PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rosanna Roces hopes to end longstanding rift with Ai-Ai delas Alas

Rosanna reveals how misunderstanding with Ai-Ai started more than 20 years ago.
by Bernie V. Franco
Published Apr 25, 2024
Rosanna Roces with inset photo of Ai-Ai delas Alas
Rosanna Roces (main photo) reveals falling out with Ai-Ai delas Alas (inset) happened more than 20 years ago. From then on, the two have not patched things up.
PHOTO/S: YouTube (Aiko Melendez) / Ai-Ai delas Alas Instagram

Inamin ni Rosanna Roces na pinanghihinayangan niya ang nasirang pagkakaibigan nila ni Ai-Ai delas Alas.

Higit dalawang dekada na ang hidwaan ng dalawang beteranang aktres at hindi pa sila nagkakabati.

Sina Ai-Ai at Rosanna ay kasama ni Vic Sotto sa sitcom na 1 For 3 (1997-2001) sa GMA Network.

Ai Ai delas Alas, Vic Sotto, and Rosanna Roces throwback

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

(L-R) Ai-Ai delas Alas, Vic Sotto, and Rosanna Roces in 1 For 3 sitcom that aired in GMA-7 from 1997-2001.

Read: Beyonce gifts bouquet of flowers, plushie to Pinoy toddler

Dahil sa magandang rapport nina Ai-Ai at Rosanna ay nag-tandem sila sa sunud-sunod na concerts at shows sa iba’t ibang lugar.

Sa isa sa mga concert na iyon ang naging mitsa ng pagkakasira ng kanilang pagkakaibigan.

Sa isang column sa The Philippine Star noong 2001, binanggit ditong nasira ang pagkakaibigan ng dalawa, at kumuha ng ibang ka-tandem si Rosanna para sa dapat pagsasamahan pa nilang shows ni Ai-Ai.

Six years after, isang artikulo ang lumabas sa PEP.ph noong August 2007.

Dito sinagot ni Ai-Ai ang tanong kung bukas ba siyang makipag-ayos kay Rosanna.

Inunahan ni Ai-Ai ang reporter bago pa nito maitanong ang tungkol kay Rosanna.

Ang sabi ni Ai-Ai sa reporter: "Alam ko na next question mo, kung ako naman kaya ang batiin [ni Osang]?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Uniform pa rin ang sagot ko ng anim na taon. Pag tungkol kay Osang, parati akong no comment for life."

Read: Busybody Ai-Ai delas Alas on Rosanna Roces: "No comment for life."

ROSANNA REVEALS REASON BEHIND FALLING OUT WITH AI-AI

Sa vlog ni Aiko Melendez nitong April 25, 2024, inamin ni Rosanna kung bakit pinanghihinayangan niya ang nasirang friendship nila ni Ai-Ai.

“Kasi yung pinagsamahan namin noon, totoo, e. Sobrang saya, sobrang nakakatawa,” sabi ni Rosanna.

Ang pagkasira raw ng kanilang pagkakaibigan ay dulot ng mga banggaan ng kanilang mga raket.

At saka inilahad ni Rosanna kung paano nagsimula ang pagkasira ng pagkakaibigan nila ni Ai-Ai.

“Ang totoong pinag-awayan namin, may show kami sa Dagupan. Kalakasan naming mag-show noon,” simula niya.

“Before yung show namin, nag-show siya with Ara Mina. So, nag-flop yun nang husto.”

Kasunod nito, may ginawang hakbang ang producer sa mangyayaring concert nina Rosanna at Ai-Ai.

Lahad ni Rosanna, “So, ang ginawa ng producer ko—na hindi ko naman alam—tinanggal siya [Ai-Ai] sa poster. So, nung nakita niya siguro, sumama yung loob niya.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Aiko Melendez interviews Rosanna Roces

Rosanna Roces (right) being interviewed by Aiko Melendez

Sa araw raw ng concert nila, nagbago raw ang pakikitungo ni Ai-Ai kay Rosanna.

Ani Rosanna: “Nag-decide siya na huwag magbihis nang normal naming ginagawa.

"Tapos, hindi siya dumidikit sa akin. Doon siya sa dalawa kong back-up singer dumidikit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Parang, ‘Ano ito? Bakit ganito?’ So, sabi ko, ‘Itatawid ko ito kasi show ito, e. nagbayad ang mga tao.’

"After noon, yun na."

Mahihinuha sa sagot ni Rosanna na ginantihan niya ang malamig na pakikitungo sa kanya ni Ai-Ai noong gabing iyon.

Pagpapatuloy ni Rosanna, “Tinanggalan ko siya ng security that night, kasi ako yung kumuha sa kanya, e.

"This time, dinadahilan na niya si Kuya Boy [Abunda, Ai-Ai's former talent manager], ganon-ganon, which is tama lang na gawin niya sa akin.

“So, ako naman, tinanggalan ko siya ng security. Pero niraos ko yung show.

"Pero sabi ko, ‘This is it. Last na ito.’ Pinunit ko pa yung repertoire.”

Pagbabalik-tanaw pa niya, “Bakit ganon yung nangyayari? Bakit ganito yung nangyayari?

"Siyempre, ang may kagagawan naman noon, yung producer. Hindi naman ako. Sana hindi nadamay yung show natin.

“Ang dami pa sana naming gagawin. Na-halt yon lahat.

“Yun na. Nasira na yung samahan namin sa sobrang naging personal na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero hindi na kami nagsiraan nang grabe, yung ganon."

Read: Woman in Pakistan gives birth to sextuplets: 4 boys, 2 girls

HOPING TO PATCH THINGS UP WITH AI-AI

Noong mga huling taon ng Kapamilya prime time series na FPJ’s Ang Probinsyano, napabilang sa cast si Rosanna at ang panganay na anak ni Ai-Ai na si Sancho delas Alas.

“Nakasama ko yung anak niya sa Probinsyano. Kinamu-kumusta ko yung nanay niya, ganon. Okay naman,” sambit ni Rosanna.

Makalipas ang higit 20 taon, umaasa si Rosanna na magkaayos na sila ni Ai-Ai.

Sabi niya, “Wala namang hindi naaayos pag tumagal na, e, di ba? Time heals all wounds nga. So, pupunta rin tayo diyan.

“Ang wish ko nga sana makapag-show kaming dalawa ulit. Yung ginagawa namin dati. Same group...”

Sundot pa ni Rosanna, mas marami ang magagandang pinagsamahan nila ni Ai-Ai.

“Ganoon ako kasi. Ngayon siguro magagalit ako, pero pag inuupan ko na yun, iniisip ko, ‘Bakit ganon, e, mas marami ang maganda naming pinagsamahan? Isa lang itong nangyaring ganito.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hangad pa niya, “Hoping ako na maayos namin lahat.

"Willing naman akong puntahan siya kahit saan. Pero siyempre, pagka ready na siya.

"Pero wala na akong sama ng loob or anything like that.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rosanna Roces (main photo) reveals falling out with Ai-Ai delas Alas (inset) happened more than 20 years ago. From then on, the two have not patched things up.
PHOTO/S: YouTube (Aiko Melendez) / Ai-Ai delas Alas Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results