Pinagtawanan lamang ni Aubrey Miles ang isang netizen na tila na-bad trip sa kanya.
Read: Aubrey Miles answers basher of her all-Fendi outfit
"Spoiler" daw kasi ang aktres sa finale episode ng viral K-drama na Queen of Tears sa Netflix.
Linggo ng gabi, April 28, 2024, inere ang finale episode ng Queen of Tears, kung saan maraming Pilipino ang tumutok sa magiging kapalaran ng dalawang bida na sina Baek Hyun Woo (Kim Soo Hyun) at Hong Hae In (Kim Ji Won) at kung magkakaroon ba sila ng happy ending.
Read: Sponge Cola releases new song inspired by Queen of Tears
Bandang 10: 30 p.m. kagabi, nagbahagi si Aubrey ng isang maiksing video ng Queen of Tears finale (episode 16) na kakasimula pa lamang sa Netflix.
Sabay niyang nanood ang asawang si Troy Montero, na na-hook na rin sa Korean drama.
Read: Aubrey Miles and Troy Montero finally tie the knot after 18 years of being together
Caption ni Aubrey, "QUEEN OF TEARS! Kaya mo pa ba tonight? Feeling ko bibigay ka na eh. Hindi ka na nga nakatulog paano na tayo mamaya? @troymontero Kanya kanya na tayo ah
"#queenoftears"
View this post on Instagram
Dagdag pa niya, "waiting na kami guys.. effort to ah kaya sa mga mahuhuli , kasalanan nyo yan!! [laughing emoji] kanya kanya na to. Bahala kayo kung bukas nyo n papanoorin."

Isang netizen naman ang kaagad nagkomento na "spoiler" daw siya at "epal."
Sabi nito, "Spoiler naman nito epal"
Sagot ni Aubrey, kasalukuyan nang umeere ang Queen of Tears sa Netflix.
Kaya tanong niya, "may netflix ka ba? Bhahaha airing na po . ano ako mag adjust syo hahaa kung fan ka dapat nakapanood ka na hahaha lahat nakapanood na ikaw nalang hindi hahaa"

Sagot ng netizen kay Aubrey, "oo may netflix ako. Doon ko sana una papanoorin hindi sa post mo"

Sabi na lang ni Aubrey, "bwahaha go na girl. Kaya mo yan [laughing emoji]"

Wala namang kumampi sa netizen.
Samantala, nagkomento rin si Jolina Magdangal sa post ni Aubrey.
Ayon dito, malapit na rin niyang mahikayat ang asawang si Mark Escueta na manood ng Queen of Tears.
Aniya, "Hahahahahahha!!!! Malapit ko na din marngganyo ang asawa ko. Hahahaha!!!"
Tugon ni Aubrey, "hahaha naunahan pa nga ako umiyak. Inulit namin to, umiyak ulit hhah"

QUEEN OF TEARS IS NOW THE HIGHEST-RATED TVN DRAMA
Ayon sa ulat ng GMA News, ang finale episode ng Queen of Tears ay "officially the highest-rated episode of any drama in Korean channel tvN history."
Tinalo nito ang ratings ng finale episode ng isa pang K-drama hit na Crash Landing on You noong February 2000.
Base sa report ng Nielsen Korea, 24.850% ang pinakamataas na rating ng Queen of Tears, at 21.683% naman ang Crash Landing on You.
Bukod sa ganda ng takbo ng istorya, mapapansin din ang hindi matatawarang fashion sense ng mga bida sa Queen of Tears.
Read: 10 Fashion pieces worn by Queen of Tears' lead stars
Naglabas din ang Pinoy rock band na Sponge Cola ng lyric video ng bago nilang single na hango sa hit Korean drama series noong Miyerkules, April 24, 2024.
"Tatlong Buwan" ang pamagat ng bago nilang kanta.
Read: Sponge Cola releases new song inspired by Queen of Tears
