Inamin ng Sparkle artist na si Yasser Marta na nagkagusto siya kay Claudine Barretto habang ginagawa nila ang teleseryeng Lovers/Liars.
Sa "Trip to the Hot Seat" segment ng Sarap Di Ba? noong Sabado, April 27, 2024, napili at tinanong ng kapwa guest na si Liezel Lopez si Yasser tungkol kay Claudine.
Ang hosts ng Sarap Di Ba? ay si Carmina Villarroel at ang kambal niyang anak na sina Mavy at Cassy Legaspi.
Read: Yasser Marta dumbstruck by six-digit indecent proposal
Sabi ni Liezel, "Mula nung magkasama kayo sa isang soap, madalas kayong nakikitang magkasama ni Miss Claudine Barreto off-cam.
"On a scale of 1 to 10, paano mo ire-rate ang level ng closeness/intimacy ninyo ni Miss Claudine Barretto?"

Tugon ni Yasser, "Well, sa closeness namin ni Miss Clau, 10 talaga.
"Sobrang naging close kami, ginagawa namin yung Lovers/Liars. Talagang, oo.
"Alam mo yun, ah, pati yung mga anak niya naging friend, kaibigan ko rin talaga.”
Read: Claudine Barretto promises to wear late boyfriend Rico Yan’s watch again
YASSER MARTA ADMITS FEELINGS FOR CLAUDINE BARRETTO
Dagdag na tanong ni Liezel, "Nagkaroon ka ba ng feeling sa kanya?"
Tugon ni Yasser, "Ako Miss Mina [Carmina], I'm going to be honest.
"Totoo, ako naman, yung naramdaman ko at that moment, naging totoo ako, gusto ko rin naman talaga si Claudine.
"Parang hindi naman siya, sabi ko, kahit hindi siya si Claudine, kahit naman sinong lalaki, magugustuhan pa rin po siya.
"Bukod sa mabait, napakalambing, napakabuti ng puso niya."
Sundot na tanong ni Carmina, "So, nagkaroon ka ng feeling sa kanya? Off-cam?"
View this post on Instagram
Diretsong sagot ni Yasser, "Single naman po ako. I guess, siya rin.
"Ako, siguro na-develop din po ako."
Matagal nang single si Claudine mula nang naghiwalay sila ng estranged husband na si Raymart Santiago.
Inamin naman ni Yasser na hiwalay na sila ng dating girlfriend na si Kate Valdez noong November 2023.
Read: Yasser Marta reveals reason for breakup with girlfriend Kate Valdez
