Nagkita na sa wakas si Vice Ganda at ang bata sa viral video na nagtanong kung libre ang pagpapa-face paint sa isang event.
Ang pangalan ng bata ay Lian Charles Villanoza Bartolay.
Ibinahagi ng ina ni Lian na si Chay Villanoza sa Facebook ang video ng bonding ng anak at ni Vice noong Biyernes, April 19, 2024.
Isinama pa ni Vice sa pamamasyal ang mga bata sa "Karaokids" segment ng It's Showtime na sina Imogen Cantong, Argus Aspiras, Princess Kathryn “Kulot” Caponpon, Jaze Capili, at Arianah Kelsey Lasam.
Read: Kapamilya and Kapuso with similarities pair up in It’s Showtime segment
Bukod sa pamamasyal sa isang kids playing zone, niregaluhan pa raw ni Vice ng bisikleta si Lian.
THE VIRAL VIDEO
Noong nakaraang linggo ay nag-viral sa social media ang video ng isang bata na matiyagang pumipila sa isang face-paint session sa isang birthday party.
Noong oras na nang kanyang pagsalang, tinanong muna niya kung may bayad ito.
Noong sinabi ng nagpe-face paint na walang bayad ay makikita ang inosenteng ngiti ng bata na parang nabunutan ng tinik sa dibdib.
Naipapinta pa niya ang gusto niyang American superhero Spiderman.
Caption ng nag-post, "kinurot ang puso ko sa “may bayad po? Then yung ngiti niya na libre (sad emojis] Nubayan"
Ni-repost ito ni Vice.
Caption niya, "Awwww!!! Who knows this kid? I wanna meet him."
Kalaunan nga ay nakilala ang bata na si Lian Charles Villanoza Bartolay, at naka-bonding nito si Vice.
