Rebelasyon ng beteranang aktres na si Celia Rodriguez, may isang direktor na ayaw na niyang makatrabahong muli.
Ibinunyag ito ni Celia sa panayam sa kanya ni Boy Abunda sa April 19, 2024 episode ng Fast Talk With Boy Abunda.
Sa kabilang banda, alam din ng beterang aktres, na kilala sa kontrabida roles, na marami ring direktor ang ayaw na siyang makatrabaho.

Hindi diretsahang tinukoy ni Celia kung sino ang direktor na ayaw na niyang makatrabaho, pero nagbigay siya ng hint.
Pagbabahagi ni Celia, “I had one director in Seiko Films who... pag-alis namin from Mindoro coming home, I said, 'Direk, sandali...'”
Tanong umano ng direktor sa kanya, “'O, ano na naman, Tita?'”
Sagot niya rito, “You know, my greatest wish as an actress, I hope to God I will never work with you again.”
Read: Celia Rodriguez, sinabing si Cherie Gil ang "tunay na Reyna ng mga Kontrabida"
CELIA RODRIGUEZ HATES LONG DIALOGUES
May isang direktor din daw na kinausap si Celia dahil ang hahaba ng dialogues ng karakter niya sa pelikula nito.
Ayaw raw kasi niya ng masyadong mahahabang linya.
“Sinasabi ko, 'Direk, sandali, puwedeng makausap?'”
Paliwanag daw niya sa direktor, “Bakit ang haba-haba, e, ang ibig lang naman sabihin, maligo ka, period?
“Bakit meron pang sabon, duster... hindi ba understood? Bakit kailangan pang ilagay lahat-lahat ng kasangkapan para maligo?”
Sabi pa niya rito, “That's one thing they have in Hollywood, it is understood.”
Read: Celia Rodriguez to receive Lifetime Achievement at Star Awards for Movies

CELIA RODRIGUEZ IS A BIG FAN OF NORA AUNOR
Ayon pa kay Celia, ang isang bagay na natutunan niya sa ibang mga direktor na nakatrabaho niya, “It's more of a body language. Not necessarily dialogue.”
Aniya, isa ang Superstar at National Artist na si Nora Aunor sa mga nakita niyang artista na eksperto sa paggamit ng body language pagdating sa pag-arte.

Paglalarawan niya sa nag-iisang Superstar ng Philippine showbiz, “Iba ang hugot ni Nora Aunor, e.
“I mean, she's the only one I know na kahit nakatalikod, nag-a-acting yung mata, nag-a-acting yung likod niya.”
Aminado si Celia na dahil dito, big fan siya ng Superstar.
Read: DJ Mo clarifies remark about Kaye Abad being "ugly version ni Iza Calzado"
