PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Caregiver Charged with Stealing $1M in Jewelry

The caregiver is said to be a member of a syndicate
by Bernie V. Franco
Published Apr 22, 2024
jewelries inside jewelry box
The National Bureau of Investigation alleges that the caregiver may have stolen the jewelry during her deceased employer's wake.
PHOTO/S: Yaroslav Shuraev via Pexels

Todo tanggi at iyak ang isang 45 anyos na female caregiver sa paratang na ninakaw umano niya ang mga alahas na nagkakahalaga ng higit PHP5 milyon.

Pag-aari ang mga ito ng kanyang pumanaw na amo.

Ang caregiver ay inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI)-NCR sa Sta. Cruz, Maynila at dinala sa NBI detention facility sa New Bilibid Prison.

Lumalabas din sa imbestigasyon na kasama raw ang caregiver sa grupo ng mga kasambahay na nambibiktima ng mga employers.

Ayon sa ulat ng GMA Integrated News, ang caregiver ay inireklamo ng pamilya ng kanyang namayapang amo. Nawawala kasi ang laman ng vault na nagtataglay ng mga alahas—kabilang dito ang gintong bracelets, mamahaling singsing na may precious gems, at kuwintas na may mga diyamante.

Ang mga nawawalang alahas ay nagkakahalaga umano ng higit PHP5 milyon.

Pahayag ng NBI-NCR, posibleng ginawa ang pagnanakaw habang nakaburol ang employer.

Sabi ni Attorney Joel Tovera, NBI-NCR assistant regional director, “Maaaring isinagawa ng ating subject ang pagnanakaw nang nakaburol ang kanilang ina dahil walang tao don sa kanilang bahay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Doon nagkaroon ng pagkakataon na buksan ang nasabing vault.”

Read: Damien Guerot, construction worker, rewarded for heroic deed during Australia mall stabbing

CAREGIVER HAS PREVIOUS CASES OF THEFT

Lumabas din sa imbestigasyon ng mga awtoridad na may mga kaso na pala ng pagnanaw dati ang suspek.

Mayroong dalawang warrants of arrest ito noong 2017.

Natuklasan ding pinalitan niya ang spelling ng kanyang pangalan sa mga na-recover na ID at dokumento ng caregiver.

Ani Tovera, “Lumabas nga po na may kasong qualified theft nitong katulong nila noong mga nakaraang panahon.”

Dagdag pa niya, “May group po daw sila diumano ng mga yaya at mga caregivers na pumapasok sa mga employers, pero ang kanilang motibo ay pagnakawan ang mga ito bandang uli.”

Read: Former TV superstar goes viral for videos showing life as rider and construction worker

HOT STORIES

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The National Bureau of Investigation alleges that the caregiver may have stolen the jewelry during her deceased employer's wake.
PHOTO/S: Yaroslav Shuraev via Pexels
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results