PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ynna Asistio Reunites with Ex Mark Herras After 10 Yrs

It's okay to be friends with an ex.
by Rachelle Siazon
Published Apr 19, 2024
Ynna Asistio and Mark Herras
Ynna Asistio (in white top) shows photo with husband Bully Carbonell (leftmost) and their daughter Ava, together with Mark Herras (rightmost) and his wife Nicole (black and white top).
PHOTO/S: Ynna Asistio Facebook

"Time heals all wounds."

Ito ang pahayag ni Ynna Asistio, 32, nang magkita sila ng ex-boyfriend na si Mark Herras, 37, higit sampung taon mula nang sila ay maghiwalay.

Base ito sa Instagram Story at Facebook post ni Ynna kagabi, April 18, 2024.

Makikitang kasama ni Ynna ang mister na si Bully Carbonell at anak nilang si Ava. Kasama naman ni Mark ang asawang si Nicole Donesa.

"10 years after!!!" saad sa caption ng post ni Ynna.

Dagdag na mensahe ni Ynna, "@nicole_donesa thank you so much [heart emoji]."

Read: Ynna Asistio goes public about pregnancy, wedding on August 8

Read: Mark Herras and Nicole Donesa are now married

YNNA ASISTIO sets up meeting with mark herras wife

Ngayong umaga ng Biyernes, April 19, 2024, nakapalitan ng mensahe ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ynna tungkol sa pagkikita nila ni Mark.

Tinanong ng awtor na ito kung paano sila nagkita ni Mark kasama ang kani-kanilang asawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwento ni Ynna, noon pa lang 2019 ay nagkita na sila ni Mark na noon ay girlfriend pa lamang si Nicole.

Nangyari iyon nang dumalo sila sa birthday party ng kaibigan nilang si Julian Trono.

Mabilis na nagkagaanan ng loob sina Ynna at Nicole.

Kung "by chance" ang pagkrus ng landas nila noon, ngayong 2024 ay talagang sadya na raw nag-usap sina Ynna at Nicole.

"...the meet up was more of me and Nicole because kahit hindi alam ng tao we’ve remained okay and friends years after," sabi ni Ynna.

Nabuo raw ang pagkakaibigan nina Ynna at Nicole sa pamamagitan ng komunikasyon nila sa Instagram noong pareho na silang naging mommies.

Ipinanganak ni Ynna ang anak na si Ava noong October 26, 2022; habang si Nicole ay ipinanganak ang baby boy na si Corky noong January 31, 2021.

"I built a relationship with Nicole through IG. She's always been so nice to me," ani Ynna patungkol kay Nicole.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Patungkol naman kay Mark, dagdag ni Ynna, "But it's the first time we met up after 10 years with family na ang both parties hehehe."

Ang pagkikita nina Ynna at Nicole nitong April 18, 2024 ay para mag-shoot ng episode sa YouTube Channel ni Ynna.

Inimbitahan daw ni Ynna si Nicole na mag-guest sa "Behind The Scenes With Ynna," na ipalalabas sa May 10 bilang Mother's Day special.

Dagdag ni Ynna, "She asked if she could bring Mark and Corky, so I said, 'yes, of course.'"

YNNA ASISTIO AND MARK HERRAS BREAKUP

Nasabi ni Ynna na "time heals all wounds" dahil matatandaang nasaktan siya nang malamang nangaliwa si Mark noong magkasintahan sila.

July 2013 naghiwalay sina Ynna at Mark matapos ang higit limang taong relasyon.

Pero madalas pa rin silang nagha-hang out hanggang noong February 12, 2014.

February 14 nang malaman ni Ynna na may tatlong buwang anak si Mark sa isang non-showbiz girl, base sa panayam ni MJ Marfori ng TV5 noong February 24, 2014.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Inamin ni Mark ang tungkol sa pagiging binatang ama niya sa Startalk, ang defunct showbiz-oriented talk show ng GMA-7, noong February 23, 2014.

Dito naisapublikong nagkaroon ng overlap sa pagitan ni Ynna at ng non-showbiz girl na nakaugnayan ni Mark.

Read: Ynna Asistio "super hurt" by ex-boyfriend Mark Herras's infidelity

Sa panayam ng PEP.ph noong May 2014, sinabi ni Ynna na nagsilbing "wake-up call" sa kanya ang kaalamang may anak si Mark na panahon na para siya ay tuluyang mag-move on.

Read: Ynna Asistio on former boyfriend Mark Herras having a love child: “'Yon ang nagsilbing wake-up call sa akin na talagang wala na.”

July 2014 nang mausap uli ng PEP.ph si Ynna, at sinabi niyang napatawad na niya si Mark.

Read: Ynna Asistio no more ill-feelings toward ex-boyfriend Mark Herras: "Napatawad ko na yung tao."

Sa isa pang panayam ng PEP.ph kay Ynna noong October 2014, inamin niyang akala niya ay "hanggang dulo kami ni Mark."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero tanggap na raw niyang hindi talaga sila para sa isa't isa.

Fast-forward to present time, pinatunayan ng dalawa na puwede silang maging magkaibigan, pati kanilang mga pamilya, kahit may kanya-kanya na silang buhay.

Sabi pa ni Ynna sa PEP.ph, nitong April 19, 2024, "Kaya nga grabe galing ni God!

"And I guess pinagtagpo kami ni Nicole kasi ito yung purpose. Hahaha!

"Feels so good though ang happy ng feeling."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ynna Asistio (in white top) shows photo with husband Bully Carbonell (leftmost) and their daughter Ava, together with Mark Herras (rightmost) and his wife Nicole (black and white top).
PHOTO/S: Ynna Asistio Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results