PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gerald Anderson fully supports JoshLia's comeback film

Ex-couple Joshua and Julia are set to star in the film Un/Happy For You.
by Khryzztine Joy Baylon
Published May 1, 2024
Gerald Anderson reacts to Julia Barretto and Joshua Garcia's comeback film
Gerald Anderson (left) on Julia Barretto (rightmost) and Joshua Garcia's reunion film: "It’s exciting—it’s exciting para sa mga fans nila. I’m not sure ilang years ago sila huling nagkasama but I’ve been in that situation. Alam ko na marami silang mapapasaya na mga fan nila."
PHOTO/S: Gerald Anderson Instagram/Viva Films

Suportado ni Gerald Anderson ang bagong pagbibidahang pelikula ng girlfriend niyang si Julia Barretto, kunsaan muli niyang makakatambal ang ex-boyfriend na si Joshua Garcia.

Noong April 24, 2024, isinapubliko nina Joshua at Julia ang tungkol sa bago nilang pagtatambalang pelikula na pinamagatang Un/Happy For You.

Read: Joshua Garcia, Julia Barretto reunite in Un/happy For You

Ang Un/Happy For You ay isang romance-drama. Ayon sa mga writer ng pelikula, hindi naiiba ang kuwento nito sa pinagdaanan nina Julia at Joshua dahil iikot ang istorya sa mag-ex na muling pagtatagpuin ng tadhana.

Joshua Garcia, Julia Barretto reunite in new film Un/happy For You

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa teaser video ng panayam ni Gerald sa Cinema One nitong April 30, pahaging niyang sinagot ang muling pagsasama ng mag-ex na sina Julia at Joshua.

Ayon kay Gerald, excited siya sa pelikulang gagawin ng girlfriend at ni Joshua.

Read: Gerald Anderson on settling down with girlfriend Julia Barretto: "Mas marami pang problema sa mundo ngayon."

Alam din daw niyang ang muli nilang pagsasama ng dalawa sa isang proyekto ay katuparan sa hiling ng JoshLia fans, lalo pa't mahigit apat na taon na noong huling nakitang magkasama sa big screen sina Julia at Joshua.

Sigurado rin daw siyang maganda ang kalalabasan ng kanilang pelikula dahil sa galing nina Julia at Joshua bilang mga aktor.

Read: Julia Barretto on reconciliation with Bea Alonzo

Ani Gerald sa tanong kung ano ang nararamdaman niya sa JoshLia comeback: "It’s exciting—it’s exciting para sa mga fan nila.

"I’m not sure ilang years ago sila huling nagkasama, but I’ve been in that situation.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Alam ko na marami silang mapapasaya na mga fan nila.

"They’re both great actors so alam natin na magiging quality yung ipapalabas nilang proyekto."

Read: Ex-couple Julia Barretto and Joshua Garcia reunite at Mr. M’s tribute party

JULIA-JOSHUA REUNION PROJECT

Matagal nang bulung-bulungang magkakaroon ng reunion project sina Julia at Joshua, sa kabila ng kanilang nakaraan.

Hanggang sa makumpirma ito noong April 24 nang mag-live sa YouTube ang Star Cinema at VIVA Films para sa New Movie Alert.

Read: Julia Barretto-Joshua Garcia love team, magkakaroon ng "unexpected comeback"?

Dito, sinabi ni Joshua na hindi siya nagdalawang-isip tanggapin ang comeback film nila ni Julia nang i-offer ito sa kanya.

Lahad ng aktor: "Noong nalaman ko yung project, sabi ko, yes agad.

"Ang tagal na kasi ng agwat nung panahon noong huli kaming nagka-work.

"Before kasi, teenager pa kami nun. Ngayon, I can say na medyo nag-mature at lumaki na kami.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Ang exciting lang na nagkanya-kanyang journey kami and ngayon magkakabalikan kami sa pelikula."

Read: Joshua Garcia says breakup with Julia Barretto a mutual decision

Ganito rin ang naging rebelasyon ni Julia.

Pagbabahagi niya, matagal na silang nais pagtambalin muli ni Joshua at naghihintay lang siya ng tamang pagkakataon at tamang kuwento para sa kanila.

Kuwento ni Julia: "Actually, over the years, there were several attempts to bring us together [in a project], even during the pandemic.

"It was several times, and at some point, you know when a good material comes along and a great team, of course being reunited with Joshua is such an exciting idea.

"It almost felt, like, maybe it was already the right time, it's the right material, and we’re both in a good place in our life. I'm happy na magkakatrabaho tayo ulit [Joshua]."

Si Petersen Vargas ang magsisilbing direktor ng much-awaited reunion movie ng JoshLia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Julia Barretto quashes third-party issue in breakup with Joshua Garcia

PREVIOUS JOSHLIA PROJECTS

Nagsimula ng tambalan nina Joshua at Julia—na kalaunan ay kinilalang JoshLia—sa pelikulang Vince, Kath & James noong 2016.

Mabilis itong nasundan ng dalawang pelikula noong 2017—Love You To The Stars and Back at Unexpectedly Yours.

Read: Joshua Garcia reacts to Julia Barretto's no-girlfriend advice to him

Nagkasama rin sila sa I Love You, Hater noong 2018, sa zombie movie na Black Z noong 2020, at ang kauna-unahan nilang ABS-CBN series na Ngayon at Kailanman noong 2018.

Huli silang nagkasama at nagkatrabaho sa music video ng kanta ni Moira dela Torre na "Paubaya" noong 2021.

Read: Julia Barretto, Joshua Garcia reveal how they felt after seeing each other again

READ MORE:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gerald Anderson (left) on Julia Barretto (rightmost) and Joshua Garcia's reunion film: "It’s exciting—it’s exciting para sa mga fans nila. I’m not sure ilang years ago sila huling nagkasama but I’ve been in that situation. Alam ko na marami silang mapapasaya na mga fan nila."
PHOTO/S: Gerald Anderson Instagram/Viva Films
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results