumikat din po ngayon.
"There's a lot of talents online that is very visible because of the different streaming platforms.
"Andami na pong ways to showcase your talents sa TikTok, sa Instagram, sa Twitter, Facebook.
"Andami na pong ways to access your content, e.
"So for you to be able to sustain that in the future, yung longevity po talaga.
"Like what I said during the mediacon, it all goes down to your capability, kung paano mo tratuhin yung mga katrabaho mo, kung paano ka as a person, yung attitude mo towards your work, and also in terms of your personal life.
"And also your outlook sa personal life mo.
"If you're gonna be negative about everything, wala talagang mangyayari.
"But as long as you stay positive, as long as you have that positive outlook, parang mas madaling marating yung mga goals mo in life, at mas madaling maa-achieve."
Mabibili ang tickets para sa D10 concert sa Ticketnet outlets at ticketnet.com.ph sa halagang P8,004 (Platinum), P6,404 (VIP), P4,269 (Patron A), P2,668 (Patron B), P2,135 (Lower Box), P1,068 (Upper Box), at P427 (General Admission).
