PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jessa Zaragoza washes dishes in full makeup; netizens react

Netizen to Jessa Zaragoza: "Dapat ba full makeup washing the dishes?"
by Arniel C. Serato
Published May 8, 2024
Jessa Zaragoza goes viral in video washing the dishes in full make up
Singer Jessa Zaragoza on washing the dishes in full make-up: "Galing kasi akong show nyan. Pagkababa ng kotse, diretso sa kusina para mag hugas ng pinggan. Wala kaming katulong sa bahay kya ako lang nag huhugas ng pinggan sa bahay namin."
PHOTO/S: Courtesy: Facebook

Pinagdiskitahan ng ilang netizens ang short video ni Jessa Zaragoza sa Instagram at Facebook noong May 2, 2024.

Makikita ritong naghuhugas siya ng pinggan na naka-full makeup pa.

Ang kumuha ng video ay ang anak niyang si Jayda Avanzado, na hinamon si Jessa ng "Finish the Lyrics" challenge.

Kaya naman kumakanta pa rin siya habang naghuhugas ng pinggan.

Caption ni Jayda, "May nabiktima na naman ako dito sa “Finish the Lyrics” challenge [laughing emoji] @jessazaragoza

"#reels #rightloverwrongtime #comedy #jaydarlwt #karaoke"

View this post on Instagram

A post shared by Jayda (@jayda)

Read: The Phenomenal Diva Jessa Zaragoza and the singing Vice Governor Dingdong Avanzado visit PEPtalk

Komento ng isang kaibigan ni Jessa, "Ganda naman ng taga hugas ng plato! [laughing emoji] @jessazaragoza Miss you"

Sagot ng singer-actress (published as is): "hahaha Thanks Mars! Galing akong show nyan kasi, kya ako nakaAyos, diretso hugas ng pinggan, di pa ako nakapag palit. Wala kaming helper sa bahay [laughing emoji] ako lang duon. Aka 'Indai Jissa from Siquijor!'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Jessa Zaragoza viral dishwashing video

JESSA ZARAGOZA ANSWERS NETIZENS

Sa Facebook noong araw ring iyon, ipinost ni Jessa ang ilang screenshots ng mga paninita sa kanya.

Sabi ni Jessa, "Para sa mga nambabash bakit daw naka full make up pa ako habang nag huhugas ng pinggan. O hayan. Buti nga nag explain pa ako. Hay. Tingin ko, kulang lang kayo sa ligo. Babad na kayo sa drum na may malamig na tubig!!! Dali!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mababasa sa isang screenshot, "Dapat ba full make-up washing the dishes?"

Paliwanag ni Jessa, "Galing kasi akong show nyan. Pagkababa ng kotse, diretso sa kusina para mag hugas ng pinggan. Wala kaming katulong sa bahay kya ako lang nag huhugas ng pinggan sa bahay namin.

"Di na ako nakapag palit ng damit at tanggal make up galing trabaho. Gawa agad ng naiwang gawaing bahay para matapos na at gabi na yan. Ok na ba sayo itong explanation ko?! Pasensya ka na ha".

Dagdag pa niya, "Kayo naman, wag na kayo mainggit. Kulang lang yan sa ligo init kasi ng panahon noh, sobra.

"Naka full make up po kasi galing akong trabaho nyan. Nag show. Di ba ako po si Jessa?! Singer po ako. Galing event. So naka Ayos.

"Di pa nga ako nakapag palit ng damit. Pagkababa ng kotse, diretso na agad ng kusina. Wala po kaming katulong sa bahay. Ako lang lahat sa bahay namin. Lalo na hugas ng pinggan. Ako lang yan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"So minabuti ko ng tapusin na ang gawaing bahay agad bago umakyat sa kwarto para mag linis ng katawan, mag tanggal make up, kasi galing ngang trabaho sa labas. Pasensya na kayo ha. Ok na ba sainyo itong explanation ko? Ok na po ba?:-) Sensha na talaga. Di kasi scripted yan. Binigla lang akong kunan ni Jayda"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nitong nakaraang May 4, nag-post muli si Jessa ng screenshots.

Sabi lang niya, "So ito na nga ang latest mga marites! ang dami nilang time! Di na lang mag hanapbuhay"

Mababasang komento ng isang netizen, "Or it could be, hindi rin po sya kilala na celebrity din kasi, just a random reels/vid post na nakita nya at wala sya idea kaya nagtanong kung bakit nakafull make up.

"Meron pa rin naman na hindi kilala ang celebrities or hindi mahilig sa showbiz kasi kaya di kilala ang mga artista/singers. Ngayon panahon na ito hindi mo na rin kasi alam eh kung tama o mali magtanong.

"Eh siyempre unusual kasi para sa kanya na naghuhugas ng pinggan at nakamake up. Andun na tayo sa "bakit kasi kailangan makialam", "big deal", etc. Magkaiba naman yung magtatanong lang at makikialam.

"Malay mo naman gayahin din nya after nya marinig ung reason ni Ma'am Jessa. At bilang curious na rin, since wala rin pala sila helper tapos galing ng work si Jessa, eh bakit hindi ung anak (Jayda) ang maghugas na lang ng pinggan?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kahit sabihin mo may work din that time si Jayda, same lang naman sila just in case. Sa edad nyang yan dapat ung mga ganyan tulong na yan ng mga anak o ginagawa na ng mga anak yan paghuhugas ng pinggan. O baka naman tumutulong naman sya sa bahay pero in other chores. #pakialamera"

Sagot ni Jessa: "sa tanda kong ito, alam ko ang diprensha ng 'nag tatanong lang ng maayos at sarcastic'. Yung anak madalas nasa show din, out of town. Yung asawa ganun din. Lahat kami may kanya kanyang schedules. Lahat kami nag tatrabaho bilang concert performer/singer. Wag mo na problemahin kung tumutulong anak ko sa edad nyang yan. Ako ng bahala dun. Oo paki alamera ka din •) dami mo ding hanash."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Wala nang sinagot pang iba si Jessa.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Singer Jessa Zaragoza on washing the dishes in full make-up: "Galing kasi akong show nyan. Pagkababa ng kotse, diretso sa kusina para mag hugas ng pinggan. Wala kaming katulong sa bahay kya ako lang nag huhugas ng pinggan sa bahay namin."
PHOTO/S: Courtesy: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results