Abot-tenga ang ngiti ng It's Showtime co-host na si Ryan Bang nang muling malapitang makaharap ang South Korean actor na si Kim Seon Ho.
Si Ryan ang nag-host sa Color+Full 2024 Asia Tour in Manila ni Seon Ho, handog ng UFC Mixes at MakeitLive Asia na ginanap sa Mall of Asia Arena sa Pasay City noong Sabado, April 13, 2024.
@pepalerts @seonho__kim performing his new song "Miracle" for his Filipino fans during his "Color+Full Asia Tour" Iin Manila. The event is made possible by MakeItLive and UFC Mixes #UFCxKSH #PEPNews #NewsPH #EntertainmentNewsPH ? Cute - Aurel Surya Lie
Sa simula pa lamang ng programa, ipinakita at ipinadama na ni Ryan ang paghanga sa South Korean heartthrob nang paulit-ulit niyang purihin itong "ang guwapo-guwapo mo" at "sobrang charming."
Ito'y kahit pangalawang beses na niyang nakita nang malapitan si Kim Seon Ho.
Ang una ay nang mag-host si Ryan sa red carpet ng 8th edition ng Asia Artist Awards (AAA) na ginanap sa Philippine Arena noong December 14, 2023.
Read: Ryan Bang trends online after hosting red-carpet event of AAA 2023
"Nakita na kita for the first time sa AAA. Natulala talaga ako sa sobrang guwapo niya.
"Ang guwapo-guwapo niya. Sobrang charming talaga ni Seon Ho.
"Sobrang excited ako kasi matagal kaming magkakasama tonight," nakangiting bungad ni Ryan kay Kim Seon Ho.
May pagkakataon pang pabirong inalok ni Ryan si Seon Ho na maging tour guide nito sa susunod na bumalik ito sa Pilipinas.
Sinabi niya ito sa aktor sa Korean language at mabilis ding tinranslate sa Tagalog para maintindihan ng fans ni Kim Seon Ho.
Ani Ryan, "Sabi ko pagbalik niya, puwede akong maging tour guide niya.
"Absent muna ako sa It's Showtime, Mommy Vice [Ganda] ha.
"Puwede rin akong maging PA (personal assistant) mo."
Bakas naman kay Kim Seon Ho ang tuwa sa paghu-host ni Ryan kaya siya na mismo ang nag alok kay Ryan na mag-selfie sila.
@pepalerts @??? ends his "Color+Full Asia Tour" in Manila by serenading his fans with the song "Reason." Kim Seon Ho's fan meet is made possible by MakeItLive and UFC Mixes. @makeitliveasia @nutriasiachannel #PEPNews #NewsPH #EntertainmentNewsPH ? Cute - Aurel Surya Lie
RYAN INVITES KIM SEON HO IN IT'S SHOWTIME
Samantala, bago tuluyang matapos ang fan meeting event ni Kim Seon Ho ay hindi pinalagpas ni Ryan ang pagkakataong yayain itong bumisita sa Kapamilya noontime show na It's Showtime.
Hirit ng It's Showtime host, "Puwede ba akong magtanong Seon Ho?
"Mayroon kasi kaming live show every day, It's Showtime, so next time, if you have a chance please visit It's Showtime."
Ngumiti at mabilis namang tumango sa kanya si Kim Seon Ho.
Sagot sa kanya ng K-drama actor, "If there’s an opportunity, I’ll make sure to participate."
"Thank you so much, I hope I will see you soon in It's Showtime," nakangiting sambit ni Ryan.
Read: Kim Seon Ho tearfully apologizes for controversy involving ex-girlfriend
Hindi ito ang unang pagkakataong bumisita sa Pilipinas si Kim Seon Ho.
Ito na ang pangatlong beses niyang magsagawa ng fan meet sa bansa para sa kanyang Filipino Seonhohadas (tawag sa kanyang fans).
Si Kim Seon Ho ay nakilala sa mga hit Korean dramas na Hometown Cha Cha Cha (2023), Start Up (2020), Catch The Ghost at Welcome to Waikiki 2 (2019), 100 Days My Prince (2018), at Good Manager (2017); at sa variety show na 2 Days 1 Night.
Noong 2023 ay ipinalabas ang kanyang debut movie na The Childe, kung saan gumanap siya Korean-Filipino.
Read: Kim Seon Ho talks about his acting process; admits he goes undercover for some me-time
