Umani ng samu't saring reaksiyon sa social media ang ginawang pagbuhat ni Ian Veneracion sa isa niyang fan nang mag-perform siya sa isang beauty pageant sa Santiago, Isabela.
Special guest si Ian sa Binibining Santiago na ginanap noong May 5, 2024, kunsaan hinarana niya ang mga kandidata at ang mga manonood sa nasabing patimpalak-kagandahan.
Sa video na kumakalat ngayon online, na kuha sa nasabing event, makikita si Ian bumaba sa stage at makipagkamay sa fans habang kumakanta.
Isang babae ang umagaw sa kanyang pansin at inaya niya itong pumanhik sa stage.
Nang pareho na silang nasa entablado, ipinataas niya ang dalawang kamay ng fan at bigla niya itong binuhat nang patiwarik

Kita sa mukha ng babae, maging ang Binibining Santiago contestants, ang pagkagulat sa ginawa ni Ian.
Napahiyaw at napalakpak sila sa biglaang aksyon ng aktor.
NETIZENS REACT TO IAN'S FAN SERVICE
Mabilis na nag-trending ang nasabing video clip, kunsaan marami sa netizens ang bumilib sa kakaibang "fan service" ni Ian.
Tweet ng isang netizen (published as is), "Kung may Dawn Zulueta mo ko challenge at eto gusto Ian Veneracion Mo Ko Challenge yan para amoy ng 90s daddy yarn [laughing in tears emoji]."
Sabi ng isa, "Napaka-random, kala siguro ni girl i-Dawn zulueta siya naging circus ba naman."
Ang tinutukoy nilang "I-Dawn Zulueta" challenge ay ang nag-viral din noong pagbuhat ni Richard Gomez sa on-screen partner niyang si Dawn Zulueta sa hit movie nilang Hihintayin Kita sa Langit (1991).
Saad pa ng isa, "Ian Veneracion has a very interesting way of fan service."
Kung may naaliw ay mayroon din namang napataas ang kilay sa ginawa ni Ian.
Tanong ng isang netizen, "Anong trip ni Ian Veneracion at ang hilig niya magbuhat???"
Lumalabas kasing hindi ito ang unang pagkakataon na maaktuhan si Ian na nagbubuhat ng kanyang fan.
Sa katunayan, matapos ang insidente ay naglutangan ang mga luma niyang video kunsaan makikitang binubuhat niya patiwarik ang kanyang mga tagahanga.
]
Lumitaw rin ang video ng interview nila noon nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap, kung saan sa kalagitnaan ng pagsagot ni Richard ay biglang binuhat ni Ian si Jodi.
IAN'S LATEST "TALENT FEE" CONTROVERSY
Dahil sa madalas na pagbubuhat ni Ian, may ilang netizens ang kinonekta ito sa kontrobersiyang kinaharap ng aktor kamakailan.
Sabi ng isang netizen, "Kaya pala mahal ng TF ni Ian Veneracion may kasamang stunts."
Dagdag pa ng isa, "Sometimes i want to know what’s going on inside ian veneracion’s mind."
Matatandaang kamakailan ay naharap sa isang kontrobersiya si Ian na may kinalaman sa usaping pera, partikular sa kanyang talent fee.
Read: Dingdong Avanzado at Jessa Zaragoza, Ian Veneracion ipinahiya sa social media dahil sa usaping pera
Nagsimula itong pag-usapan nang mag-post sa Facebook ang writer-director na si Ronald Carballo noong January 17, 2024, tampok ang diumano'y mahal na talent fee ng aktor nang maimbitahan ito sa isang parade festival sa Tarlac.
Ibinahagi ni Ronald sa kanyang FB post ang diumano'y pag-uusap ng talent coordinator at ng road manager ni Ian.
Ayon sa post ni Ronald sa kanyang Facebook (published as is): "Ang mahal pala ni Ian Veneracion for a public appearance.
"Requested sya, kaya kinukuha sya ng Tarlac Festival, to be held on Last Sunday of January, 2024.
"Sasakay sya sa float at ipaparada sya sa bayan ng Tarlac City. Kakaway-kaway lang sya. Ni hindi sya kakanta.
"Sabi raw ng Road Manager ni Ian, '500K si Ian in two hours sa parade at pag lumagpas ng two hours, may 100k additional per hour.
"'Kung may mga kasamang ibang artista, dapat may sarili silang float. Dapat solo lang si Ian sa sarili nyang float at walang kasamang kung sinu-sino
"'Siguraduhin mo din na may pangbayad ang mga Producer.'"
Fifty percent daw ang downpayment upon contract signing.
"Bago sumampa si Ian sa float, dapat fully paid na sya," mahigpit ding bilin daw ng road manager.
TALENT COORDINATOR OPTS NOT TO GET IAN
Ipinaabot ng talent coordinator sa pamunuan ng Tarlac Festival ang usapan nila ng road manager ni Ian.
Lahad pa ni Ronald sa kanyang FB post (published as is): "'Walang problema sa bayad. Matagal ko nang client sila at kung sinu-sino nang nadala kong mga mas sikat pang artista sa Tarlac at wala kaming naging problema,' sabi ng Talent coordinator.
"So, ni-report ng Talent coordinator ang lahat ng sinabi ng RM sa mga pamunuan ng Tarlac Festival na silang magbabayad.
"Okey naman daw ang 500k kahit sobrang mahal. Ang hindi nila nagustuhan ay yung, ‘Two hours lang si Ian at pag lumagpas may 100k additional per hour.’
"'Nakakatakot. Hindi namin masasabing matatapos ang parade ng two hours.
"'Baka pag two hours na, dahil bayad na sya, bigla na lang syang bumaba ng float at iwanan lahat ng tao. Mahal din ang 100k additional fee per hour of stay'---sabi pa nila."
Sa huli, nagdesisyon daw ang Tarlac Festival na hindi kunin ang serbisyo ni Ian.
IAN'S CAMP POINTS OUT "INACCURACIES" IN RONALD'S FB POST
Mabilis nag-viral ang post ni Ronald, kaya naman agad ding naglabas ng pahayag ang kampo ng aktor para magpaliwanag.
Noong January 19, 2024, nakatanggap ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng kopya ng official statement mula sa talent management ni Ian.
Para sa management ni Ian, "malicious" ang public post ni Ronald patungkol sa aktor dahil "confidential" daw dapat ang ganoong inquiry sa kanilang kliyente.
Sabi rito: "As the management team of Ian Veneracion, we would like to address the malicious public post made yesterday by Mr. Ronaldo Carballo concerning an event for which Ian was invited.
"In managing our client's professional engagements, we maintain a strict policy of confidentiality in all business dealings, ensuring transparency and respect both with clients and artists.
"When approached for this event, we provided our standard rate and availability, leaving the decision to the client's discretion based on their budget and requirements."
Umalma rin ang management ni Ian dahil may mali raw sa impormasyong inilathala tungkol sa "budget" para sa appearance ni Ian.
Hindi raw totoong naniningil ang kampo ni Ian ng additional charge sakaling magtagal ito sa parada.
Wala rin daw katotohanan na nag-demand ng sariling float ang aktor.
