Kumpirmadong "dating" ang estado ng relasyon ng Kapuso actor-director na si Xian Lim at ng film producer na si Iris Lee.
Ito ang ipinagtapat ni Xian sa eksklusibong panayam niya sa Esquire na nailathala ngayong Huwebes, May 2, 2024.
Tinanong si Xian kung may katotohanan ang naglalabasang espekulasyon na may relasyong namamagitan sa kanila ni Iris.
Sagot niya: "Yes, I’m seeing Iris.
"Just to clear everything, to clear all the speculations.
"We are seeing each other and we are very happy."
Ayon kay Xian, nagdesisyon siyang magsalita, halos limang buwan matapos ang kontrobersiyal na breakup nila ni Kim Chiu, upang bigyang-linaw ang mga haka-haka tungkol sa dahilan ng paghihiwalay nila ng dating nobya na wala naman daw katotohanan.
Kabilang na rito ang pagkakasangkot ni Iris, na siyang itinuturong third party umano sa breakup ng KimXi.
December 23, 2023, kinumpirma nina Kim at Xian sa publiko na nagtapos na ang labindalawang taon nilang pagmamahalan.
Read: Kim Chiu and Xian Lim: A Relationship Timeline
Walang binanggit na dahilan ang dalawa, ngunit "mutual decision" daw ang kanilang paghihiwalay.
Read: Kim Chiu on failed relationships: "Wala akong pinagsisihan."
Saad ng Kapuso actor-director sa panayam ng Esquire: "I am ready to talk about it.
"It's just all over the place and, I think, ang dami nang dagdag, ang dami nang bawas. Naglabas naman kami [ni Kim] ng statement to clarify things.
"Of course, we have so much respect for our supporters. And yung na-build namin over the course of 12 years.
"But things in life happen. The unexpected happens and we broke up.
"It just pains me na maraming hearsay, maraming dagdag-bawas sa kuwento."
Diin ni Xian, "Una sa lahat, Iris is a talented filmmaker.
"She's my producer and she's also my creative partner."
XIAN LIM SAYS There's no third party
Isa-isa ring sinagot ni Xian ang kaliwa't kanang akusasyong ibinabato ng netizens sa kanila ni Iris.
Una na rito ang pagkakadiin kay Iris, na ito umano ang sumira sa mahigit isang dekadang relasyon nina Xian at Kim.
Pagbabahagi ng Kapuso actor, "These are the things that I want to clarify, number one: that there was a third party [involved in the breakup with Kim].
"There's no third party. That's it. That plain and simple."
Mariin ding pinabulaanan ng aktor ang napabalitang sikreto silang ikinasal ni Iris at nagli-live in na sila.
Paglilinaw niya: "Another rumor: when I see my friends—the people who are the last to even care about these things—kino-congratulate na ako.
"They say, 'Congratulations on the marriage in New York!' And I'm, like, 'No, I am not married.'
"And there's also this one absurd article, or a thing said about me, that I have been living with someone for years na daw.
"The only people I live with is my mom, my lola, my lolo. These are the things na, parang, it's just so absurd and it's just… why?!
"Things happen in life that we're not going to be able to control. And as much as we don't want it to happen, life happens.
"And it just pains me na parang may mga taong nadamay. That just really saddens me and that's very unfortunate."
Dagdag pa niya, "Ang busy-busy ni Iris, ang busy-busy ko. She has a lot on her plate, and I have a lot on my plate.
"And, you know, she doesn't deserve all that flak. We don't deserve that because all the things na people are saying, there's no truth to any of it."
XIAN's PERCEPTION ON FINDING NEW PARTNER
Sa panayam ng Esquire kay Xian, natanong din siya kung bilang lalaki ay naniniwala ba siya sa taxicab theory.
Ang taxicab theory, ayon sa medium.com, ay persepsiyon ng isang lalaki sa pakikipag-date na kapag nakahanap na siya ng iibigin ay hindi na siya titingin at maghahanap pa ng iba.
Pahayag ni Xian: "I can’t say that I understand the whole taxicab thing properly.
"But all I can say is, as a guy, when I’m seeing someone, I'm all out. I'm not the type to fish around, yung parang, 'Okay, tingnan natin kung okay to.'
"Of course, there's that initial thinking na parang, 'Swak ba tayo?'
"But me, I'm all out na parang this is for the long-term. We are going to work through this hanggang sa dulo.
"That's my vision, that's my perception on finding a partner, about finding love in general.
"So, that taxicab theory, parang hindi ko lang siya masakyan. But that's just me, that's how I love. Kung magmahal ako, lubos, buong kaluluwa."
Read: Kim Chiu gets candid about finding "the one" after breakup with Xian Lim
XIAN-IRIS SIGHTINGS
Bago ang naging pag-amin ni Xian ay makailang beses na silang naispatan ni Iris na magkasama.
Noong December 2023, sa kalagitnaan noon ng usap-usapang hiwalay na sina Xian at Kim ay siya namang paglutang ng pangalan ni Iris na nali-link sa aktor.
Hanggang noong February 13, 2024, naispatan ang dalawa na sweet na magkatabi sa isang picture-taking.
In-upload ng Watanabe Riding Development sa Facebook ang nasabing larawan.
Makikita sa larawan na nakaakbay si Xian kay Iris, habang si Iris naman ay nakahawak sa kamay ni Xian na animo’y naghu-holding hands.
Bukod pa rito ang pagkapit ni Iris sa likod ng bewang ni Xian.

Read: Xian Lim’s “akbay” photo with film producer Iris Lee goes viral; are they an item?
Nasundan pa ito noong March 1 nang muli silang maispatang magkasama sa Bangkok, Thailand.
Mismong si Xian ang nag-post sa kanyang Instagram ng litrato niya kasama si Iris at kanyang team habang sila ay naglilibot para maghanap ng mga lugar sa shooting ng bagong ididirek na proyekto ng aktor.

Read: Xian Lim at Iris Lee, magkasama sa Bangkok para sa location hunting ng bagong pelikula ng aktor
