Dobleng kamalasan ang inabot ni Mark Joseph Pede matapos maganap ang sunog sa kanilang lugar sa Barangay Fort Bonifacio, Zone 3, Taguig City, noong April 23, 2024.
Bukod sa nakasama ang bahay ni Mark Joseph sa nasunog, natupok din ang PHP300,000 cash na pambili sana niya ng pampasaherong jeep.
Read: Couple requires wedding guests to give cash gifts

Read: 80-year-old woman without child leaves fortune worth more than PHP300M to caretaker
Nitong April 22 lang inutang ni Mark Joseph ang nasunog na pera.
Aniya, nasa trabaho siya nang maganap ang sunog.
Dagdag pa niya, “Di na po nakuha ng asawa ko [ang pera] kasi inuna niya itong bunso ko.
“Kasi na-trap itong bunso ko.”
Read: Success! Japanese boy reconstructs shredded 10K yen bill
PHP300K IPAMBIBILI SANA NG JEEP
Hinagpis pa ni Mark Joseph, “Pambili po sana ito ng sasakyan. Jeep po sana, panghanapbuhay ko po sana. Para po meron na akong hanapbuhay na sarili.”
Hindi umano niya alam ngayon kung paano magpapagawa ng bahay, at kung paano mababayaran ang perang inutang pero nasunog.
Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), nasa 11 bahay ang nadamay sa sunog; 15 pamilya na kinabibilangan ng 60 indibidwal ang naapektuhan.
Umabot ang sunog sa ikatlong alarma at naapula bandang ala una ng hapon.
Sa imbestigasyon ng BFP, nagsimula ang sunog sa isang electric fan.
Isang bumbero rin ang nasaktan matapos mahiwa ng piraso ng bubog ang kamay nito habang inaapula ang apoy.
