Trigger Warning: Mention of attempted rape, sexual harassment
Isang mahigpit na yakap ang sumalubong kay Cianne Dominguez sa kanyang pagbabalik sa Kapamilya noontime show na It’s Showtime.
Ito’y matapos ang halos dalawang linggo nang mangyari ang insidente kung saan muntik na siyang pagsamantalahan ng isang lalaki sa mismong tinitirhan niyang condominium unit sa Quezon City, noong gabi ng April 11, 2024.
Read: Cianne Dominguez files complaints against suspect who allegedly tried to rape her
Sa It’s Showtime nitong Lunes, April 22, masaya siyang sinalubong ng mahigpit na yakap ng kanyang mga co-host.
Nangyari ito sa "Karaokids" segment ng programa, kunsaan kalahok si Cianne sa mga huhula sa kinakanta ng It’s Showtime kids.
Ka-partner niya rito si Anne Curtis.
Read: Patrick Garcia reveals being rejected by Anne Curtis in the past
Ang unang pinahulaang kanta ay "Me Too" ng American singer-songwriter na si Meghan Trainor. Agad itong nahulaan ni Cianne kung kaya’t nakakuha sila ni Anne ng puntos.
Ikinatuwa naman ito ng kanilang mga co-host, lalo na ni Vice Ganda na humiling pang mag-group hug sila.
Walang binanggit na dahilan si Vice pero malinaw na ang pagyakap nila kay Cianne ay dala ng saya sa pagbabalik nito sa kanilang programa nang ligtas.
Sabi ni Vice, “Yey, guys tama si Cianne. Group hug natin si Cianne.”
Mabilis namang lumapit ang ibang hosts na sina Anne, Vhong Navarro, Jhong Hilario, Kim Chiu, Karylle, Darren, Teddy Corpuz, Jackie Gonzaga, Ion Perez, Lassy Marquez, at MC Muah para yakapin si Cianne.
Read: Kim Chiu replaced by Michelle Dee as searcher in "EXpecially For You" -- PEP sources
“Thank you, It’s Showtime family,” nakangiti namang sambit ni Cianne.
CIANNE’S SEXUAL ASSAULT CASE
Noong April 12, eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang ama ni Cianne, ang body builder at fitness buff na si John Florendo, na idinetalye ang sinapit ng It’s Showtime mainstay sa lalaking pinagtangkaan umanong halayin ang anak.
Ayon sa ama ni Cianne, hindi personal na kilala ng anak ang suspek.
Lahad ni John, “Sinabayan siya sa elevator, nagpakilalang fan at sinabing dun din siya nakatira sa 11th floor.
“Then, paglabas ni Cianne sa 8th floor, sinundan siya. At nung papasok na ang anak ko sa unit niya at isasarado niya ang pinto, pinigil siya ni Torno na pilit na papasok sa unit.
“Hinawakan niya si Cianne sa beywang at akmang hahalikan. Mabuti, malakas ang anak ko at nagpumiglas.
“Sumigaw siya at dun na tumakbong patakas ang suspect na nakuhanan ng video ng anak ko."
Read: Cianne Dominguez's boyfriend Kai Suzon warns suspect in girlfriend's sexual assault case
Nagsampa ng mga reklamong Violence Against Women and Children (VAWC) at trespassing ang 22-year-old na si Cianne laban sa suspek.
Wala pang update kung ano na ang nagyari sa kaso.
