Nakahinga na nang maluwag ang Kapamilya TV host na si Luis Manzano pagkatapos lumabas ang resulta ng isinagawang biopsy sa "nunal" niya sa ulo.
Dito napag-alamang "benign" ang inakala niyang cancer.
Sa YouTube vlog ni Luis nitong Sabado, May 4, 2024, ibinahagi ni Luis ang isinagawa sa kanyang medical procedure—mula pagpapa-check-up, operasyon, hanggang sa pagpapa-biopsy—para alamin kung cancerous ang nakaumbok sa kanyang ulo na inakala niya lang noon na nunal.
Read: Luis Manzano and Jessy Mendiola finally fulfill dream church wedding
Kuwento ni Luis, bata pa lamang siya ay alam na niyang may nunal siya sa ulo.
Ipinagmamalaki pa nga raw niya ito at sinasabing ang nunal ay katunayang matalino siya.
Hanggang sa mapansin daw kamakailan ng kanyang hairstylist na ang "nunal" ay bigla na lang lumaki at bumukol.
Lahad ni Luis: "Akala ko dati pa, nunal, kaya niloloko ko yung mga tao na matalino ako, may nunal ako dito [sa ulo].
"Bata pa ako, alam kong may ganyan na ako.
"So, noong nag-attend kami yung party kay Mr. M [Johnny Manahan]... inaayusan ako ng make-up artist, yung hairstylist ko na si Jo Garcia, kunsaan alam naman niya na may nunal ako sa [ulo].
"Noong nakapa niya, sabi niya, ‘Kuya, parang lumaki ang nunal mo.' E, hindi ko naman nakikita.
"Kaya biglang napaisip ako, kasi iba nga kapag may lumalaking mga nunal. Isa sa mga puwedeng... ay melanoma or skin cancer.
"Kaya kako, ang pinakamaganda as always, ipapa-check ko siya sa doctor. Kasi kadalasan yung mga nunal na suspected for whatever, na nakikita mong nagkakaroon ng ibang growth, ibang color.
"So, sabi ko, malay ko ba kung anong nangyayari na sa akin.
"Nagpa-check ako sa Belo sa Alabang. Yung una, si Doc, sa derma na tumingin, sabi niya, it looks okay.
"Sabi niya, it seems okay naman pero ang pinakamaganda is ipa-check sa surgeon.
"Nagpa-check din naman ako sa surgeon. Noong pagka-check niya, same thing ang unang sinabi ni Doc ay yung history naman, e, 'Dati pa to. Hindi naman ito sudden growth.'
"So, sabi niya, 'It looks okay naman but if you want to be safe, i-biopsy natin.'"
Ang "nunal" na lumaki.
Read: Xian Lim finally confirms real score with Iris Lee
Kumausap pa raw si Luis ng dalawa niyang kaibigang surgeon at parehas ang sinabi sa kanya—ipa-biopsy na ang nakaumbok sa kanyang ulo sa lalong madaling panahon.
Dito na raw nagdesisyon si Luis na ipa-biopsy ito kahit natatakot siya sa posibleng maging resulta.
Saad niya: "Do I feel okay? Yes. Apat na doktor nang nagsabi na malabo talagang cancerous siya. Siyempre, kasi ii-stitch yan.
"But, para sa akin, ang main goal ko is to create awareness kasi napakaraming [tao] na binabantayan [din ang kanilang] nunal growth, kita yan sa mga katawan.
"Hindi araw-araw kasi na naririnig mo yung salitang biopsy.
"Kahit na nandoon pa rin yung sinasabi nila na mukha namang wala, pero yung the fact lang na parang never mong naiisip na pagdaraanan mo yun.
"Kasi, if sabihin mo bigla na may kailangan kang i-biopsy, kahit sabihin mo na precautionary lang, kahit sabihin mo just to be sure, parang puwedeng cancer comes to mind o kung ano man.
"Ang cancer kasi, it's one of those things na kahit sa kalaban mo, hindi mo iwi-wish yun.
"Ang dami kong mga kakilala na, unfortunately, nadali na ng cancer and you see na it's very life-changing para sa kanila.
"So, even if nandoon yung reassurance pa rin na sinasabi nila na 'wala yan, precautionary yan,' pero the fact lang na may .000001, kakabahan ka."
LUIS DECIDES NOT TO TELL HIS PARENTS
Sa takot ding mag-alala pa ang magulang niyang sina Vilma Santos at Edu Manzano, pati na ang stepfather na si Ralph Recto, nagdesisyon daw si Luis na hindi muna ipaalam sa mga ito ang isinagawang procedure sa kanya.
Sabi niya, "Ang may alam lang is Howhow [Jessy Mendiola, his wife], my households, barkada ko.
"Kasi kapag nalaman ito ni Mommy, magkakagulo. Kahit na wala pang result sigurado, every point six seconds tatawagan niya ako, 'Anak, may result na ba?' ganyan.
"Sigurado rin na lahat ng doctor na kaibigan ni Mommy is tatawagan din niya.
"Ayoko rin naman na mag-alala pa ang parents ko. Ako na muna 'to, ako na bahala."
Read: Vilma Santos naawa sa anak na si Luis Manzano kaya naiyak sa 'It's Your Lucky Day'?
LUIS UNDERGOES OPERATION
Sa kanyang vlog, ipinakita rin ni Luis ang mismong operasyong ginawa para tanggalin ang nunal na nakaumbok sa ulo niya.
Nang matanggal ang nunal ay mabilis niya itong ipina-biopsy.
Read: Cedric Lee voluntarily surrenders after guilty verdict
Pagbabahagi ni Luis: "Ito yung pinakamahirap sa lahat ng mga test. Minsan yung procedure itself, hassle kung hassle given.
"Pero ang pinakamabigat diyan ay ang pag-aantay ng results kasi malalaman 'to kung benign ba 'to or malignant."
Luis Manzano
BIOPSY RESULT
Bago tuluyang makuha ang biospy result, kinailangan pa raw ni Luis magpa-blood test para sa immunohistrochemistry (IHC) para masiguro ang magiging resulta ng ibinigay niyang sample.
Read: Cristy Fermin reacts to Bea Alonzo's cyber-libel complaint
Makalipas ang halos isang linggo, masayang inanunsiyo ni Luis na siya ay cleared sa cancer.
Deklarasyon niya: "Nakuha ko na yung results from Makati Med at sinabi nga na benign, clear.
"Nag-mini-celebration ako, nagpaikli ako ng buhok.
"Paminsan-minsan may mga ganun tayo, 'no, small joys sa buhay. At ako, isa sa small joys 'ko, kapag bagong gupit ako.
"Hindi parati yung manalo ka ng one million. Hindi parati yung ikaw yung best sa office, ikaw yung pinakamataas na grades.
"May mga small joys tayo sa buhay na hindi rin biro ang ngiting naibibigay sa atin.
"For sure, napakaraming tao ang dumaraan sa iba't ibang forms ng cancer na hindi biro.
"Napangiti ako. Si Mommy, actually napaiyak pa, kasi yung unang test na nakuha is inconclusive, meaning may mga test pang kailangang gawin.
"But ayun nga, benign."
Dagdag pa ni Luis, "Ang aim ko sa vlog na ito ay for awareness."
Read: Former TV host Robert Alejandro, who is battling cancer, loses PHP3M life savings to caregiver
