Positibo pa rin ang pananaw ni Andrea Brillantes sa kabila ng katakut-takot na pamba-bash na tinatanggap nito mula sa maraming netizens.

READ: Andrea Brillantes: "May mga opinyon na wala namang ambag sa buhay."
READ: Andrea Brillantes brushes off bashers: "Sanay na ako. Hindi ko na lang sila pinapansin."
READ: Andrea Brillantes grilled if she still cries over her ex: “Natatawa lang po.”
READ: Andrea Brillantes unfazed despite intrigues, says Senior High director
Kahit na naparatangang third party, mang-aagaw ng boyfriend, at kung ano-ano pang masasakit na mga salita — mula sa breakup nila ng ex-boyfriend na si Ricci R ivero hanggang sa hiwalayang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla — hindi nagpapaapekto si Andrea.
Sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng seryeng High Street, na ginanap sa Director's Club Cinema 2 ng SM Aura noong May 6, 2024, sinabi nitong nahanap na niya ang paraan para kumalma sa gitna ng matinding bashing.
Ito ay ang pag-detach daw niya sa social media.
"Hindi kasi ako nagpapakain sa socmed. I'm very grounded naman sa real world.
“I know it's easier said than done, pero sa social media kasi, you can easily just turn off your phone and just read a book, meet your friends.
“Like being connected with nature, doing something sa house, meeting and talking to friends hindi lang through calls.
“There are so many ways para makita kung gaano kaganda yung mundo na binigay sa atin, mundong ginawang ito. I think kapag natutunan mo lang ma-appreciate yung life itself."
ANDREA: "LIFE IS SO MUCH MORE THAN SOCIAL MEDIA"
Rebelasyon sa kanya: “That life is so much more than social media and phonebooks and comments, people na hindi mo naman kilala na nagko-comment sa life mo. Kailangan lang hindi ka into it masyado.
"Alam ko masakit siya, and it's easier said than done, pero kailangan mo lang talaga na wag magpaapekto and appreciate mo ang life mo."
READ: Andrea Brillantes, nakipag-break kay Ricci Rivero dahil sa selos
READ: Ricci Rivero confirms breakup with Andrea Brillantes amid cheating allegations
READ: Andrea Brillantes reveals "really tiring" fitness routine
ANDREA THANKFUL FOR STEADY STREAM OF ABS-CBN PROJECTS
Isa sa malaking nakatulong din kay Andrea ay ang sunud-sunod na mga proyektong pinagkakaloob sa kanya ng ABS CBN.
Pagkatapos ng tagumpay ng Senior High, pinagkatiwala muli sa kanya ang sequel nito, ang High Street, na isa ring mysterious drama TV series na mapapanood na sa darating na May 13, sa ilalim ng direksyon nila Direk Onat Diaz at Lino Cayetano.
"Sobrang thankful ako, pero I must admit sobrang pressure ako, kasi grabe ang pressure kapag Part 2.
“Lagi kasing may expectations ang mga tao na it should be better or it should be as good as the first season.
“I'm very grateful na sobra kasing gusto ng mga tao si Skye, na humingi sila ng Part 2, pero nakaka-pressure.
"Actually, nung pinitch sa akin itong High Street, nagulat din ako pero di naman super, kasi nag-expect din ako, di ko lang inexpect na ganito kabilis.
“Bago naman natapos yung Senior High sa party namin, nag-announce na si Ms. Cory, si Mama Cory [Vidanes] na mayroon daw Part 2.
“Medyo alam ko na mauuna ito, di ko lang inexpect na after four months agad, magsyu-shoot kami."
ANDREA BEING TAPPED FOR DYESEBEL REboot?
Matunog din ang balitang gagawin ang remake ng Dysebel at ang napipisil ng ABS na gumawa nito ay si Andrea. Para sa aktres, napakalaking karangalan kung ipagkakatiwala sa kanya ang iconic role.
"Actually, wala pa akong masabi about that, but actually I auditioned for Dysebel sa kabilang channel pa when I was four years old yata.
“Yeah, I'm a big fan, lagi akong nagpri-free dive, so kung mabibigyan ako ng chance talaga, I would be so honored."
Lalo tuloy lumakas ang espekulasyon na mukhang kay Andrea nga mapupunta ang role dahil sa ngayon ay nag-aaral ito ng diving na kakailanganin sa mga eksena.
Ngunit ayon kay Andrea: "I'm just doing it for fun, sumama lang ako sa Mama ko and nae-enjoy ko lang siya. I’m also working on official certification ng pagpi-free dive."
READ: Andrea Brillantes refuses to comment on Kathryn Bernardo-Daniel Padilla breakup
READ: Andrea Brillantes kinuyog ng bashers matapos makumpirma ang KathNiel breakup
READ: Andrea Brillantes on her wishes in 2024: “Basta growth lang, healing.”
