Thirteen years ago nagsimulang magkaroon ng hilig sa pagpipinta ang artist na si Mylene "Myse" Salonga.
Umpisang kuwento ni Myse, “Ang family ko we’re into export, handicraft maliliit pa kami talagang, pinagku-quality control ako ng mga basket, talagang nagsusugat-sugat ang mga kamay ko.”
Yari sa mga vines o baging na pinatuyo ang kanilang mga basket. Nagsimula rin daw sa hirap ang mga magulang niya bago umasenso sa negosyo.
“Nakalakihan namin na magtrabaho ka, mag-umpisa ka sa mababa.”
Read:
These netizens find look-alikes in old paintings; they all believe in reincarnation
Original painting na binili sa thrift shop for PHP200, nabenta sa wakas for PHP5.6M
Sa ngayon ay wala na ang kanilang handicraft business.
“Hindi na siya in kasi ngayon, e.”
WHO IS Myse Salonga?
Nagtapos ng Marketing sa PSBA at pagkatapos ng graduation ay nagtrabaho siya sa isang bangko.
Lahad ni Myse, “Six years ako dun, teller, then after three years na-promote ako as manager, four years akong manager ng bangko.
“Then after seven years I resigned, then nag-put up ako ng business ko, rentals ng property, bumibili kami ng condo, yung mga pre-selling, tapos warehouse, house and lot. Until now, iyon talaga yung negosyo ko.”
Doktor naman na tubong San Antonio, Nueva Ecija ang mister ni Myse na Briones ang maiden name.
“Ang husband ko, family of doctors. And alam mo yung Salonga Pharmacy and Medical Clinic? Sa kanila iyon.”
Ang lalaking biyenan daw ni Myse ay dating mayor ng San Antonio sa Nueva Ecija na noong pumanaw ay pinalitan naman ng bayaw ni Myse.
Wala raw hilig sa pulitika ang mister ni Myse.
Aniya, “Talagang dedicated siya sa pagiging doctor.” Katuwang si Myse ng kanyang mister sa kanilang klinika at pharmacy.
MYSE SALONGA'S JOURNEY AS PAINTER
At dahil sobrang naging abala siya ay may pinagbalingan siya.
Kuwento niya, “Alam mo bang nai-stress ako doon, kasi may sarili akong business, nai-stress ako! Eto na, pumasok na yung painting ko.
“Parang gusto kong mag-paint. Wala akong formal education sa painting.
“Actually, pinatayo namin itong bahay na ‘to thirteen years ago, ako mismo nag-design nito, ako mismo nag-interior, talagang nangialam ako sa architecture nito, sa engineering nangialam ako sa design nito.
“Tapos, sabi ko, since na-design ko naman ito try kong mag-paint. Tinry ko lang, isang canvass lang, nag-display ako, ‘Ay, ang ganda pala!’
“Acrylic ang medium ko. Tapos, nag-paint ako nang nag-paint.”
Read:
Painting in old woman's kitchen turns out to be "national treasure" worth PHP1.4 billion
Painting na nabili for PHP220; may nakaipit sa frame na historical document worth PHP134M
Kapag nai-stress si Myse, painting ang binabalingan niya, “Doon ko nadiskubre na meron akong talent.”
Mahigit one hundred fifty paintings na ang naibenta niya.
MYSE SALONGA EXHIBIT
At nitong Abril 1, 2024, sa unang pagkakataon ay nagkaroon ng exhibit si Myse ng kanyang mga paintings. Idinaos ito sa The Manor sa Camp John Hay sa Baguio City.

Ang opening ng kanyang exhibit ay dinaluhan mismo ng alkalde ng Baguio na si Mayor Benjamin Magalong na kaibigan ni Myse at iba pang mga kaibigang celebrity ni Myse, tulad ng actress/beauty queen na si Patricia Javier at ang travel show host/businesswoman na si Cristina Decena.
Dalawang anak ni Cristina ay inaanak ni Myse sa kasal.
Lahad niya, “Matagal na kaming magkaibigan, I think twenty years na.”
Halos lahat daw ng okasyon sa buhay ni Cristina ay naroon si Myse at ganoon rin si Cristina kay Myse.
Samantala, ongoing hanggang June 1 ang exhibit ni Myse sa The Manor na ang beneficiary ay ang FAAB (Fashion of Arts Autism Benefit) na nangangalaga sa mga kabataang may autism.
Read:
Paintings na parang gawa lang ng bata, nasa PHP2 bilyon ang halaga!
Ang “illusion” sa Kathryn Bernardo painting na pag-aari na ngayon ni Julius Babao
Para sa mga karagdagang detalye at upang makita ang mga work of art ni Myse, maaaring bisitahin ang mga website.
Natagalan raw bago siya nagkaroon ng exhibit.
Kuwento ni Myse, “Maraming nag-o-offer sa akin ng exhibit, pero hindi ako nakakaabot dun, kasi para magkaroon ka ng exhibit kailangan mag-ipon ka ng mga fifteen na paintings, nabebenta agad siya!”
Sa circle of friends pa lang daw niya na panay ang tawag kung may bago siyang painting ay nauubos agad ang mga likha ni Myse.
Nakaipon naman daw siya sa wakas ng labingwalong paintings para sa ongoing exhibit niya sa The Manor sa Baguio.
Kung may celebrity na nais ipinta si Myse, iyon ay si Dawn Zulueta.
“Wala siyang retoke,” bulalas ni Myse.
“Ang ganda-ganda niya. Kahit yung buhok niya may puti, ang ganda-ganda niya. Kahit walang makeup, ang ganda-ganda niya.
“Idol ko siya. Pareho kaming walang retoke,” at tumawa si Myse na nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa mismong bahay nila sa isang village sa Quezon City nitong Abril 9, 2024.
Isa pang nais ipinta ni Myse ay ang simbahan sa hometown niya sa Padre Garcia sa Batangas.
