PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dingdong Dantes to celebrate Mother's Day Family Feud style

On wife Marian Rivera as a mom: "Hanga ako sa kanya."
by Rose Garcia
Published May 11, 2024
Dingdong Dantes with wife Marian Rivera and their children Zia and Sixto
Dingdong Dantes showers praise on wife Marian Rivera for her exceptional parenting skills in raising their children, Zia and Sixto.
PHOTO/S: @dongdantes on Instagram

Paano ipagdiriwang ni Dingdong Dantes ang Mother's Day sa Linggo, May 12, 2024?

Kadalasan, kasama sa celebration nila ang ina nga aktor na si Angeline Gonzalez Dantes at ang dalawa pang babae na importante sa buhay ng wife niyang si Marian Rivera—sina Lola Iska at Mommy Amalia.

Mukhang ganoon pa rin ang mangyayari sa taong ito.

“Gusto naming makasama ang mga importang mothers sa buhay namin,” sabi ni Dingdong sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nung May 9, ang araw ng kanyang contract-signing with GMA-7.

Read: Dingdong Dantes denies love child with Lindsay de Vera

Dagdag pa ng Kapuso host, "Sa Sunday, magkakaroon ng konting pagtitipon. Kuwentuhan, chismisan, tapos, maglalaro kami ng Family Feud siguro. Meron kaming box sa bahay.”

DINGDONG DANTES ON WIFE MARIAN RIVERA

Bilang ina ng dalawang anak nila na sina Zia at Sixto, kumusta nga ba ang isang Marian Rivera?

“Ay naku, siyempre, hanga ako sa kanya. Hindi ko made-describe kasi, hindi ko naman siya mako-compare sa iba dahil iba rin naman ang na-experience ko with my own mother, iba yung sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So I see her dedication at hanga ako sa kanya, bilib ako sa kanya.

"Lahat ay gagawin ko para suportahan ang kanyang pagiging nanay. I’m here to support her and provide everything she needs in order to fulfill her role as a mother.”

dingdong dantes and wife marian rivera

Sa bagong kontrata niya sa GMA, posible kayang magtambal silang muli ni Marian sa isang teleserye?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa pelikula kasi, nagawa na nila sa box-office hit na Rewind, ang highly-successful pairing nila 13 years after naipalabas ang You To Me Are Everything (2010).

Sagot ni Dingdong, "Sana, sana… palagi ko ngang sinasabi noong ginagawa namin ang movie na, ‘Naku, na-miss kong katrabaho ang asawa ko. Tapos, ilang buwan pa lang pagkatapos, na-miss ko na naman siyang katrabaho.

"Although kasama ko siya sa Bonggang Villa [GMA-7 sitcom], katatapos lang namin.

"Although, pagdating sa isang teleserye, we’ll see. Kung maging posible, bakit hindi?”

Ngayong awards season, hindi nawawala ang pangalan nilang mag-asawa sa mga nominado dahil sa husay ng kanilang pagganap.

Pero, nangingibabaw ang pagbibigay parangal sa kanila dahil sa ngayon, sila ang may hawak ng pagiging Box Office King & Queen of All Time.

Read: Rewind ng DongYan highest-grossing Filipino film of all time

Ano nga ba ang pakiramdam na sa loob ng halos tatlong dekada niya sa showbiz, napaka-relevant at remarkable pa rin ng pangalan niya?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Isang bagay ito na hindi madaling nagagawa o naaabot ng kahit sinong artista.

“Oo e, pero siyempre, dahil lahat naman, we put it into hard work, lahat ng ginagawa natin. Hindi lang naman kami, lahat ng mga artists naman. Minsan naman, hindi mo lang din mape-predict kung ano ang jackpot, ano ang okay, ano ang hindi.

“I mean, naranasan ko na kasi na mapunta sa opposite side. Sa pagiging hindi sobrang okay sa takilya. Nandoon ako sa naging okay.

"So ang constant lang naman doon, hindi tayo dapat mapagod na gumawa ng magandang pelikula dahil yun ang deserve ng ating mga manonood.

“Now, with regards to recognition, para sa amin, we’re grateful na may ganoon. Para sa amin, napakalaking bonus ito na may ganitong pagkilala. Kasi talagang sine-celebrate namin siya, and thank you for celebrating with us.

“But yun nga, sana ay maging indicator siya na mas marami lang talagang manood ng ating mga pelikula, kahit hindi film festival.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"And I’m also grateful na kasama ko ang asawa ko kapag tatangapin ko ang mga ito.

“You know kasi, puwedeng mangyari ito separately, sa ibang panahon sa kanya, sa akin. Pero, ipinagkaloob sa amin na sabay kami. Isang malaking biyaya na hinding-hindi namin babalewalain.”

Read:

Dina Bonnevie on forgiving Coney Reyes, Vic Sotto

Lindsay Custodio, traumatized bride on wedding day

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dingdong Dantes showers praise on wife Marian Rivera for her exceptional parenting skills in raising their children, Zia and Sixto.
PHOTO/S: @dongdantes on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results