Umaasa ang mga tagahanga nina Elijah Canlas at Miles Ocampo na nagkabalikan na talaga ang dating magkasintahan.
Lalong lumakas ang kanilang hinalang itinuloy nina Elijah at Miles ang naudlot nilang relasyon nang dumalo ang aktor sa birthday party surprise ni Miles sa mismong ika-27 kaarawan nito noong May 1, 2024.
Read: Miles Ocampo slams body-shamer on social media
Sa Instagram nitong nakaraang Lunes, May 6, nagbahagi ang Eat Bulaga! co-host ng ilang larawang kuha sa surprise party ng mga kaibigan para sa kanya.
Pansin kaagad ng netizens ang isang larawan kung saan sweet na sweet sila ni Elijah.

Tanging petsa lamang ng kanyang kaarawan ang caption ni Miles.
View this post on Instagram
Pero sapat na ito para makilig nang husto ang Miles-Elijah fans.
Narito ang ilan sa kanilang mga komento:





Nauna na rito ang birthday message din ni Elijah kay Miles sa Instagram.
Mensahe ng aktor: "thank you for regularly making all of us smile one way or another, birthday girl. you are always loved"
Read: Elijah Canlas posts sweet birthday message for Miles Ocampo
MILES & ELIJAH—A REKINDLED RELATIONSHIP?
Nagkaroon man ng problema ang relasyon nila bago matapos ang taong 2023, mukhang nagkamabutihan muli ang dalawa nitong unang bahagi ng 2024.
Ito ay base sa larawang in-upload ni A Very Good Girl director na si Petersen Vargas, kung saan kasama sina Miles at Elijah, noong nakaraang March 24, 2024.
Sa nasabing larawan, makikitang nagpa-picture ang ilang kaibigan nina Miles at Elijah.
Kapansin-pansin ding nakayakap si Elijah mula sa likuran ni Miles.
Ikinatuwa ng fans ng dalawa ang latest photo nilang magkasama na halatang sweet na sweet sa isa't isa.
Ilang araw lamang ito matapos kumpirmahin ni Miles na inaayos nila ni Elijah ang kanilang relasyon na tinuldukan nila noong nakaraang taon.
Read: Miles Ocampo, Elijah Canlas spotted cozy at an event: Are they back together?
Sa panayam naman kay Miles na lumabas sa Frontline Pilipinas noong March 18, 2024, nausisa siya tungkol sa naging bakasyon niya sa Hong Kong kamakailan.
Tanong ng entertainment reporter na si MJ Marfori kung dito ay kasama niya si Elijah.
Sagot ni Miles, "Hindi po. Mga kapatid ko po and parents ko. Family time."
Sundot na tanong ni MJ, "Kayo na ba ulit [ni Elijah]?"
Maikli ngunit nakangiting sagot ng Eat Bulaga! host: "Let’s see. We’re working on it."
Read: Miles Ocampo hints at possible reconciliation with ex-boyfriend Elijah Canlas
ELIJAH CANLAS: "I HAVE SO MUCH LOVE TO GIVE"
Tumugma ang sinabi ni Miles sa naging sagot ni Elijah sa panayam ng ABS-CBN reporter na si MJ Felipe noong March 12, 2024.
Dito, natanong si Elijah ni MJ kung parte ba ng kanyang 2024 goal ang paghahanap ng bagong pag-ibig matapos ang breakup nila ni Miles.
Makahulugang sabi ni Elijah: "Looking for love? What if love pa?
"There's always love within us, right? There's always love within us... and I have so much love to give, you know.
"Honestly, I have so much love to give. So much love inside of me and I'm willing to give it to anyone who's willing to accept."
Lagpas dalawang taon ang itinagal ng relasyon nina Miles at Elijah. Naghiwalay sila noong kalagitnaan ng 2023.
Read: Elijah Canlas, Miles Ocampo admit relationship
At ngayon nga, kahit wala pa mang tahasang pag-amin, parang nabuhayan talaga ang loob ng fans ng dalawa na isang araw ay aamin rin sila.
