PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Comedian Mura's house in Albay gutted by fire

"Pagkasilip ko, gumagapang na yung apoy!"—Mura
by Bong Godinez
Published May 5, 2024
Mura
"Bakit puro na lang ganito? Parang lagi na lang kaming minamalas sa bahay," comedian Mura (left) laments after a fire destroys his home in Albay (right).
PHOTO/S: Kapuso Mo, Jessica Soho (Facebook)

Homeless ngayon ang komedyanteng si Mura, na ang tunay na pangalan ay Allan Padua.

Natupok ng apoy ang kanyang bahay sa Purok 3, Sitio Abibling, Barangay Tupas, Ligao City, Albay.

Humihingi ng tulong si Mura dahil walang naisalbang gamit ang kanyang pamilya.

Mabilis diumano ang mga pangyayari kaya hindi na nagkaroon ng pagkakataon hakutin nina Mura ang mga gamit sa loob ng kanilang bahay.

"SA ISANG IGLAP, NAWALA"—mura

Sa Facebook page ng news and public affairs program na Kapuso Mo, Jessica Soho ay inilahad ni Mura kung ano ang naganap nung araw na nagkasunog.

“Yung kapatid kong natutulog sa taas ng bahay namin yung nakapansin na nasusunog na yung buong kuwarto ng isa naming kapatid," kuwento ni Mura.

"Pagkasilip ko, gumagapang na yung apoy!"

Tanging cellphone at storage box lang ang naisalba ng komedyante.

"Para akong natunaw. Sobrang nakakalungkot. Kasi sa isang iglap, nawala, e," malungkot ni pahayag ni Mura.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag pa niya, "‘Yung tagal mong nagtrabaho at pinaghirapan, ganito lang pala mangyayari. Bakit puro na lang ganito? Parang lagi na lang kaming minamalas sa bahay."

Ito raw ang ikatlong insidente ng sunog na naranasan ng pamilya ni Mura, kaya hindi maiwasang malungkot ito nang labis.

Sambit ni Mura, "Hindi ko alam kung saan ako mag-uumpisa. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko.

"Mahina na yung mga paa ko kaya hindi na rin ako basta-basta makapagtrabaho.”

SHOWBIZ HEYDAY with mahal

Si Mura ay unang ipinakilala bilang "kakambal" ni Mahal sa Magandang Tanghali Bayan, dating noontime show ng ABS-CBN, noong 2003.

Read: Diminutive comedienne Mahal dies at 46

Babae ang image noon ni Mura, bagamat isa siyang lalaki.

Gaya ni Mahal, may kondisyon si Mura na dwarfism.

Nabigyan ng pagkakataon si Mura na lumabas sa mga programa sa TV at maging sa pelikula.

Naging sidekick siya ni Vhong Navarro sa mga pelikulang Agent X44 (2007) at SupahPapalicious (2008).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Vhong Navarro reacts to conviction of Cedric Lee, Deniece Cornejo

Siya rin ang main villain sa 2003 movie na Volta na pinagbidahan ni Ai-Ai delas Alas.

an accident DERAILS mura's career


Isang aksidente ang itinuturo ni Mura na dahilan kung bakit nanamlay ang kanyang showbiz career.

“Kasi naubos ang ipon ko nun, e. Naaksidente pa ako noong 2010," turan ni Mura sa isang vlog na inupload sa YouTube nung August 2021.

Read: Comedian Mura wants to return to showbiz to help his family

“Doon ako nag-umpisa nawalan ng work na.

“Nabali ang hip ko. Ayun, nagkadiperensiya na paglakad. 'Tapos ngayon, pilay-pilay.

“'Tapos ngayon, mahina na parang manhid.”

Dito ay ipinarating ni Mura ang kanyang kahilingan na sana'y makabalik sa showbiz para kumita at matulungan ang sarili at ang pamilya.

Ang tatlong ektaryang lupa na kinatitirikan ng bahay ni Mura sa Albay ang tanging pinagkukunan niya ng pagkakakitaan nitong mga nakaraang taon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nabili raw niya ito sa halagang P75,000 noong 2005. Tinataniman daw niya ito ng kopra, niyog, mais, at mani.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Bakit puro na lang ganito? Parang lagi na lang kaming minamalas sa bahay," comedian Mura (left) laments after a fire destroys his home in Albay (right).
PHOTO/S: Kapuso Mo, Jessica Soho (Facebook)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results