PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bea Alonzo vs. Cristy Fermin: A Timeline

A detailed look at Cristy Fermin's reportage on Bea Alonzo.
Text: Mark Angelo Ching Text: Rachelle Siazon
Published May 13, 2024
Bea Alonzo vs. Cristy Fermin cyber-libel complaint
As Cristy Fermin (right) faces cyberlibel complaint filed by Bea Alonzo (left), PEP.ph provides a detailed look at Cristy's reportage of issues about Bea from January 29 to May 6, 2024. It was on May 2 that Bea officially lodged a complaint before the Quezon City Prosecutor's Office.
PHOTO/S: @beaalonzo Instagram / Screengrab from SNN

Dinaan ng A-list actress na si Bea Alonzo sa isang legal battle ang pag-alma sa aniya'y paninirang-puri sa kanya ng showbiz columnist at vlogger na si Cristy Fermin.

May 2, 2024 nang magtungo si Bea sa Quezon City Prosecutor's Office para magsampa ng cyber-libel complaint laban kay Cristy.

Read: Bea Alonzo sues Cristy Fermin, Ogie Diaz for cyber libel

Dawit sa complaint sina Rommel Villamor at Wendell Alvarez, ang co-hosts ni Cristy sa online show nitong Showbiz Now Na (SNN) na makikita sa YouTube.

Mayroon itong mahigit 644 videos at mahigit 438,000 followers habang isinusulat ang artikulong ito.

Simple ang format ng mga video. Nakaupo si Cristy at ang co-hosts sa harap ng camera habang pinag-uusapan ang ilang mainit na topics sa showbiz.

May 67 video uploads ang SNN channel ngayong 2024.

Sa 65 videos, 16 ang kasama si Bea sa main topics ng tsikahan.

Sa report na ito, isusuma ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang nilalaman ng episodes ng show ni Cristy na tinalakay si Bea para sa taong 2024.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasama rito ang sagot ni Cristy sa demanda ni Bea.

Read: Cristy Fermin reacts to Bea Alonzo's cyber-libel complaint

Bea Alonzo files cyber libel complaint versus Cristy Fermin, Ogie Diaz

Si Bea Alonzo habang sinusumpaan ang affidavit na isinumite niya kaugnay ng reklamong cyber libel niya laban kay Cristy Fermin.

CRISTY FERMIN ON BEA ALONZO ISSUES

JANUARY 29, 2024

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang unang episode tungkol kay Bea ngayong taon ay in-upload noong January 29.

Ang headline ng episode ay "

Naglatag lamang si Cristy at ang co-hosts ng mga inaabangang update tungkol sa nalalapit na kasal nina Bea at noo'y fiancé nitong si Dominic Roque.

Itinatanong nila kung saan gagawin ang kasal—sa Italy ba o sa Spain.

Napag-usapan ding baka mahal ang magpakasal abroad kaya’t sa farm na lang ni Bea sa Zambales kaya ganapin ang okasyon.

Read: Bea Alonzo-Dominic Roque love story: From friends to lovers


FEBRUARY 4, 2024

Four days later, o noong February 4, may bagong upload na video sina Cristy tungkol kay Bea. May titulo itong "

Ibinalita rito ang tungkol sa usap-usapang hiwalay na sina Bea at Dominic.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Tinalakay nila ang magkasalungat na reaksiyon nina Bea at Dominic nang tanungin tungkol sa kanilang wedding preparations.

Ibinigay ni Dominic ang ilang pangalang imbitado sa kanilang kasal, habang si Bea ay nagsabing hindi pa nila nasisimulan ang preparasyon.

Dito umugong ang espekulasyong nagkaka-wedding jitters ang couple.

"Hiniling" ni Cristy at ng co-hosts na sana ay hindi matuloy sa hiwalayan kung anuman ang problema ng couple.

Bea Alonzo confirms breakup with Dominic Roque

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dominic and Bea in one of their trips abroad

FEBRUARY 7, 2024

Noong February 7 ay may mainit na balita si Cristy. Ang headline ng episode ay "

Sa rebelasyon ni Cristy, may sources daw siyang nagsabi na may nalaman si Bea tungkol kay Dominic kaya’t pinaiimbestigahan daw ng aktres ngayon ang kasintahan.

Ang gusto raw malaman ni Bea ay kung ano ang trabaho ni Dominic. Wala raw kasing makapagsabi kung ano ang eksaktong pinagkakakitaan nito.

Base sa Instagram bio ni Dominic, pag-aari niya ang Blackpeak Hypermedia, isang boutique creative agency na may serbisyo para sa production at digital marketing solutions.

Sa show ni Cristy, binanggit na nakatira si Dominic sa isang mamahaling condo unit na hindi raw basta maa-afford ng kahit sinong artista.

Sabay bunyag ni Cristy, base raw sa kanyang sources, ang condo unit na tinutuluyan ni Dominic ay pagmamay-ari ng isang "kontrobersiyal" na lalaking pulitiko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ngayon, kapag tinrace natin kung bakit nakapangalan doon sa pulitiko yung unit at bakit siya ang boss ni Dominic...," sabi nito.

Sabay nag-iwan ng palaisipan, "Kayo na po ang bahalang humusga kung ano ang nababalitaan ninyo tungkol dun sa pulitiko at sa kanyang mga kaibigan."

Tinalakay rin ni Cristy sa show ang usap-usapan daw sa social media na ang prenuptial agreement ang itinuturong dahilan kung bakit on the rocks na ang relasyong Bea at Dominic.

Dito binanggit ni Cristy na, sa opinyon daw ng netizens, "ginagamit" ni Dominic si Bea.

Baka raw "nauntog" na si Bea "dahil bulsa lang niya ang masasaktan."

Read: CONFIRMED: Bea Alonzo and Dominic Roque break up; call off engagement

dominic roque

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

FEBRUARY 10, 2024

Makalipas ang tatlong araw, February 10, inilabas naman sa online show ni Cristy ang episode na may titulong "LUMAMBOT KAYA SI KATH KAY DANIEL? DESIGNER PAUL CABRAL, DAMAY SA BEA-DOM ISSUE!

Pinasok dito ni Cristy ang usap-usapan daw sa social media na may "benefactor" si Dominic.

Ang tsismis nga raw: Si Dominic ay "manggagamit" at "nagtitinda ng karneng hilaw."

Ipinaliwanag pa ni Cristy na ang "nagtitinda ng karneng hilaw" ay may kinalaman sa mga "indecent proposal" at sa "pagpatol sa mga lalaki" ng kapwa lalaki.

May pasakalye si Cristy: "Wala po kaming eksaktong masasabing impormasyon tungkol doon na siya ay mayroong benefactor."

Ganunpaman, pinasok pa rin ng vlogger/host sa kanyang show ang aniya'y usap-usapang "nabuking daw ni Bea Alonzo na mayroon daw benefactor si Dominic."

Sinabi rin ni Cristy na may netizens na nagtatanong kung sino ang tumulong kay Dominic na makabili ng engagement ring na ibinigay nito kay Bea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isa raw sa mga pangalang nadadawit ay ang fashion designer na si Paul Cabral.

Pagpapatuloy ni Cristy, hindi pa raw artista si Dominic nang magtrabaho ito bilang "bus boy" sa shop ni Paul sa Quezon City.

“Pero hindi nangangahulugan na magkarelasyon si Paul Cabral at si Dominic Roque,” pahabol ng host.

Pahabol din nito, boss-employee ang ugnayan ng dalawa.

Kasabay nito ay tinalakay naman ni Cristy at ng kanyang co-hosts ang anila'y usap-usapan din sa social media tungkol sa sexual orientation nina Dominic at Bea.

Sinabi ni Cristy na matagal nang lumutang ang isyung "tibo" si Bea.

Matapos ibagsak ito, sabay sabi niyang a
yaw niyang halukayin pa ang isyu.

Sabay salo pa nito, "Babaeng-babae siya sa pananaw ko."

Kay Dominic naman, sinabi ni Cristy na tingin niya'y pino lamang kumilos ito.

"Lalo na kung marespeto at edukado, ay effeminate. Pero hindi nangangahulugan na beki," salo ulit ni Cristy.

Ngunit ito'y matapos niyang ilatag ang tsismis tungkol kina Dom at Paul Cabral.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Why did Bea Alonzo and Dominic Roque call off their engagement?


FEBRUARY 12, 2024

Hanggang sa nagbigay ng clue si Cristy tungkol sa may-ari ng condo unit na tinitirahan ni Dominic.

Base ito sa February 12 episode ng online show. Ang titulo ng episode ay "MGA KUWENTO NG PULITIKO, ALAM NI BEA! SINO SA KANILA ANG MAY-ARI NG CONDO UNIT NI DOMINIC?"

Sinabi ni Cristy na "boss" at "pinagtatrabahuhan" ni Dominic ang di pinangalanang pulitiko. Kontrobersiyal din daw ang pulitikong ito.

Wala raw sa Senado o Kongreso ang pulitiko, kundi may puwesto sa sangay ng "ehekutibo" ng gobyerno.

Aminado si Cristy na may mga pulitikong nadawit sa isyu mula nang ilabas niya ang impormasyon tungkol sa condo unit ni Dominic noong February 7.

Pinangalanan ni Cristy ang limang lumutang na mga pangalan ng pulitiko. Sabay sabi na wala raw sa mga ito ang tinutukoy niya.

Tapos nito'y ipinasa ni Cristy kay Dominic ang problema. Ituwid daw nito ang isyu dahil sigurado raw si Cristy sa kanyang impormasyong isang "kontrobersiyal na pulitiko" ang may-ari ng "mamahaling condo unit" ni Dominic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

dominic roque okay

FEBRUARY 14, 2024

May pasaring kay Bea ang titulo ng sumunod na episode ng online show ni Cristy.

February 14, Valentine's Day, nang ilabas ang episode na may titulong "

Pinag-usapan ni Cristy at ng kanyang co-hosts ang cryptic posts ni Dominic sa social media noon, kasabay ng cryptic post ng kapatid ni Dominic at handler ni Bea na si Nina Ferrer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tingin daw ng netizens, may kaugnayan iyon sa hiwalayan nina Bea at Dominic.

Tinalakay rin uli ni Cristy at ng co-hosts ang alegasyon ng "booking" na inuugnay kay Dominic na kalat na umano sa social media.

Ani Cristy, "Kung totoo man po na ito ang linya ni Dominic, noon pa dapat ang laki-laki ng pera niya ngayon, daang milyon na dapat, kung totoo."

Sa puntong ito ay may pabitin si Cristy tungkol sa aniya'y usap-usapan ng netizens sa kung sino kina Dominic at Bea ang gumagastos noong magkarelasyon ang mga ito.

"Bakit sinasabi na si Bea lang ang sinasabing gumagastos pag pumupunta sa ibang bansa, si Dominic hindi? Hindi naman natin alam kasi hindi naman natin sila kasama."


FEBRUARY 16, 2024

Kung ang mga intriga kay Dominic ay nakasentro ang mga nakaraang episodes, si Bea naman ang pinuruhan sa mga sumunod na episodes ng online show.

February 16 nang ilabas ni Cristy ang episode na may headline na "BEA, NAGHUGAS-KAMAY, BINA-BASH! AKTOR, MAY BINTI NG SANGGOL SA PAGITAN NG MGA HITA!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinuna rito ni Cristy ang joint statement nina Bea at Dominic tungkol sa kanilang hiwalayan.

Sabi sa bahagi ng statement nina Bea at Dominic: "Unfortunately, some even confirmed our breakup without our consent, and some created ridiculous stories that had no basis and were utterly false, so we felt the need to share this announcement with great sadness, for our peace of mind and our families."

Read: Bea Alonzo, Dominic Roque mutually end their engagement

Hindi gusto ni Cristy ang pasaring ng ex-couple na inunahan pa raw ang mga ito ng iba, partikular na ng media, sa pagkumpirma tungkol sa kanilang hiwalayan.

Idiniin ni Cristy na public figures sina Bea at Dominic, kaya hindi raw maiaalis na maibalita ang nangyayari sa buhay nila.

Idiniin din ni Cristy na sa kampo mismo nina Bea at Dominic galing ang cryptic posts, na ayon pa rin kay Cristy at sa kanyang co-hosts, ay nakadagdag sa espekulasyon tungkol sa breakup ng couple.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kung nagsalita raw agad sina Bea at Dominic ay hindi na raw sana lumaki ang isyu.

Sabay pinasok ni Cristy ang mga aniya'y kumakalat na negatibong komento sa social media laban kay Bea.

"Ano ang tawag sa kanya ngayon? 'Lola Bea, Tiyang Bea, Auntie Bea.' May nagsasabi pa na, 'Uy, hindi ka na bata para ganyan ang astahin mo. Hindi ka na spring chicken,' may mga ganon. 'Puwede bang ibaba mo naman ang standards mo?'

"Parang ang lumabas na kawawa ngayon, si Dominic.

"'Kaya naman pala hindi nakatiis sa yo ang mga dati mong karelasyon. Ikaw pala itong manipulative.'"

Nagkomento si Cristy na nakalimutan ng publiko ang isyu sa condo unit ni Dominic, at biglang nasentro kay Bea.

"Sa kanya pala dapat yung pa-victim. Sad girl," sabay hirit ni Cristy.

Wala raw ibang puwedeng sisihin kundi si Bea mismo.

"Nabaliktad na ang mundo ni Bea Alonzo. At siya rin ang gumawa ng dahilan kung bakit," ani Cristy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabay hirit niya, kausap ang co-hosts, "Ano ang kanta na ibibigay mo kay Lola, ahhh, kay Bea?"

bea alonzo dominic engagement

Dominic Roque proposes to Bea Alonzo on July 21, 2023

FEBRUARY 18, 2024

Sa sumunod na episode ng online show, naungkat naman ang past relationships ni Bea.

February 18 nang ilabas ang episode na may titulong "

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tinalakay ni Cristy at ng kanyang co-hosts ang anila'y usap-usapan ng insiders na "vindicated" ang ex-boyfriends ni Bea dahil "may dahilan" daw kung bakit "hindi natatagalan" ang aktres ng mga naging karelasyon.

Ayon kay Cristy, hindi raw totoo ang sinasabing "ghosting" ni Gerald kay Bea nang maghiwalay ang mga ito noong 2019.

Kung naugnay man daw noon si Gerald sa leading lady nito sa pelikula na si Julia Barretto, noong panahong iyon ay nagkikita na rin daw sina Bea at Dominic.

Base raw ito sa sariling pagsusuri nina Cristy at ang kanyang co-hosts sa timeline ng pag-date nina Bea at Dominic.

Binanggit ni Cristy ang isang panayam kay Dominic kunsaan sinabi raw nitong "2019" ay nagde-date na sila ni Bea bilang magkaibigan.

Ipinakita sa video ng show ang litrato nina Bea at Dominic kasama sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos na kuha sa Japan.

bea alonzo dominic roque gabbi garcia khalil ramos japan

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bea and Dominic with Khalil Ramos and Gabbi Garcia

Kung pareho raw "may pinagkakaabalahang iba" sina Bea at Gerald noong 2019, "di pareho silang nang-ghosting!"

Ang hindi nilinaw ni Cristy ay ang petsa ng litratong iyon ay November 2019.

Ang pagbubulgar ni Bea ng hiwalayan nila ni Gerald nang walang paalam ay July 2019.


FEBRUARY 20, 2024

February 20 nang basagin ni Dominic ang pananahimik sa mga isyung binabato sa kanya.

Kinondena ni Dominic ang aniya'y mga mapanirang tirada ni Cristy sa kanya.

Base ito sa isang official statement ng kanyang abugado, na nasa Fernandez & Singson law office, na inulat ng GMA News Online.

Sabi rin dito, ang nagmamay-ari ng condo unit ni Dominic ay si Dapitan City Mayor Bullet Jalosjos.

Pero mariing itinanggi ng abugado ni Dominic ang akusasyong "benefactor" ng aktor si Jalosjos.

Read: Dominic Roque's camp condemns "malicious and defamatory public statements" of Cristy Fermin


FEBRUARY 21, 2024

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

February 21 nang kumpirmahin ni Bullet Jalosjos na siya ang nagpaparenta ng tinitirahang condo unit ni Dominic.

Ipinaliwanag ni Jalosjos na matagal na niyang kaibigan si Dominic, at malisyoso ang espekulasyong iugnay sila sa isa't isa.

Nagpahiwatig din si Jalosjos na dapat managot ang mga nagpapakilalang batikang journalist, pero ni hindi raw nagbeberipika ng impormasyong kinakalap.

Nagsabi si Jalosjos na siya ang may-ari ng condo at pinaparentahan niya ito sa actor, na kaibigan niya for 10 years na.

Depensa ni Cristy, hindi raw niya siniraan si Jalosjos sa kanyang online show.

Sa kanyang radio show noong February 21, sinabi niyang hindi niya pinangalanan si Jalosjos at hindi rin daw niya ito tinawag na benefactor.

"Nasaan po ang malisya? Nasaan po ang paninirang-puri sa ganyang kalagayan? Wala po akong nakikita."

Hindi nga pinangalanan, pero ilang araw bago nito ay nagpasabog na si Cristy na ang nagmamay-ari ng condo ay isang "kontrobersiyal" na pulitiko at usap-usapang "benefactor" ni Dominic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Cristy Fermin denies calling politicians Bullet Jalosjos and Bong Suntay "benefactors" of Dominic Roque

bullet jalosjos

Bullet Jalosjos

FEBRUARY 24, 2024

Noong February 24, sina Bea at Dominic pa rin ang main topic nina Cristy.

Ang titulo ng episode ay "

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinag-usapan ni Cristy at ng kanyang co-hosts ang balitang tila inaayos nina Bea at Dominic ang kanilang relasyon.

Ayon daw sa source ni Cristy, nakarating sa ina ni Bea na nagkakausap pa rin sina Bea at Dominic sa kabila ng hiwalayan.

Ang payo raw ng ina ni Bea, na si Mary Anne Ranollo, mag-isip nang mabuti si Bea bago magdesisyon.


MARCH 9, 2024

March 9 nang lumabas sa online show ang episode na "

Tinalakay nila rito ang usap-usapan sa social media na nagkabalikan umano sina Bea at Dominic.

Mukhang hindi natuwa sina Cristy sa development na ito.

Komento ni Cristy, tingin niya'y "pinaglaruan" lamang nina Bea at Dominic ang publiko. Na "in-enjoy" lang daw ng mga ito ang pag-uusapan sila.

Binanggit din ni Cristy na hindi niya nagustuhan na "nagturo" pa raw sina Bea at Dominic ng sisisihin at pagkatapos ay "biglang walang kibo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

cristy fermin

Cristy Fermin

CRISTY FERMIN ON ALLEGATIONS of BEA'S DRIVER

MARCH 15, 2024

Hindi lang tungkol sa buhay pag-ibig ni Bea nagkomento si Cristy. May iba pa siyang mga isyung pinalutang.

Isa na rito ang diumano'y kawalan ng malasakit ni Bea sa kanyang mga kasambahay.

Inihayag ito ni Cristy sa March 15 episode ng online show na may pamagat na "BEA, NABUKING NG MOMMY, PINAGALITAN! CHARICE, AYAW NANG MARINIG NI JAKE ZYRUS!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Cristy, pinalayas daw sa bahay ni Bea ang ilang kasambahay, kabilang ang driver ni Bea.

Nakausap daw ni Cristy ang girlfriend ng driver. Ito raw ang source ng kanyang impormasyon.

Kuwento raw ng source, ipinababayad ni Bea sa driver ang mga gasgas at sira sa sasakyan kapag naaaksidente ito sa pagmamaneho.

Sundot pa ni Cristy, “Ang tanong ko, bakit, wala bang insurance ang kanyang sasakyan?”

Inireklamo rin daw ng source na wala umanong overtime at night differential pay ang driver ni Bea.

Nakisimpatiya si Cristy sa sitwasyon ng driver. “Ipagda-drive ni [driver] si Bea papuntang Iba, Zambales, sa kanyang farm.

"Tapos sa taping and shooting puma-pack up sila umaga na halos. So, wala pang tulog may lakad na naman…

"Pero bakit hindi mo binibigyan ng overtime? Bakit wala man lang night differential?"

Kuwento pa rin daw ng source kay Cristy, may benefits naman daw ang mga kasambahay ni Bea, tulad ng SSS at Philhealth.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero reklamo ulit ng source, hindi raw pinapayagang umalis ng bahay ang mga kasambahay para lakarin ang requirements sa kanilang mga benepisyo.

Tanong ni Cristy para kay Bea sa vlog: "Bakit wala ba siyang liaison officer? May sekretarya naman siya, may P.A. naman siya, dapat sila ang lumalakad."

Base raw sa paglalahad ng source ni Cristy, may "four to five" months lang nagtrabaho ang driver kay Bea.

Naroon pa raw ang driver nang maghanda ng Valentine's surprise ang mga kasambahay ni Bea. Pero kalaunan ay hindi na raw pinabalik ang driver sa trabaho.

Suspetsa ng source, ayon pa rin kay Cristy, pinagbintangan umano ni Bea ang driver na nagsusumbong sa ina ng aktres.

Nakarating umano sa ina ni Bea na may dalawang okasyong natulog si Dominic sa bahay ng aktres noong panahong napabalitang break na ang couple.

Katuwiran ng source ni Cristy, hindi naman daw ang driver ang nagsumbong sa ina ni Bea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sundot ni Cristy, "Hindi naman natin sinasabi na, 'Si Bea Alonzo ganito, ganyan.' Wala tayong kamalay-malay ganyan pala yan. Ang layo sa hitsura!"

Read: Julia Barretto on reconciliation with Bea Alonzo

Bea Alonzo

Bea Alonzo with her household staff

MORE ISSUES ABOUT BEA ALONZO'S LOVE LIFE

MARCH 23, 2024

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tinalakay rito ang pagkrus ng landas nina Bea at Julia Barretto na nagbesohan, nag-usap, at nagtawanan sa isang event.

Si Bea ay ex-girlfriend ni Gerald Anderson, at si Julia ang current girlfriend ng aktor.

Inulit dito ni Cristy na "walang ghosting" daw sa hiwalayang Bea at Gerald noong 2019.

Nang maugnay raw kasi si Gerald kay Julia noon, sina Bea at Dominic ay may ugnayan na rin daw noon.

Sabay hirit ng isang co-host ni Cristy, lumalabas na "sinungaling" si Bea sa akusasyon nito noon kay Gerald na ghinosting siya ng aktor.

Pagkatapos ay hiniritan naman ni Cristy ang isa pang co-host niya na "pangaralan" nito si Bea.

Masyado raw "talkative" si Bea kaya sa huli ay ito rin ang naiipit sa mga binitawang salita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


MARCH 29, 2024

Patuloy ang pagsubaybay ni Cristy at ng kanyang co-hosts sa love life ni Bea.

Iyon ulit ang pinag-usapan sa episode ng March 29, na may titulong "BEA AT DOM, PALIHIM ANG BALIKAN? KRIS, MAY PERA, PERO NAGDURUSA"

Pinag-usapan dito ang balitang nagkabalikan umano sina Bea at Dominic. Ang problema ay tutol daw ang ina ni Bea.

Nagbitiw ng opinyon si Cristy rito: "Masakit kasi sa tenga yung huling biyahe na ni Bea ito... Na para bang kailangan na lang niyang tanggapin si Bea dahil treinta'y sais anyos na siya.

"Hindi maganda yun. Hindi mo kailangan ng isang tao para lamang mapasubalian yung edad mo."

Hindi raw maganda ang dating na pagkatapos ng mga kontrobersiyang nakapalibot sa hiwalayan nina Bea at Dominic ay magbabalikan ang mga ito nang basta na lang.

"Tanggapin natin ang katotohanan na si Bea talaga ay naging nega," pagtutuldok ni Cristy.

Sabay kinuwestiyon nito kung nasaan ang manager ni Bea na si Shirley Kuan at paano raw niya inaayos ang sitwasyon ng aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

bea alonzo dominic roque gma ball

Dominic and Bea at GMA Ball 2023

APRIL 18, 2024

Sa episode ng online show noong April 18, inihayag ni Cristy na diskumpiyado siya kay Bea.

May pamagat itong "BEA ALONZO, MAY BAGONG DRAMA!? KATHRYN AT ALDEN, LANTARAN NA!? TV HOST, INSECURE, MARAMOT!"

Tinalakay ni Cristy at ng kanyang co-hosts ang pagbura ni Bea ng mga litrato nila ni Dominic. Sinimulan ni Cristy sa pagsabing binansagan daw si Bea ng netizens na "Reyna ng Eklatera."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Cristy man ay tinawag na "eklatera" si Bea. Hindi raw siya naniniwalang binura ni Bea ang mga litrato ni Dominic, kundi tinago lamang ang mga ito.

Tingin ni Cristy ay ginawa iyon ni Bea para patunayan sa ina na hindi na sila ni Dominic. "Pinagagalitan" daw kasi si Bea ng ina.

Kaugnay ito ng balitang hindi na makikita sa Instagram account ni Bea ang mga litrato nila ng ex-fiancé.

Inulit ni Cristy sa ere ang impormasyong galing daw sa kanyang sources, na sa kabila ng pinaniniwalaang hiwalayan nina Bea at Dominic, "natutulog" pa rin daw si Dominic sa condo unit ni Bea.

Binanggit din ni Cristy ang isyu kay Dominic na nababasansagang "user" dahil sa pagpapakita nito sa netizens na si Bea pa rin ang wallpaper sa cellphone ng binata.

Sabay sundot ni Cristy na "bumagsak ang premium" at "na-nega" si Bea dahil sa kontrobersiya nila ni Dominic.

Pakiramdam ni Cristy at ng kanyang co-hosts ay "pinaglaruan" ng couple ang media dahil hinayaan daw ng mga itong maniwala ang tao na hiwalay sila, iyon pala ay "sila pa rin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi raw consistent ang couple. Matapos daw maglabas ng joint statement na gusto ng "privacy" ng mga ito, ang mga ito rin ang gumagawa ng aksiyon para "mapag-usapan," tulad daw ng pagbura ni Bea sa mga litrato nila ni Dominic.


APRIL 28, 2024

Naglabas ng panibagong update si Cristy tungkol kay Bea sa April 28 episode ng online show. Ang titulo ng episode: "

Napag-alaman daw ni Cristy sa source nito na "tuluyang hiniwalayan" na ni Bea si Dominic.

Kuwento raw ng source, ang ina mismo ni Bea ang nagkumpirma nito. Kaibigan daw ng source ang ina ni Bea.

Lubos daw ang saya ng ina ni Bea dahil tutol umano itong pakasalan ni Bea si Dominic dahil sa mga hindi magandang isyung nakakarating dito.

"Masaya ako. Hiniwalayan na talaga ng anak ko," sabi raw ng ina ni Bea sa source.

Gusto raw ng ina ni Bea na makakasundo nito ang mapapangasawa ng anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kumabig si Cristy sa opinyon niya tungkol sa pagbura ni Bea ng mga litrato ni Dominic sa Instagram.

Ani Cristy, senyales na raw pala talaga iyon na hiwalay na ang couple.

Pero nanindigan si Cristy sa opinyon niyang "bumaba ang premium" ni Bea dahil sa isyu.

"Tanggapin po natin, bumaba po talaga ang kanyang premium.

"Iba po talagang magtampo ang ating mga kababayan kapag meron silang nasilip sila na hindi kaaya-aya para hangaan ang artista, bibitiw, babaklas."

Bea Alonzo just made a few greener choices for her 16-hectare Zambales farm, Beati Firma, to achieve an eco-friendly dream home

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MAY 2, 2024

Pormal na naghain si Bea ng reklamong cyber libel laban kay Cristy noong May 2 sa Quezon City Prosecutor's Office.

Dawit sa reklamo ang co-hosts ni Cristy na sina Wendell at Romel.

Hindi sinabi ng abogado ni Bea ang eksaktong mga episode sa online show na inalmahan ng aktres.

Pero idiniin ng abogado na nagdesisyon si Bea umaksiyon dahil sa "defamatory and malicious statements" na ibinabato ni Cristy sa "character" ng aktres.

Hindi raw tama na gamitin ang "negative sensationalism" sa ngalan ng mataas na views, na pinagkakakitaan daw ng show ni Cristy.

Read: Bea Alonzo's lawyer cries foul over "negative sensationalism" for the sake of "views"

Sa panayam ng PEP.ph at GMA News, sinabi ng abogado ni Bea na hindi kailanman gumawa ng hakbang ang programa ni Cristy para hingan ng panig ang aktres.

MAY 3, 2024

May 3, una nang nagsalita si Cristy tungkol sa demanda ni Bea sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Umere iyon sa programa nitong Cristy Ferminute, na pinapalabas sa cable TV na One PH at may simulcast sa radio station ng TV5 na 92.3 Radyo 5 True FM.

Ayon kay Cristy, hindi pa niya alam ang nilalaman ng reklamo ni Bea dahil wala pa siyang kopya nito.

Ipinaliwanag niyang "malayo pa ang tatakbuhin ng kasong ito" dahil magpapalitan pa ang bawat kampo ng kanilang sinumpaang salaysay para sa kani-kanilang panig.

Nasa husgado na raw ang desisyon.

Pero hindi raw matatanggap ni Cristy ang alegasyong ginagamit niya si Bea para "pagkakitaan" at "pampataas ng views" sa kanyang online show.

Ni hindi raw isinaalang-alang ni Bea ang mga pagtatanggol at proteksiyong ginawa niya para sa aktres noon.

Nagbabalita raw siya, mapa-positibo o negatibo, hindi lang kay Bea kundi sa iba-ibang "public figures."

Trabaho raw niya iyon bilang mamamahayag.

Diin ni Cristy: "Kayo po ay public figures, kayo po ay nabubuhay sa loob ng aquarium. Sabi ko nga, at gasgas na ang linya kong ito, kayo po ay mga isda sa loob ng aquarium. Ang publiko po ay nakatanaw sa inyo, bawa’t galaw ninyo, bawat ikot n’yo, marami pong nakatanaw, wala kayong maaring ligtasan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag pa nito, nirerespeto raw niya ang karapatan ni Bea na magsampa ng reklamo.

"Pero kung ito ang naging dahilan para busalan ninyo ang aming bibig, opinion at malaya naming pamamahayag ay nagkakamali kayo."

Haharapin daw ni Cristy ang reklamo sa kanya. Sabi pa niya patungkol kay Bea: "We will see you in court."

Cristy Fermin reacts to Bea Alonzo's cyber libel complaint

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MAY 6, 2024

Sa kanyang online show noong May 6, naglabas ng pahayag si Cristy sa kinahaharap ng cyber-libel complaint

Ayon kay Cristy, hindi totoong puro paninira kay Bea ang ipinapalabas sa kanyang online show.

Binalikan sa show ang clips mula sa siyam na episodes na pinalabas mula April 1 hanggang October 2022, ang episode noong December 28, 2023 at ang episode noong January 27, 2024.

Tinalakay sa mga episode na ito ang mga papuri ni Cristy sa achievements ni Bea, at pagdepensa ni Cristy sa aktres na noo'y iintriga ng showbiz columnist at talent manager na si Lolit Solis.

Ikinatuwiran iyon ni Cristy bilang patunay na hindi raw dinisenyo ang online show niya para tiradahin si Bea.

Wala pang sagot ang kampo ng aktres tungkol sa pahayag ng showbiz columnist at host.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukas ang Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) sa anumang pahayag ng mga personalidad na nabanggit sa artikulong ito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
As Cristy Fermin (right) faces cyberlibel complaint filed by Bea Alonzo (left), PEP.ph provides a detailed look at Cristy's reportage of issues about Bea from January 29 to May 6, 2024. It was on May 2 that Bea officially lodged a complaint before the Quezon City Prosecutor's Office.
PHOTO/S: @beaalonzo Instagram / Screengrab from SNN
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results