PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Derrick Monasterio calls girlfriend Elle Villanueva "gem" of GMA-7

Derrick Monasterio on his acting ability before: "Medyo bano."
by Arniel C. Serato
Published Apr 26, 2024
Derrick Monasterio and Elle Villanueva on Makiling finale
Elle Villanueva (left) and Derrick Monasterio (right) of GMA Public Affairs drama series Makiling invite televiewers to its finale week as quest for vengeance intensifies and shocking twists await viewers beginning April 29 at 4 p.m. on GMA Afternoon Prime.
PHOTO/S: Courtesy: GMA Corp. Comm

Itinuturing ni Derrick Monasterio ang girlfriend at Makiling co-star na si Elle Villanueva na "gem" ng Kapuso network.

Ito raw ang nadiskubre niya sa halos apat na buwan nilang pagsasama sa GMA Public Affairs afternoon drama series na Makiling.

Read: Da who or dasurv? Newbie Elle Villanueva proves her acting mettle in Return to Paradise

Sa finale presscon ng Makiling, via Zoom, kahapon, April 25, 2024, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa reel-real life love team kung ano pa ang mga nadiskubre nila sa isa't isa on and off camera?

Makiling poster

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Unang sumagot si Elle.

Ayon sa Kapuso actress, "Ang mas nakilala ko kay Derek is meron pala siyang passion for acting.

"Oo, kasi dati nung unang soap namin, medyo ano siya, medyo... paano bang sabihin?"

Sabat ni Derrick, "Medyo bano. Sabihin mo na."

Patuloy ni Elle, "Medyo mas ano lang siya, mas parang happy-go-lucky.

"Medyo ganun siya. So, parang nagrereklamo pa ako dati dun sa acting coach namin na parang, 'Paano natin ma-motivate si Derrick?' mga ganyan. Kasi bagong gising siya.

"Pero ngayon, talagang siya na yung nag-aaya sa akin, 'Uy, pasok na tayo, workshop,' ganyan.

"Tapos pag nasa set lagi niya ang tinatanong, 'Okay ba yung nagawa ko, okay ba yun?' Ano kayang magandang atake dito?' ganyan-ganyan.

"Tinatanong din niya ako. Tapos sobrang ang laki na ng care niya sa craft niya.

"So, doon ako nagulat na meron din pala siyang tinatagong passion for acting.

"At ang laki ng improvement niya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Derrick Monasterio Makiling BTS

"GEM SA NETWORK'

Puring-puri naman ni Derrick ang girlfriend na si Elle.

Pero inamin ni Derrick na may doubt pa siya kay Elle noong una silang nagsama sa Return to Paradise taong 2023.

Read: Derrick Monasterio at Elle Villanueva, hindi nagli-live-in pero nag-i-sleepover sa bahay ng isa't isa

Sabi ni Derrick, "Dati nung first show namin ni Elle, iniisip ko na parang, 'Ay, hindi nito kaya,' mga ganun.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Nagda-doubt ako sa kanya. Pero grabe, nalaman ko na talagang gem to si Elle ng network.

"Kasi lahat ng mga sikat na artista ngayon, meron silang common kay Elle, e, which is, may hunger, maganda, disiplinado, magaling.

"Parang, saan papupunta yun, di ba, kundi aangat.

"Yun naman talaga yung pinakaano, yun yung nakilala ko talaga sa kanya.

"And yun, si Elle tama siya, nakilala ko sa sarili ko na, 'Wow, may passion ako for acting.'

"Parang, ang sarap pag nakakagawa ka ng scenes.

"Ang sarap pag naka-connect ka sa mga co-actors mo. Yun yung pinaka na-feel ko, na nina-discover ko rin sa sarili ko sa Makiling."

Elle Villanueva  Makiling BTS

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tapos na ang taping ng Makiling at magsisimula na sa April 29, 2024 ang kanilang finale week, 4 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Puno umano ito ng drama, aksiyon, at paghihiganti na maaaring gigiya sa mga manonood kung may maganda ba talagang maibubunga ang paghihiganti?

Read: Royce Cabrera hindi na crush ng Makiling co-star Claire Castro

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Elle Villanueva (left) and Derrick Monasterio (right) of GMA Public Affairs drama series Makiling invite televiewers to its finale week as quest for vengeance intensifies and shocking twists await viewers beginning April 29 at 4 p.m. on GMA Afternoon Prime.
PHOTO/S: Courtesy: GMA Corp. Comm
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results